Chapter 4

56 7 0
                                    

Chapter 4

Me:Hindi nga

Carl: Gris, napapansin ko na din eh
Carl: Aminin mo na

Me: Ok

Carl: Ako?

Me: Oo

Mali to. Baka iwasan niya ako. Sht. Wrong move.

Carl: Ay haha sabi na eh, wag ka mag alala di kita iiwasan.

You've blocked Carl Benedict Lavido
You can't message or call him in this chat, and you won't receive his messages or calls.

Unblock Carl Benedict Lavido

Something's wrong

Wala akong mukhang ihaharap sakaniya bukas. Shocks bakit ko ba kasi inamin? Nakakahiya.

Bukas ko pa ipapasa yung mga pinacheck na papel saakin ni Sir William, buti nalang natapos ko na.

************************************

"Gris, bat mo 'ko blinock?" nakatalikod ako sakaniya habang tinatanong niya ako. Kinabahan ako bigla.

"Ahm.. Ano kasi..." ano ba ipapalusot ko?

"Huy wag ka mahiya. Ok lang kahit crush mo ako--ay mahal pala." napatakip naman ako sa mukha ko. Nakakahiyaaaaaaaa!!!!!!

"Mawawala din naman yan."

Mawawala din naman yan

Mawawala din naman yan

Mawawala din naman yan

Ibig sabihin wala lang sakaniya tong nararamdaman ko. Tumulo bigla yung luha ko. Tinalikuran ko siya at dumiretso naman ako sa cr. Doon na umagos yung luha ko. Mali pala talaga tong nararamdaman ko. Hindi to pwede. Masisira yung friendship namin.

Nag isip isip muna ako saglit bago ko pinahid ko yung luha ko at inayos ang sarili ko. May surprise pa siya para kay Cali. Kailangan ko siyang tulungan don.

Hindi ko na natanong kay mommy kung saan may magandang rooftop na kita ang buong city. Magsesearch nalang ako. Nilabas ko na yung phone ko at nagsearch. Pagkatapos nung surprise ni Carl para kay Cali, iiwasan ko muna si Carl. Baka madistract ako sa pag aaral ko nito.

Lumabas na ako habang nagsesearch tapos biglang-- "Uy sorry, sorry" sabi ni Kye sabay punas sa damit ko natapon niya kasi yung chocolate drink niya sa damit ko "Ok lang" tinanggal ko naman yung kamay niyang nasa damit ko. Nahulog pa yung mga papel na dala ko pati yung phone ko. Yumuko naman siya at tinulungan akong magpulot.

"Uy Grisel ikaw pala. Sorry. Eto may extra akong tshirt dito, isuot mo muna. Iuuwi ko nalang yang damit mo para malabhan ko." at nilabas naman niya ang isang color orange na t shirt.

"Umiyak ka ba?" iniwas ko nalang yung tingin ko sakanya. Hindi naman na niya ako kinulit tungkol sa mata ko.

"Hintayin na kita, manonood ka ba ng game namin?" nag puppy eyes pa siya. Mukha naman siyang engot sa ginawa niya. Carl pa rin.

Kinuha ko na yung t shirt sa kamay niya at bumalik sa cr. Color Orange yung t shirt tapos may print sa harap na "Taken" wtf?! Wala naman akong choice kundi isuot to or maglalakad akong madumi yung damit.

Lumabas naman ako ng suot yung t shirt ni Kye, tapos inabot ko sakaniya yung damit ko. Bigay pa to ni Keith eh hahaha. Di ko na tinapon, sayang kasi.

"My shirt looks good on you"

oh tapos?

"Teka ipapasa ko pa to kay Sir William sa faculty, mauna ka na sa SWU. Sunod nalang ako." sabi ko.

"Samahan na kita" parang maliligaw naman ako dito sa school.

Dami mo alam boi. Haha. Naglakad na ako papuntang faculty. Wala talaga kaming pasok ngayong friday, ewan ko kung bakit. Pumasok lang ako dahil may pinauwi si Sir William na ichecheck ko daw at idaan ko ngayon dito sa school para mairecord niya na. Papel ata to ng kabilang section, section nila Kye. Sa pagkakaalala ko perfect ni Kye, infairness.

Nakarating na kami sa faculty at ang swerte ko dahil nandon nga si Sir William, madalas kasi to sa Library, andun kasi si Ma'am Gordon. Ooopss. Naalala ko nanaman si Carl at Cali sa library na yan.

"Good Morning teachers" sabay naming sabi ni Kye.

Lumapit naman ako sa table ni Sir William.

"Sir ito na po yung mga pinacheck-an niyong mga papel" at inabot ko sakaniya yung mga papel.

"Thank You Ms. Evans"

"Welcome Sir. Una na po kami." paalam ko sakaniya.

"Sige." sabi niya na may nanunuksong ngiti saakin. Nakatingin pa siya sa t shirt ko. Nako, to na nga ba sinasabi ko eh.

Lumabas na ako sa faculty room at sinabayan naman ako ni Kye.

"Diretso na tayo sa SWU?"

"Geh" wala ako sa mood eh kaya magtyaga ka sa mga tipid kong sagot sa'yo.

***********************************

SWU

"Is that Kye?"
"Parang mas naging hot siya ngayon"
"Hi Kye"

Famous pala tong si Kye. May pasok pala sila ngayon, kaya pala andaming tao. At nakakahiya yung damit ko.

"OMG hi carl!" sigaw ng isang babae at nilingon naman namin ni Kye si Carl, kasama niya si Cali. Nanghina nanaman ako bigla nung naalala ko yung sinabi niya kanina. Nagtama yung paningin namin at tinignan niya yung print ng damit ko. Parang nagtataka siya kung bakit ganito ang suot ko.

Flashback

Nung nablock ko na si Carl, may notification na biglang nag pop up sa screen ng phone ko.

Kye Ezra Lavido sent you a friend request.
Confirm Delete

Pinindot ko naman yung confirm. Nagulat ako nang bigla agad siyang nag chat.

Kye Ezra: Hi Grisel

Sineen ko lang siya. Problemado pa ako kung anong mukha ang ihaharap ko kay Carl bukas eh.

*ting*

Pipikit na sana ako ngunit tumunog nanaman yung cellphone ko. Badtrip tong nag message ah.

Kye Ezra: Hi Grisel. Punta ka bukas ah.

Me: Dadaan pa ako sa STU.

Kye Ezra: Sige lang :) hintayin nalang kita dun.

Me: 👍🏻

In off ko na yung cellphone ko para matahimik na tong si Kye.

Narinig ko din na inimbitahan ni Carl si Cali sa game nila bukas. Nakakahiya talaga. Bwiset.


"Taken ka na pala Gris?" tanong ni Carl saakin na may halong sarkasmo nang makalapit sila saamin.

Nginitian ko lang siya. At hinila na si Kye papunta sa covered court.

Imperishable LoveWhere stories live. Discover now