Natapos na rin ang school at kahit first day eh may assignment na kami agad pero slight lang naman about sa Science.
Tinext ko na si Daddy na magpapasundo na ako, after kong ma send ang text ko ay pumunta muna ako sa locker ko para kunin ang needed na gamit at iwan ang di masyadong gagamitin dahil mabigat sa bag after kong ma lock ang locker ko ay may napansin akong lalaki na nakatayo di kalayuan mula sa kinalalagyan ko, lumapit ako sa kanya at nang makita ko ang mga mata niya its so nice.......
Nope..... Nakita ko ang mga magaganda niyang mata pero di ko parin malilimutan ang ginawa niya
"Oh, hi Andrea"
"Hi Andrew dito ka pala nag transfer ng school?"
"Oo eh ikaw dito ka rin?"
"Oo, kase gusto nila daddy"
"Ah sige kamusta ka na pala sorryy...."
"Ok na ako ok na ok na realize ko n---"
Bago ko paman matapos ang sasabihin ko ay may tumatawag na mula sa phone ko.
"Sige alis na ako tumatawag na si Dad eh bye"
" Bye"
Ramdam ko ang lungkot sa tinig ng boses niya pero di na ako magpapadala pa ayoko na.
Flashback
Papunta akong library non bago umuwi dahil magsasauli ako ng libro pababa na ako ng hagdan ng may narinig akong nag uusap nagtago muna ako at hindi muna ako bumaba dahil baka kung sino tatawag na sana ako kay Andrew para sabihing hintayin ako sandali sa parking lot.
Habang nag tetext ako ay nagsalita na ang lalaki
"Babe, I gotta go dahil baka may makakita pa sa atin dito, alam mo na be safe lang"
T-teka bat parang boses yun ni Andrew, h-hindi pwede nasa parking lot lang siya eh tinago ko muna ang phone ko at bababa na sana ako para tignan kung si Andrew ba talaga yun bago paman ako makababa ay nagsalita na ang kasama niyang babae
"Babe naman eh I really miss you tapos aalis ka nanaman pupuntahan mo nanaman siya?"
Bat parang boses yun ni A-ariela?
Hindi ko na napigilan pa at bumaba na ako
Di nga ako nagkamali si Andrew at Ariela nga ang dalawang nag uusap
"A-anong ibig sabihin nito......... Andrew?, Ariela?"
Pinipigilan kong umiyak dahil ayokong makita nila na mahina ako
"Andrea........."
Gulat na sabi ni Andrew
"A-ano to ha Andrew, Ariela naman eh"
"S-sorry na bessy" sabi ni Ariela
" Huwag mo akong matawag tawag na Bessy Ariela hindi ka man lang nakontento ha? Pati pa naman si Andrew?!, ikaw naman lalaking ka hayop ka rin eh no akala ko ba mahal mo ako na alala mo pa ba yung pangako na sinabi mo sa akin na dapat walang magloloko sa ating dalawa? Eh asan na yung pangakong yon? Andrew ginawa mo akong TANGA!!!!!!!, hindi mo man lang inisip kung ano ang mararamdaman ko??!! "
Hindi ko na napigilan pang umiyak.
Dahil sa galit nasampal ko silang dalawa deserve naman nila yun eh matapos nila akong lokohin matapos akong lokohin at paglaruan ng Bestfriend ko at ng taong akala ko mahal ako.
" Ayoko na Andrew lets stop this nonsense. Wag na wag ka nang magpapakita sa akin pati na rin ikaw Ariela"
Tumakbo na ako at iniwan ko na silang nakatulala
Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tinawagan ko si dad sinabi ko sa kanya lahat lahat
End of the flashback
Haysss its more than 3 years and Ayoko na talagang magmahal pa kahit sino pa yan binago niya ako eh binago nila ako.
************************************
Mag iisang taon na ng school days at unti unti na kaming nagiging close ng mga classmate ko maliban kay Charles na parati kong kaaway para kaming aso at pusa, siyempre siya yung pusa at ako yung aso. Noong isang araw kase habang kumakain ako sa canteen nilagyan niya ng hot sauce yung spaghetti na inorder ko habang kumukuha ako ng tubig siyempre magpapatalo ba ako isang araw ulit habang nagbabasketball sila nakita ko yung bag niya and tradition na nila na maligo after ng game syempre kinuha ko yung towel niya at nilagyan ng face paint nang lumabas na siya ng cr at pumunta sa room tuwang tuwa ako dahil kinuha ni tanga yung towel prank ko sa kanya siyempre araw araw may prank war sa aming dalawa hanggang ngayon.
