Pag sasalaysay:
Habang lumalaki si El Mira ay pansin na ng mag asawang delia at romel ang kakaibang kakayahan ng anak....
Sa tuwing sasapit ang dilim ay madalas nila itong pakitang nag lalaro kasama ng mga lumulutang na bagay sa kanyang paligid...
Dahil sa kakayahan ng anak ay inilihim nila ito sa mga tao upang mapangalagaan ang kanilang anak...
At habang si El Mira ay patuloy na lumalaki patuloy din ang pag lawak ng kanyang kakayahan kung sa una ay nakakapag pagalaw at nakakapag palutang siya ng mga bagay...
Ngayon ay kaya nya ng kontrolin ang mga pangyayari..."Sumpa! Ayoko nitong sumpa ina! Gusto ko maging isang normal na tao ina! Ayoko na satuwing sasapit ang dilim ay kaylangan kong magtago! Gusto ko na maging malaya!"sambit ng dalaga
"Ngunit anak hindi iyan isang sumpa. Pinag kaloob sayo iyan ng ating panginoon para makatulong." Sambit ng kanyang ina.
"Makatulong!? Paano ako makakatulong kung ako'y parating nakakulong sa tuwing sasapit ang dilim!"
Lumipas ang mga araw at ngayon ay ang araw ng pag pasok sa paaralan ni El Mira.
El Mira's point of view:
Hating gabi akong nagising upang mag handa sa aking pag pasok sa paaralan...
Nag handa ng aking mga gamit kasama ang aking maliit na libro
Ayon sa aking ina ang librong ito ay nakita nila sa bintana ng ako'y isilang..
Hindi ko man ito mabasa ito ay aking pinahahalagahan dahil ito ay bahagi na ng aking buhay...Ng makarating ako sa aming paaralan agad kong hinanap ang ang aking silid aralan..
Hindi naman ako nahirapang hanapin ito sapagkat hindi naman kalakihan itong aming paaralan.Agad akong pumasok napansin ko ang mga matang nakatingin sakin...
Agad din naman akong na upo sa bakanting upuan sa tabi ng isang lalaki.
"Hi" ani nito
"Hello" sagot ko
"Ako nga pala si ace villa amor" saad nito saka inabot ang aking kamay
Agad din akong nakipag kamay sa binata
"El Mira De jesus" ani ko saka ko sya binigyan ng isang matamis na ngiti.Nag simula ang aming klase sa pag papakilala ng aking mga kamag aral
Sabay kaming kumain ni ace sa canteen.
Sadyang makisig itong binata kaya hindi na ako nag tataka kung bakit madalas siyang sulyapan ng mga kababaihan dito taglay niya ang nakaka akit na muka...ang boses niya na mala anghel at morenong balat na bumabagay sa kanya.Ngunit hindi ko namalayan na kanina pa pala ako na ka titig sa maamo nitong muka.
"So-sorry" pag papaumanhin ko
"Ayos lang HAHAHA" ani nito kasunod ng pag tawa
"Bakit ka natawa?"tanong ko
"Ang seryoso mo kasi"sagot nito
Nang bangitin niya ang dahilan ng kanyang pag tawa ay sinundan ko ng isang maliit na ngiti.
Alasingko ng hapon ay nag lalakad ako pauwi ilang oras nalang at dadapo nanaman sakin ang sumpa.
Habang ako ay nag lalakad napansin ko ang isang babaing napapalibutan ng tatlong kalalakihan halos maiyak na sya...
Wala akong magawa dahil baka madamay pa ako...
At wala pa akong sapat na lakas upang tulungan ito..
Nakita kong umiiyak na ang babae habang hawak siya ng tatlong lalaki pinipilit siyang hatakin papalayo..
Kaya sinundan ko itoUnti unti naring dumidilim at palayo na rin ng palayo ang aking napupuntahan
Nakarating ako sa isang madamong lugar nakita ko ang babaing pilit na hinuhubaran kaya naman agad akong napasigaw dahilan ng pag tingin sa akin ng mga lalaki..
Napansin ko ang kakaibang ngiti nito..
Agad itong lumapit sakin at akmang hahawakan ako ngunit laking gulat ko ng bigla itong tumumba sa daan."Saan ka ba pupunta!?" Boses ng isang lalaki saaking likuran
"Yung-yung babae"ani ko habang nakaturo sa babaeng walang tigil sa pag iyak habang naka hubad.
Sumugod ang dalawang lalaki para saktan si ace...
Patuloy sa pakikipag buno ang binata habang ako ay tulala
Di nag tagal ay bigla nalang tumumba ang binata
Sinipa sa tagiliran..
Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya kaya di ko napigilan ang aking sarili pinalutang ko ang mga bato sa aking paligid at pinukol sa dalawa..
Napatingin sila sakin at akmang susugod ng kontrolin ko ang kanilang isipUnti unti silang pinag papawisan...
Namumula ang kanilang katawan..
Kinakapos na sila ng hininga
Kaya naman agad ko ding itinigil ang pag kontrol sa kanilang isip..
Agad akong tumakbo papunta kay ace at sa babae nakita kong takot ang babae marahil sa kanyang mga nakita at sa mga pang yayari...Habang kami ay nag lalakad napansin kong tahimik lang ang binata..
Hindi sya kumikibo"Sorry. Iwasan mo nako! Dilikado ako sayo!" Ani ko saka ako tumakbo papalayo sa binata.
____________________________________
Please vote and share this story

BINABASA MO ANG
Nights Of El Mira
Fantasysi El Mira ay isang magandang dalaga. hinahangaan ng mga kalalakihan ngunit kakaiba siya sa normal na tao. sumpa kung ituring niya ang sariling kakayahan sapagkat paglipas ng gabi kaya nyang pagalawin o kontrolin ang lahat ng bagay bagay kaya nyang...