@aaashy_nickz💞
8:30 palang ng umaga pero gising na ako. Maaga akong gumising dahil sa napagusapang plano namin ng kambal at ni Rio.Agad akong nagtungo sa banyo at naligo.
Pagkatapos kong maligo ay agad kong tinungo ang kusina. Nagulat ako ng wala akong madatnan na tao.siguro ay tapos na sila.Tinungo ko ang mesa at hindi nga ako nagkamali dahil tapos na talaga silang kumain,tinirahan nalang ako ng isang itlog at hotdog na may kaunting kinagatan pa.Like duh!Nakakahiya naman sa kanila.
"Nag-abala pa talagang ipagtabi ako ng agahan"wala sa sarili kong saad
Pagkatapos kong kumain ay agad ko silang hinanap. Hindi naman ako nahirapan nang makita ko silang nasa likod bahay. Abala ang mga ito sa pagtatanim.
"Good morning lola!"masigla kong bati kahit na badtrip na badtrip ako dahil sa tinira nilang agahan para sa akin.
"Oh!gising na pala ang maganda kong apo.Halika dito at tulungan mo itong mga pinsan mo."lumapit naman ako dito. Abala ito sa pag-aayos ng halaman niyang orchids.
"La wag mo yang sinasabihan ng maganda mas lalong lumalaki ang ulo e'"singit ni Sage
"Like duh!stay humble parin kaya ako kahit na marami ang nagsasabi sakin na ang ganda-ganda ko raw"
"Yan!yan kita mo na la! "Saad nito na para bang may natuklasang sekreto. Ang kamay nitong may hawak na maliit na pala ay nakaturo pa sa direksiyon ko.
"Aba apo totoo naman ang sinasabi ko.Saan pa bayan mag mamana si Eang kung hindi sa maganda rin niyang lola "ngumiti pa ito nagpagkalawak-lawak hanggang sa makita ko na ang gilagid ng ngipin niya.Totoong maganda talaga itong si Lola.Sa unang tingin mapagkakamalan mo itong fifty palang ang edad dahil sa natural na taglay niyang ganda na minana narin sa kanyang ninuno
"Tama ka diyan Lola nasa dugo natin ang magandang lahi pero itong si Sage ewan ko ba kung anong klaseng dugo ang meron dito at ang pangit-pangit buti pa itong si Kye hindi maipagkakaila na nananalaytay sa dugo niya ang magandang lahi natin"magpo-protesta pa sana si Sage ng pinanlakihan ko ito ng mata
"Ano pala ako?ampon?"madramang Saad nito
"Ang bobo talaga nito!Ibigsabihin kung ampon ka ampon din itong si Kye. Meron bang kambal na ampon ang isa? "Rio.
Napailing-iling nalang Si Kye sa kakambal nito.Siguro kung ibang tao ang kaharap ng kambal na'to mahihirapan silang kilalanin kung sino si Kye at Sage. Naalala ko pa noon nung mga bata pa kami madalas kong napagbabaliktad ang pangalan nila kaya naman ang ginawa ko nun binutasan ko ang tsinelas ni Sage para meron akong palatandaan. Kaya naman kapag naglalaro kami ng bahay-bahayan tinitingnan ko muna ang tsinelas nila. Kaya siguro palagi ako nitong binabara ni Sage ay dahil meron itong kinikimkim na galit sa akin. Pero ngayong malalaki na kami at lumaki kaming magkakasama napansin ko narin ang pinagkaiba ni Sage at ni Kye. Kung si Sage ay madaldal at mahilig mambara kabaligtaran naman ang kambal nito na madalas na tahimik lang at kapag nagsalita naman ay merong sense of humor na malayong-malayo sa kakambal nito.
"Maka tawag ka sakin ng bobo akala mo Kung sinong matalino"
"Bakit?hindi ba?"bakas sa boses nito na nanghahamon
"It's too early for a fight.Hindi ko pa alam kung sino sa inyo ang pupustahan ko."Kye na abala parin sa pagbubunot ng ligaw na damo. Tinapunan lang ito ng masamang tingin ng dalawa bago nagpatuloy sa ginagawa.
"Lola asan po sila kuya Kylon at kuya Clayon? "Tanong ko dito.Kanina ko pa kasi napansin na wala ang dalawa.
"Hindi ba nagpaalam sayo?"
"Hindi po.Saan sila pumunta Lola? "
"Ayun at isinama ng lolo mo sa kabilang barangay at may kikitain daw na kumpare niya"
YOU ARE READING
Letting You Go
Teen Fiction"Sometimes the best thing you can do is not think, not wonder,not imagine, not obsess. Just breathe, and have faith that everything will work out for the best." Minsan mahirap i-let go ang mga bagay na mahalaga sa atin gaya ng pag delete ng mga pict...