Chapter 04
Monica’s POV:
“Uhh, punta na tayo sa room natin?” naiilang na tanong ko at simpleng binulsa sa jacket ni Aldrian yung you-know-what-I-mean dahil hindi ko nakayanan pang hawakan yon. Nadidiri ako.
“O-okay, sige.” Tugon niya kaya nagsimula na kaming maglakad. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatungo siya habang naglalakad na may hood kaya yung kalahati lang ng mukha niya yung kita.
“Sino ba kasing tinataguan mo? O baka naman nahihiya ka lang ipakita yung mukha mo? May itsura ka naman ah.” Sabi ko na medyo naka-kunot noo. Nakita ko namang napangisi siya dahil sa sinabi ko.
“Alam kong gwapo ako kaya wag mo nang ipagduldulan sa akin.” Sabi niya na parang bilib na bilib sa sarili. Aba’t--!
“Wala naman akong sinabing gwapo ka. Pssh. Ang sabi ko, may itsura ka. Pero wala akong sinasabing gwapo ka.” Depensa ko. Ang yabang ng gago. Tsk.
“Ang may itsura at gwapo ay iisa.” Nakangising sabi niya. Napabuntong hininga na lamang ako sa inis at pinabayaan na lang siya.
“Oo na lang. Nga pala, sino ba ang tinat—“ napatigil ako nang may nabunggo akong isang babae. Nahulog ang mga libro ko don kaya napakamot na lang ako sa ulo. Bakit ang malas ko ngayon?
Pinulot ko naman ito isa isa. Nakatingin lang sa amin si Aldrian na may gulat na ekspresyon. Nang matapos ko nang pulutin at ayusin ang lahat ng libro ko ay hinarap ko na yung babae. Nagulat na lamang ako nang makita kong nakataas ang kilay niya sa akin. Sa tingin ko ay transferee student rin ito katulad ni Aldrian.
“Pasensya na. Hi—“
“Bulag ka ba?! O sadyang tanga lang?!” Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa kakaibang pananalita nito. Hala. Nag-sosorry na nga ako eh.
“Teka ha, sorry okay? Tsaka bakit ka galit na galit eh pwede ka namang umiwas sa dinadaanan ko.” Medyo naka-kunot kong sabi. Nakita kong ngumisi siya at inayos-ayos ang buhok niya habang nakatingin sa akin.
“ Tsk. So stupid. Well, hindi mo ba ako nakikilala?” Nakataas na kilay na tanong niya sa akin.

BINABASA MO ANG
The Liar's Promise
Fiksi Umum(FAST UPDATE) Nangako siya sa akin. Nangako siya na babalikan niya ako. At dahil mahal ko siya, naniwala ako sa pangako niya kahit... kahit alam kong nagsisinungaling lang siya.