Chapter 7

34 4 0
                                    

Grisel’s POV



Habang kumakain kami ni Kye ang tahimik niya. Hindi naman siya ganito ah? Or baka ganito talaga siya. Hindi ko pa talaga siya kilala.



"Huy, bakit ang tahimik mo?" tanong ko sakaniya.



"Sige" huh? Lutang tong siraulong to ah. Kinutusan ko naman siya.



"Anong sige?" tanong ko sakaniya.




"Sorry, hindi ko naintindihan yung tinanong mo. Ano nga ulit yon?"




“Wala” sabi ko at pinagpatuloy nalang ang pagkain.



“San mo gusto pumunta pagkatapos nating kumain?” tanong niya saakin nung hindi na ako umiimik.



“Bahay” tipid kong sagot.




Naging malungkot naman yung ekspresiyon ng mukha niya nung narinig niya yung sagot ko. Hinigop niya yung natirang float niya at tumayo na.




“Lika na, hatid na kita sainyo” pagkasabi niya nun ay nagbigay siya ng pilit na ngiti.













“Thank you” pagpapasalamat ko nung nasa labas na kami ng bahay namin.




“Welcome” sabi naman niya at pinaandar na paalis yung sasakyan niya.



************************************




After nang surprise ni Carl kay Cali, iiwasan ko muna siya. Sana makaya ko.




Napag isipan kong tawagan nalang yung secretary ni mommy para hanapan ako ng rooftop.




“Hello, this is Grisel Marzena Evans” ani ko sa kausap ko sa telepono.





“Hello maam. Good afternoon. What can I do for you?"




“Uhm pwede po ba akong magpahanap sayo ng rooftop ng bulding sa Baguio  na may magandang view."




“Uhm…….. Sa Miranda Hotel Main Branch  po”




‘Miranda?’




“Magpapaschedule na po ba tayo? Lagi po kasing madaming event na ginaganap sa rooftop ng building na yun, baka maunahan po tayo. ” Siguro maganda talaga yung place. Hmmm…




“Sige po. Next week Thursday”




“Ok po, next week thurday. Noted maam. “




“Miss, sabihin mo nalang po kung magkano yung babayaran sa reservation fee. Ako po magbabayad, hindi po si mommy.”










Eksaktong habang naglalakad ako pababa, kakarating lang ni mommy. Si daddy nasa meeting pa sa Japan at next next week pa siya dadating.




Dumiretso naman ako kay mommy at humalik sa pisngi niya.



“Good evening mom, I love you” bati ko sakaniya.



“Good Evening honey. I love you too. How’s your day?"



“Ok lang naman po mommy. Wala kaming klase ngayon pero pumunta po ako sa school at may sinubmit na pinagawa saakin, and nanood po ako ng basketball sa SWU kanina.” sagot ko at sabay kaming naglakad patungong dining room para kumain.




Imperishable LoveWhere stories live. Discover now