ako at siya ay iisa.

10 1 0
                                    

Luorine's pov:

Kailangan ko nang sabihin sa kaniya kahit konteng lihim man lang para kahit papano ay hindi siya parang walang alam lang.

Nagising ako ng wala na siya. At umaga na.

Alam ko namang nalilinawan na kayo tungkol sa akin at kay ionne diba? Kasi ako at si ionne ay iisa.

Ang buong pangalan ko ay Ionne Luorine Lim. Yun ang tunay kong pangalan.

At dba sa mga naunang chapter ay marami akong lihim tungkol sa kapatid ko? Kaya nga kilala ko sila reiven jerille at tim dahil sila ang tinutukoy kong dating kaibigan ng kapatid kong bisita sa bahay kaya sinabi kong girlfriend ko ang kapatid ko dahil ayoko malaman nila ang tungkol kay irish lalong lalo na dahil andun di ierianne.

Sa ngayon sasabihin ko sa kaniya ang tungkol sa mga kababata niya yun lang muna.

Nagpalipas lang ako kanina ng oras at ngayon ay 4:oo pm na.

Mabuti na lang at hindi pinaki-alamanan ni irish ang gamit ko at baka makita niya ang picture nila ni irene.

Si irene ang pinaka best friend niya sa lahat dahil espesyal siya kay irish.

Bumaba na ako dahil alam kong mamaya pa dadating si irish dahil nasa school pa siya.

"Hoah! Kaya mo to ionne. Sa kapatid mo lang pala natatakot eh!"para akong temang na kinakausap ang sarili ko upang sa gayun ay maayos ang pag-uusap namin ni irish at hindi siya mabigla.

Nakailang buntong hininga na ako.

Naisip kong pumunta sa school nila irish para sunduin ko siya.

Pumunta na ako sa school nila ang kaso hindi ko alam kung anong building at saang section ba siya.

Magtatanong na lang ako kahit makita pa nila ang gwapo kong mukha atleast importante sa akin ngayon ay ang aking kapatid kong paano ko siya kakausapin.

"Ahmm..miss? Pwedeng magtanong?"

"Sure! Pwedeng pwede ano ba yun kuya?"sabi ko na ngaba madadala talaga sila sa gwapo kong mukha tss...(mahangin ka din ano ionne kung papangitin kaya kita!) Ahahaha hindi na author!

"Saan bang building at section si irish?"

"Irish? Anong apelyido po?"

"Lim, irish lim. Alam mo ba kung saan siya makikita?"

"Kilala ko siya at nakita na pero hindi ko alam kong saang room siya."

"Ah sige maraming salamat."

"Walang anuman basta't ikaw."hay! Gwapo ako oo.

Tumungo pa ako kung saan saan lang hanggang magtanong ulit ako.

"Ahmm excuse me?"tanong ko sa babaeng nakatalikod.

"Yes?"at humarap siya.

"Pwedeng magtanong?"

"Okay lang!! Ano ba yun?"

"Saan ko ba dito makikita si irish lim?"

"Irish lim ang babaeng iyon?"

"Oo alam mo ba kung nasaan siya?"

"Shempre alam ko dahil umaaligid aligid siya sa prince reiven ko." Yuck! Prince reiven daw?si reiven papatol sa kaniya? I dont think so.

"Ok?"

"Ahmmm saan ba ang room niya?"tanong ko dahil ayoko ng marinig ang paninira niya sa kapatid ko at baka makasuntok ako ng babae ngayon.

Secret Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon