Chapter 03
Monica’s POV:
Pwede po ba akong lumubog sa lupa ngayon, please?
Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko sa hiya. Namumula ang pisngi ni Aldrian pero alam kong mas mapula yung akin. Mabilis akong humarap sa kanya nang maayos para hindi na niya makita yung… aish!
“Labas!” Sigaw ko. Napatigil naman ito sa pagtitig sa akin at kumunot ang noo nito.
“Kanina ayaw mo akong paalisin tapos ngayon pinapalayas mo ako rito. Sayo ba tong clinic na to?” Pilosopo niyang tanong. Naramdaman ko namang uminit ang ulo ko dahil sa inakto at sinabi niya. Di ba niya alam kung gaano ako nahihiya sa kanya ngayon? Tsaka…
“Lumabas ka na! T-tapos… kuha mo ako non!” Sabi ko habang nararamdaman kong nag-init lalo yung pisngi ko.
“Tapos ngayon inuutusan mo ako? Tsk. Ano namang kukuhanin ko?” Naiinis nitong tanong. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko sa hiya at sumagot.
“A-alam mo na yon!” Sigaw ko muli sa kanya. Nakita kong lalong nainis yung ekspresyon sa mukha niya at lalong naguluhan.
“Ano nga?! Pwede ba sabihin mo na lang? Atsaka wag ka ngang sumigaw pwede? Ang sakit sa tenga yang boses mo eh!” Sigaw niya pabalik sa akin. Napahawak naman ako sa ulo ko dahil sa stress. First day pa lang ng school eto na nangyari sa akin. Bakit ang malas ko ngayon?!
“I-ibili mo ako ng napkin! W-whisper with wings!” Sigaw ko sa kanya sabay umiwas nang tingin. Narinig ko namang tumahimik siya kaya tumingin muli ako sa kanya. Nakita kong nakanganga ito na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko at lalong namula. Napatungo ako sa hiya. “Bilisan mo na!” Dugtong ko.
“Lalaki ako! H-hindi ako makakabili nang ganon! Tsk. E-ewan ko nga sayo! Makaalis na nga rito.” Pag-iiwas niya. So iiwan niya ako nang ganon na lang? Aalis nga siya pero hindi siya babalik para ibigay yung… aish!
“P-please!” Pagmamakaawa ko. Hindi ko naman kayang lumabas sa clinic na to na may tagos no?
“Ewan ko sayo. Tutal nam---“

BINABASA MO ANG
The Liar's Promise
Fiction générale(FAST UPDATE) Nangako siya sa akin. Nangako siya na babalikan niya ako. At dahil mahal ko siya, naniwala ako sa pangako niya kahit... kahit alam kong nagsisinungaling lang siya.