School Paper 2 || 마지막

30 3 17
                                    

Dear Youngtaek at Hyunhee,

Si Sayoon 'to. Gusto ko lang na malaman niyo na masaya ako para sa inyo. Gusto ko rin na iparating sa inyo na hindi natuloy yung kasal namin ni totoy. Bakit? Kasi tinakbuhan ko yun, akala ko kasi may babalikan pa ko. Pero nung nakapunta ako ng Korea, nakita ko kung gaano kayo ka-inlove sa isa't-isa. Naki balita ako sa inyo nang hindi nagpapakita sa inyo. Umattend ako sa kasal niyo at nakita ko yung ideal wedding ni Youngtaek. Magkaiba kami ng ideal wedding ni Youngtaek kaya madalas kami mag talo non. Pero nung nakita ko yung kasal niyo, nakita ko na nagkasundo kayo don. Perfect match talaga kayo. Tinanggap ko sa sarili ko yun na hindi talaga kami ni Youngtaek, na baka nadala lang kami ng emosyon noon. 7 taon na kayong kasal at may 1 anak na kayo at upcoming na kambal. Wala pa kong asawa, pero masaya ako ngayon kasi alam kong wala akong hinanakit sa buhay o sa kung sinong tao. Salamat sa alaala. Nagsilbi lang talaga yung relasyon namin ni Youngtaek na lesson na dapat marunong akong lumaban, pero ngayon sinong ipaglalaban ko?

Sayoon Gong

---

"Hindi man lang nagkaroon ng bagong pagkakataon si Sayoon na magmahal", sabi ni Sungyoon hyung habang nakatingin sa letter na binigay ni Sayoon noona kay Youngtaek hyung at Hyunhee noona

Nakaupo kami dito sa hospital bed na ginamit ni Sayoon noong na confine siya at ngayon nagliligpit na kami para makauwi.

"Martyr, eh. Ikaw ba naman ang pigilan ng magulang", sabi ko habang tinutupi yung kumot

"Pero ano na mangyayari?", tanong ni Sungyoon hyung

"Hindi ko alam. Sa ngayon umuwi na muna tayo, hyung"

"Aasikasuhin ko pa pala yung funeral ni Sayoon. Tara na, Donghyun", sabi ni Sungyoon saka lumabas dala ang ibang gamit na naiwan ni Sayoon sa ospital.

Kinuha ko ang tirang gamit at saka tingnan ang buong kwarto bago umalis.

"Sana kasi ako nalang yung pinaglaban mo non, Noona"

School Paper 2 || son youngtaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon