Chapter 02

54 12 1
                                        

Chapter 02

 

Monica’s POV:

Unti unti kong minulat ang mata ko at tumingin sa paligid. Nandito pala ako sa clinic na kasalukuyang nakahiga sa kama. Ugh. Bakit ako nandito?

 

“Gising ka na pala.” Napatingin ako sa lalaking nakaupo na naka-jacket na may hood. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nga doon sa hood na suot niya.

 

“Uhh, sino ka?” Nagtatakang tanong ko doon sa lalaki. Kahit hindi ko kasi nakikita yung mukha niya, alam kong hindi ko siya kilala. Parang pamilyar yung boses niya pero… basta.

 

“Aldrian.” Maiksing sagot nito habang nakatungo pa rin. Okay. Hindi ko nga siya kilala. Medyo napakunot noo ako nang biglang sumakit ang ulo ko. Ughh. Shit.

 

“A-ano bang nangyari? B-bakit ako nandito sa Clinic?” Nagtataka kong tanong. Nakita kong parang napabuntong hininga ito at lalong tumungo. Teka, bakit parang ayaw niya ipakita yung mukha niya?

“Nahimatay ka kanina.” Sagot niya muli. O.A ka kasi.” Narinig kong dugtong niya sa mahinang boses. Aba’t--! Narinig ko yun ah! Tsaka, nahimatay? Bakit ako nahimatay? Hah! Tsaka kahit kailan hindi ako O.A no! Pwera lang sa…

Nanlaki na lang ang mata ko nang may biglang pumasok na eksena sa isip ko…

-----------------

“Hmmp!” Sinubukan kong magpumiglas sa kanya pero masyado siyang malakas.

 

 

“Shh. Wag kang maingay.” Medyo naiinis na sabi nang taong humila sa akin. Nangilabot ako nang matanto kong lalaki ito kaya lalo akong nagpumiglas sa kanya.

 

 

“Hmpp! Hmmnn!” Pilit akong nagsasalita pero walang lumalabas na maayos na salita sa bibig ko. Nagsisimula na akong matakot dahil sa una pa lang, hindi ko kilala ang lalaking to!

 

 

“You better shut up.” Narinig kong sabi nung lalaki na parang galit na. Wala akong pake sa kanya! Kailangan ko nang makaalis dito at alam kong m-meron ditong hayop na kinatatakutan ko, lalo na sa mga sulok at madidilim na lugar! A-alam kong merong ganun!

 

 

“Ano ba?” Sabi nung lalaki at tinanggal na ang pagtakip sa mata at bibig ko tapos ay hinarap niya ako sa kanya. Napatulala ako sa kanya.

The Liar's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon