Unang Pahina

849 23 10
                                    

Unang pahina.

Nasa bodega si Mira ngayon ng kanilang bahay may hinahanap kasi siyang costume. Ang sabi kasi ng kanyang Mama may tinago daw itong halloween costume doon sa may bodega nila. Ginamit niya iyon nung high school nung nagkaroon sila ng halloween party.

Naiinis na siya kasi kanina niya pa hinahanap yung costume na iyon, hanggang ngayon hindi niya pa rin makita. Tagatak na ang pawis niya sa noo at likod.

Habang hinahanap niya ito, napuna ng atensyon niya ang isang kwarderno sa gilid ng baul.

Kinuha niya ito upang tignan. Napansin niya agad ang mga numero sa cover ng kwardeno.

May nakasulat na mga numerong..

705. Na nakapaluob sa isang tentragram. Nagtaka siya sa disenyo at mga numero na nasa cover ng kwaderno.

Tinignan niya ang unang pahina. Napukaw agad ng paningin niya ang salitang.. MARTILYO (705)

Malalaking titik ang pagkakasulat ng salitang martilyo. At sa ibaba ng salitang ito ay may nakasulat na. "Ang unang pahina"

Agad niyang naisip na baka isa itong kwento. Pero nagtataka siya ng mapansin niyang pabaliktad na ang mga sumunod na nakasulat.

Binaliktad niya yung kwaderno. Naging malinaw na sa kanya ang mga nakasulat dito. Ang pinagtataka niya lang ay kung bakit binaliktad nung sumulat ang kwardeno at maisip na sa bandang ibaba magsimulang gumawa ng kwento.

Sinimulan na niyang basahin ito..

PINAGPUPUKPOK KO ANG BAWAT DALIRI NG KANYANG PAA. BAWAT SAKIT NA NAKIKITA KO SA KANYANG MGA MATA AY KAKAIBANG TUWA ANG DULOT NITO SA AKIN.

Sa mga unang sentence na nabasa niya kinilabutan siya. Kung isa man itong kwento, bakit ganoon ang simula nito. Ang pinagtataka niya pa ay kung bakit malalaking letra ang pagkakasulat dito.

Itinuloy niya ang pagbabasa sa unang pahina.

ANG SUMUNOD NA PINUKPOK KO AY ANG MAG KABILAAN NIYANG TUHOD. NUNG LUMABAS ANG DUGO MULA SA TUHOD NITO, NAPAHALAKHAK AKO. GUSTONG GUSTO KONG NAKAKAKITA NG DUGO. 

KITANG KITA KO SA MGA MATA NIYA ANG PAGMAMAKAAWA NUNG MGA ORAS NA IYON PARANG GUSTO NIYANG PATAYIN KO NA SIYA. MALAS NIYA GUSTO KO PA SIYANG PAHIRAPAN.

Habang binabasa niya iyon, nakarinig siya ng kung anong kaluskos na nagmumula sa loob ng bodega. Napahinto siya sa pagbabasa. Mayamaya may nakita siyang pusa na lumabas sa pinang gagalingan nung kaluskos. Nakahinga siya ng maluwag.

Pusa lang pala. sa isip isip niya. 

Kaya pinagpatuloy niya ang pag babasa.

ANG SARAP PALANG TITIGAN ANG TAONG MATAGAL MO NANG GUSTONG PATAYIN. LUMAPIT AKO SA KANYA AT PINAGPUPUKPOK KO NG MARTILYO ANG MGA DALIRI NIYA. BAWAT SIGAW AT PAGMAMAKAAWA NIYA KAKAIBANG KASIYAHAN ANG AKING NARARAMDAMAM.

ORAS NA PARA PATAYIN KO NA SIYA. PINAGHAHAMPAS KO NG MARTILYO ANG ULO NIYA. MADAMING DUGO!

ANG DAMING DUGO! 

HINDI KO SIYA TINIGILAN HANGGANG SA MABASAG ANG KANYANG BUNGO.

Matapos niyang mabasa ang unang pahina sa kwaderno na iyon, kakaibang takot ang naramdaman niya. Naisip niya na parang hindi ito isang kwento lamang. Parang may pinaghugutan.

Umalis na siya sa bodegang iyon. Dinala niya ang kwaderno. Naisip niyang mamaya na lang ipagpatuloy ang paghahanap sa halloween costume. Tinawag na kasi siya ng kanyang Mama para mananghalian.

Pagkatapos kumain ni Mira, dumeretso agad siya sa kanyang silid para basahin ang pangalawang pahina. Kinuha na niya ang kwaderno na pinatong niya sa may desk at binuksan para basahin ito.

Sisimulan na dapat ni Mira, ang pag babasa nang may kumatok sa pintuan ng kanyang silid.

"Come in?" agad na sabi niya.

"Mam, may mga naghahanap po sa inyo." Ani ng kawaksi.

"Sige, susunod na ako." aniya sa kawaksi

Agad namang lumabas na ng silid si Mira para tignan kung sino ang mga ito.

"Hi guys, agad na sabi niya pagkakita sa mga kaibigan.

"Mira, pupunta kami sa Mall, gusto mo bang sumama?" ani ng isa sa kanyang mga kaibigan.

"Busy ako eh, Nextime nalang siguro." aniya.

"Sige na Mira, join kana saamin please.." Wika ng kaibigan niyang lalaki.

"Sorry friend, Talagang busy ako." alibi ni Mira, sa kanyang mga kaibigan. 

Ayaw niyang sumama kasi nakakasiguro siya na gagabihin nanaman sila sa pag-uwi.

"Ganun ba? Sige alis na kame." sabi ng mga kaibigan niya.

Nag lakad na ang mga kaibigan palabas ng kanilang bahay. 

Wala na ang kanyang mga kaibigan. Kaya umakyat na siya sa kanyang silid. 

Kinuha niya ang kwaderno sa pinagpatungang desk. Para basahin na ang ikalawang pahina.

Binuklat niya ang kwadero at inilipat sa pangalawang pahina.

Agad na nabasa niya ay ang salitang.

"LAGARE"

(705)

Ang pangalawang pahina

Ang sumunod na nakasulat ay baliktad na. Kaya ibinaliktad niya ang kwaderno para mabasa ang nakasulat dito.

--->

PAHINA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon