Narito kami ngayon sa pamilihan ng mga uniform na susuotin ko sa bago kong eskwelahan...
Sa bagay maganda din naman ang uniform kong bago....di na masama bagay naman sa akin...haha!
"Oh? May napili ka na ba?"si kuya ko habang tumutulong din sa paghanap ng bagong uniform ko..
"Wala pa eh!"naiinis na sabi ko...
Maya maya ay may nagriring na cellphone...tinignan ko ang paligid..walang may kumikibo..
"Kanino ba cellphone ang nagriring"tanong ko kay kuya habang busy pa rin siya sa paghahanap..kasi may nakita akong cellphone dun sa may medyo malayo sa kanyang pwesto kung nasaan ang cellphone.
"Ewan.."pero may hinahanap siya sa bulsa niya...
"Teka baka akin yun!"tapos tinakbo niya ang phone niya daw..
"Hay! Anong pwedeng bagay sa akin?"habang naglilinga linga ako..napunta ang mata ko sa nagiisang uniform sa may pinakagilid na parang kakasya sa akin kaya kinuha ko na...
"Ito na lang kaya.."at pumunta na ako sa dress room para sukatin ang uniform na napili ko..
Nang maisuot kona..
Wow! Ang ganda ko hahahaha! Ito na lang...
At inabot ko na sa saleslady...
"Ito na ang napili ko..."
"Ok..iaabot ko na sa casher..maraming salamat.."
....
And yes! Nabili ko na ang bagong uniform ko...
Habang papalabas ako may babaeng nagmamadaling pumasok at ako naman ay palabas...pero may narinig akong sabi niya..
"Miss...excuse me, may nakita ba kayo ditong uniporme na kanina ay narito lang sa gilid...dito ko lang kasi nilagay.."nagmamadali siya..
Patay! Ito yata ang tinutukoy niyang uniform...
Naku sorry kana lang ate...iniwan mo kasi kaya ako na ang nakakuha...
Joke lang napakasama ko naman...pero kasi may iba pa naman dun..ba't di siya pumili...
At pagkatapos ay pumunta na ako sa kotse pero wala pa dun si kuya...kaya naghintay na lang ako sa loob ng kotse!
Pero teka! Si kuya ko ba yan? Pareho kasi ng sout sa kuya ko at ang hugis ng kanyang katawan?
Balak ko siyang puntahan,Kaso may kausap siya kaya wag na lang
Nagtataka ako kasi nakikita ko mula dito ang facial expression ni kiya parang namomroblema siya...
Wag ka nang makialam...maghintay ka na lang..
Para akong baliw kinakausap ko ang sarili ko...
Tinignan ko ulit ang uniform ko at napangiti ako kasi excited na akong suotin ito...ay excited na akong suotin itong muli!
Naghintay ako ng mga sobrang 3 minuto at dumating na si kuya ng nakangiti ng makita niyang nasa loob na ako ng sasakyan..
"Oh? Kanina ka pa ba dito?"tanong niya...
"Medyo?"boring kong sagot...nagugutom na ako!
"Ok...uuwi na tayo para magpaluto ako kay manang alice..."
"Sige..."shempre di ako nagpahalata na nagugutom na ako...
Kanina pa eh! Gutom na kasi ako...
Pagdating namin sa bahay ay naupo agad ako sa sofa...
"Anong ipapaluto ko?"nakangiting tanong ni kuya di ko ito makita sa mga mata niya..
Anong problema?
"Kahit na ano basta yung makakain ko.."walang ganang sabi ko...hindi ko na ipapahalata na may napapansin ako kay kuya...
"Kanina ang sigla sigla ngayon naman...walang buhay...hahaha..."habang paalis siya...
....................Tapos na siguro ang niluto ni manang..
"Oh ito na ang pagkain...kumain ka muna.."nakangiting sabi ni manang...
"Salamat manang.."pagkasabi ko nun nakatingin siya sa binili kong uniform...
"Yan na ba ang bagong uniporme mo..."
"Huh? Ah! Opo...maganda ho ba?"tanong ko...
"Oo naman bagay pa nga sa iyo..."nakangiting sabi niya..
"Excited na nga ho akong suotin uli.."nahihiyang sabi ko...
"Teka anong...eskwelahan ba ito?"
"Ah! Ang pagkakaalam ko lang ay VENJEL UNIVERSITY?" di siguradong sagot ko...
"Diba yan ang eskwelahan ng kuya mo dati?"huh? Sinasabi mo mamang...
"Huh? Pero kasi nakatira si kuya sa ibang bansa ng kasama ang mga lola ko...at dun na rin nag-aral.."ang gulo naman...
"Auh! Ganun ba? Nagkamali lang siguro ako..."parang napahiya ang mukha niya..
Makalimotin na si manang...kinabahan ako sa sinabi niya eh! Hehe...
To ba continued.....
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Yiee nagawa kong gumawa ng story.....haha! Pasensiya na kung panget ang pagkakagawa.
Irish as Im Yoona.
Ionne as Chanyeol(exo)
BINABASA MO ANG
Secret Love Affair
SonstigesAng babaeng galing sa ibang bansa....babalik siya kung saan siya nanggaling noon na nagbigay sa kaniya ng malaking problema niya at ang problema niya na mismo ang naghiwalay sa kaniya sa bansang kinalakihan niya...kinailangan niyang umalis dahil mag...