Pangalawang Pahina

657 21 16
                                    

Pangalawang Pahina

SA WAKAS, MASUSUNDAN KO NA RIN ANG GINAGAWA KONG KWENTO. PARANG KAHAPON KO LANG NATAPOS ANG UNANG PAHINA KUNG SAAN PINATAY KO ANG AKING AMA. 

Nabigla siya sa kanyang unang nabasa.

Hindi niya akalain na may gagawa ng isang kwento na pinatay ang sariling Amain. Hindi niya rin lubos na maisip kung bakit ganito ang konsepto ng istorya na nais gawin nung sumulat nito.

Ang isa pang pinagtataka ni Mira, kung bakit puro pagpatay lang ang nasa kwento.

Pinag patuloy niya ang pagbabasa. 

NGAYON, ANG ISUSULAT KO NAMAN AY KUNG PAANO KO PINATAY ANG AKING BUNSONG KAPATID KANINA LANG.. 

Sino kayang baliw ang sumulat nito? sa isip-isip niya.

IDINAMPI KO SA BRASO NIYA ANG MATUTULIS NA NGIPIN NG LAGARE. AGAD KO NAMANG NAPANSIN ANG PANGINGINIG NIYA. NATUTUWA AKO SA NAKIKITA.

UNTI-UNTI KONG GINAGASGAS SA BRASO NIYA ANG LAGARE. PALALIM NG PALALIM, PADIIN NG PADIIN. KITANG KITA KO SA MGA MATA NIYA ANG SAKIT NUNG MGA ORAS NA IYON. HANGGANG SA MAPUTOL ANG BRASO NIYA. HABANG NAKIKITA KO SIYANG UMIIYAK, NAPAPAHALAKHAK AKO.

Ang brutal naman. Pero infairness maganda yung kwento. Nakakapanindig balahibo. Sa isip niya lang.

INALIS KO ANG NAKATAKIP SA KANYANG BIBIG. MADIIN KONG HINAWAKAN ANG KANYANG PISNGI PARA IBUKA ANG KANYANG BUNGANGA. MATAPOS NUN, HINILA KO ANG KANYANG DILA AT AGAD NA NILAGARE. GANITO ANG NABABAGAY SA MGA TAONG NAPAKA SINUNGALING.

NATUWA TALAGA AKO NANG MAPUTOL KO ANG KANYANG SINUNGALING NA DILA. UNTI-UNTI KO NANG NAKAKAMIT ANG AKING PAG HIHIGANTI.

So, revenge pala ang concept ng kwento. bulong niya sa sarili.

Pinagpatuloy niya ang pagbabasa.

HINDI NAKO NAG PALIGOY-LIGOY PA. NILAGARE KO ANG KANYANG LEEG HANGGANG SA MAPUTOL ITO. MATAPOS NUN, IPINASOK KO NA SIYA SA ISANG KWARTO NA LAGAYAN KO NG KATAWAN NG MGA TAONG PAG HIHIGANTIHAN KO.

DALAWA NA SILA! KAKAIBANG KASIYAHAN ANG NARAMDAMAN KO PAGKALABAS KO SAAKING SECRET TUNNEL.

Nakakatakot naman! Kwento lang naman siguro ito kasi may mga title sa bawat pahina. Isa pa masyadong brutal, imposibleng gawin sa totoong buhay. Pamilya pa ang tinutokoy na paghihigantihan sa kwento. Sa isip niya.

Matapos niyang mabasa ang pangalawang pahina. Naku-curious na siya sa ikatlong pahina. Inilipat niya na sa ikatlong pahina para basahin.

"BASEBALL BAT"

(705)

Ang pangatlong pahina.

"So, Baseball bat ang ginamit sa pagpatay." Aniya. Binaliktad na niya ang kwaderno at sinimulang basahin.

HETO NANAMAN AKO AT MAGSUSULAT NG ULIT NG KWENTO. NASA PANGATLONG PAHINA NA AKO.

NGAYON IKE-KWENTO KO KUNG PAANO KO PINATAY ANG AKING TITA.

"Ate Mira! Nakita mo na daw ba yung costume na gagamitin mo?"

Natigilan siya sa pagbabasa ng marinig ang kanyang bunsong kapatid.

"Hindi pa! Pakisabi kay Mama na hahanapin ko na lang mamaya." Sigaw niya sa kapatid.

"Ate, pinapapunta ka pala ni mama kay tita Melva, may sasabihin daw ito sayo." anito

Ay.. Oo nga pala pinapupunta nga pala ako ni mama kela tita Melva. Gosh! makikita ko nanaman si crush Sa isip niya. Agad siyang tumayo at inilapag sa kanyang kama ang kwaderno.

------

PAHINA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon