Chapter 3

44 7 1
                                    

Carl's POV

"Hahahaha bolero ka talaga Carl" ani Cali. Ang cute niya talaga pag tumatawa siya, nakakainlove.

"Atleast ikaw lang binobola ko" Corny ko. Hahahaha.

"Bahala ka nga jan." sabi niya at nauna na siyang naglakad.

Hinabol ko naman siya at hinawakan yung kamay niya. Nyahahaha ang lambot ng kamayyyyyyyy, hokage. Hindi naman niya tinanggal yung pagkakahawak ko sa kamay niya. Ang harot kooooo. Hahahaha.

"Kinikilig ka noh?" tanong ko sakaniya at namula naman siya.

"Anong kinikilig? Ulul hindi noh."

Deny pa babe, este Cali.

Hahahahahaha.

"Hahahaha ok ok sabi mo eh. Nga pala Cali, nood ka ng game namin bukas ah? para may inspiration ako" Tapos date tayo after ng game namin. Hehe joke lang.

"Saan ba?" nagliwanag naman lalo yung mukha ko nung tinanong niya yon. Sana manood siya.

"Sa kabilang university. Dun sa SWU. Punta ka please"

"Sige no problem, anong oras ba?" yes! Napasuntok pa ako sa hangin.

"Huy para kang timang diyan, anong oras umpisa sabi ko?"

"9 umpisa babe, Cali I should say." Nawiwili na ako kakabae sakaniya. Ok lang magiging babe ko din naman to soon.

"Ang harot mo hayop" Hahahaha kinikilig nanaman tong Cali ko, ang sarap niyang panoorin habang kinikilig.

"Sa'yo lang haharot *wink*" level up na talaga kami, mainggit kayo please.

Tumigil naman ako sa paglalakad "Teka milktea muna tayo, libre ko" para paraan para makasama ng matagal si crush hehe.

"Sige" Pag sang ayon niya.

Pumasok naman kami sa Lab Ko Milktea Niyo, syempre pinagbuksan ko siya ng pinto.


Grisel's POV

Nakasunod ako kila Carl at Cali at nakikinig sa usapan nila, may pababe babe pa ang mokong. Hoy akin ka lang dapat, charot. Natigilan naman ako bigla nung nakita kong pumasok sila sa Lab Ko Milktea Niyo. Never pa akong nilibre nito sa mga ganito.

Mahal na ba talaga ni Carl si Cali? Wala na ba talaga akong pag asa? Kahit konti?

Arghh, ekis tayo sa drama drama. Puro tawa lang dapat.

"Hoy sino sinusundan mo diyan?" nagulat naman ako sa nagsalita sa likod ko. Si Kye pala, punyeta tong pinsan ni Carl na to. Schoolmate ko din tong si Kye, heartthrob din kagaya ni Carl.

"Pauwi na ako at wala akong sinusundan" sabi ko.

"Asusssss, sinusundan mo lang naman yung pinsan ko at si Cali eh." sabay tusok niya sa tagiliran ko.

"Kye please wag mo akong inisin ngayon." feeling close ka.

"Hahahahaha joke lang naman, nood ka basketball namin bukas ah?" pag aaya niya.

"Ay wow teh close tayo?"

"Oo, hahahahahaha. Karangalan na ngang maging kaclose mo ako eh."

ay ang hangin

"Nood ka bukas diyan lang naman sa SWU eh, kasama ko sila Carl at Alexis."

Ahh, yan pala yung sinasabi ni Carl kay Cali kanina.

"Geh tignan ko." sabi ko at nagpatuloy na sa pag lalakad, malapit lang kasi yung school sa bahay namin, exercise na din.

Pero nagulat ako nang humabol pa si Kye saakin.

"Sabay na tayo." ha??? Hindi naman to taga saamin ah. Ang alam ko sa kabilang village pa sila.

"Taga saan ka na ulit?" tanong ko sakaniya.

Parang nag aalinlangan pa siyang sumagot........ "Norway Village" tamo, siraulo din tong hinayupak na to eh.

"Oh tapos sasabihin mong sabay tayo. Sa kabila ang daan papunta doon diba?"

Napakamot nalang siya sa batok niya.

"Umuwi ka na." utos ko sakaniya.

"Uhh ano kasi....." ang weird nitong taong to ah.

"Ano?"

"Gusto kasi sana kitang ihatid sa bahay niyo"

huh?

"Bakit?" tanong ko.

"Wala lang" ahhh okay.

************************************

Carl: Psst

Me: Op?

Carl: Manonood ka ng game namin bukas? Nasabi na ata sayo ni Kye kanina, nakita ko kayong magkasama.
Carl: Nanliligaw na ba siya sayo?

Luhh kala mo naman jowa ko to.

Me: Hindi

Carl: Buti naman

Me: Bat kasw?
Me: kase*

Carl: Wala lang

Sana nagseselos ka. Pero imposible yun. Hahaharay.

Me: Ah okay haha
Me: May ishashare ako sayo

Carl: Ano yun?
Carl: Ano yun?
Carl: Ano yun?

Me: May isang tao kasi na akala ko crush ko lang, mahal ko na pala haha.

Carl: Sino?
Carl: Si Kye?

Me: Hindi.

Carl: Baka naman ako yan?

Oo teh. Obvious na ba ako?

Me: Hahaha hindi, feeler ka.

Alangan namang aminin ko. Edi iniwasan ako niyan.

Carl: Aminin mo na halata ka na eh hahahahaha. Di kita iiwasan promise.
Carl: Ako ba?

What the?!

Imperishable LoveWhere stories live. Discover now