"Hoy Andrea"
"Hoy ka rin Charles, sinong nerd ngayon ha?"
"Aba aba aba tumatapang ka na ata pano kaya kung gumawa tayo ng deal"
"Sgi ba game ako kahit ano pa yan unggoy"
"Mag kunwari tayong TAYO"
"ANO?!!!!! AT SAAN MO NAMAN NAKUHA YANG IDEYANG YAN HA?!!"
"siyempre kasi di kita madaan sa mga prank na pambata pano kaya kung sa kagwapuhan ko baka mahulog ka"
Bigla akong inubo dahil sa sinabi niya
"Ako? Mahuhulog sayo?"
" Nagbibiro ka ba sige game ako ang unang ma fall kaylangan gumawa ng move para maging sila kung hindi naman successful you need to be with her or him in times he or she needs you understood?"
"Of course love"
"Yuck!!!! Anong LOVE LOVE DIYAN tigil tigilan mo nga ako Charles"
" From this day on tatawagin na kitang Prinsesa ko at ako naman tatawagin mo nang prinsipe ko"
"Kilabutan ka sana sa mga sinasabi mo"
"I LOVE YOU TOO PRINSESA KO"
"Tse"
Bago paman ako lumabas ng room ay hinatak na niya ako pabalik at niyakap sabay sabing I will never leave you, bigla naman akong napangiti sa mga sinasabi niya pero siyempre bigla kong sinabing
"Neck neck mo prinsipe ko"
"Bakit gusto mo?"
"YUCK BALA KA NA NGA DIYAN"
Matapos non ay kumaripas na ako ng takbo at baka kung ano pang gawin ng prinsipe ko este ni Charles.
************************************"Nakkkk!!!!!"
Umagang umaga pa lang ng Sabado at rinig na rinig na ang sigaw ni Mommy galing sa sala. Bigla naman akong tumakbo palabas ng kwarto ko para tanungin si mommy kung anong problema pero nagulat ako nang makita ko si Charles na nakaupo sa sofa namin at pinaghahandaan pa siya ni Mommy habang kinakausap naman si Charles ni Daddy.
"Hey hey hey whats going on here?"
"Oh baby gising ka na pala kanina ka pa hinihintay nitong si Charles may pupuntahan daw kayo"
"Ayyy nooo sorry pero matutulog pa ako"
Bigla naman akong tinignan ni Mommy at sabi niyang mag ayos na daw dapat ako dahil nakakahiya kay Charles.
Matapos kong magbihis tinanong ko si Charles
"Hoi, anong pinakain mo kina Mommy at Daddy bakit ka nila nagustuhan?"
Ngumisi lang siya
"Gwapo kase ako"
Sinapak ko siya ng mahina dahil sa mga sinasabi niya
"San ba kase tayo pupunta ha?"
"Date"
Biglang nag init ang pisngi ko ng sinabi niyang date anoooo??? Yung kaaway ko kahapon date ko na ngayonnn???!!!
"No"
"You have No Choice" sabi niya sabay karga sa akin papunta sa loob ng sasakyan niya.
************************************
Nandito na kami ngayon sa mall at nagtaka ako bakit kami pumunta sa EO
"Hoy anong ginagawa natin dito sa EO ha?"
Bigla siyang naging seryoso habang lumalapit sa mukha ko, akala ko kung anong gagawin niya, bigla niyang tinanggal ang salamin na suot ko at isinuot niya ito.
"Sus akala ko naman may sira ka sa mata ano to fashion lang?"
"Pake mo ba"
Kukunin ko na sana ang salamin ko pero bigla niyang itinago at di niya ito gustong ibalik sa akin
"Akin na yan prinsipe ko"
Bigla siyang ngumisi dahil sa sinabi ko
"Ang ganda mo naman prinsesa ko wag mo na tong isusuot ha dahil di bagay sayo"
YOU ARE READING
The Girl he Never Noticed
Teen FictionHi im Andrea, a nerd girl who loves to write read books especially about HISTORY, they always compare me to other girls pero ako to eh si Andrea Lazaro im the girl who wants to be independent im the girl who loves to write some stories about love im...