Sa mga oras na ito hindi padin lubos maisip ni Mrs Eclaire na totoong buhay ang kanyang Asawa matapos ang insidente noon.
"pa..paanong bu...buhay ka?" utal utal at nagtatakang sambit ni Mes Eclaire.
"Bakit Eclaire?! nagtataka kaba dahil hindi moko nagawang patayin?" sambit ni Arwel.
Agad naman napatulala si Mrs Eclaire sankanyang narinig.
"Hindi ko alam ang iyong sinasabe, ang totoo nyan ay labis din akong nasak..." hindi na naituloy ni Mrs Eclaire ang kanyang sasabihin ng biglang isang malakas na Sampal mula kay Arwel ang dumampi sa mukha nya.
"Manahimik! ayokong marinig ang bawat eksplenasyon mo. nauunawaan kona ang lahat. totoo nga ang sinabe ni Ama tungkol sayo, isa kangang manggagamit." galit na sambit ni Arwel.
Hindi naman nakapag salita si Mrs Eclaire dahil sa gulat.
"alam kong ikaw ang nag planong ipatanggal ang Break ng sasakyan ko para ng sa ganon ay maaksidente ako." sambit muli ni Arwel.
"Napakahusay mo Eclaire, dahil muntik kanang magtagumpay. pinaniwala mo yung anak naten na Mahal moko at labis kang nasaktan dahil sa nangyare." patuloy na sambit ni Arwel.
"pero hindi naman pala ako ang minahal mo kundi yung Pera at kayamanan ko!!" sigaw ni Arwel at may kasamang Sampal.
Sa pagkakataong ito ay tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mata ni Mrs Eclaire dahil batid nyang nagkamali sya sa kanyang nagawa.
"Pa..patawad." tipid na sambit ni Mrs Eclaire habang umiiyak.
"Hindi kita mapapatawad Eclaire, nang dahil sa kasakiman mo hindi ko nakasama ang anak ko!!" pasigaw na sambit ni Eclaire.
"Pa...patawad" wala nang ibang masambit si Mrs Eclaire kuni ang salitang patawad.
"may sasabihin kapa ba Eclaire? mag salita kana dahil tatapusin kona ang kasiyahan mo." galit na sambit ni Arwel ngunit batid sa mukha nya ang kalungkutan.
"alam kong ito na ang huling araw ko, alam kong hindi moko mapapatawad, pero hindi kita masisisi dahil alam kong ako ang may kasalanan sa nangyare." sambit ni Mrs Eclaire.
"masyado akong nagpa tukso sa kayamanan kaya nakalimutan ko yung pamilya ko." patuloy na sambit ni Mrs Eclaire.
"ang ta...tanging ma...mahihiling kolang sayo a..ay bantayan mo ang anak natin. lu...lumaking kulang sa aruga si s..Shawn dahil wala akong sapat na oras para makasama sya, ikaw nadin ang ba..b..bahalang magpaliwanag sakanya pero wag mong sasabihin na pi..pinatay moko. ang sabihin mo ay nasagasaan ako at..." hindi na natuloy ni Mrs Eclaire ang kanyang sasabihin ng may mabilis na bala ang tumama sa kanyang ulo na naging dahilan ng pagka sawi nya.
"bluuuuuugg!!!" malakas na pagbagsak nya sa sahig at kasabay ng pag agos ng mga Dugo nya.
S H A W N Pov's
Halos mag aalas Dos na ng hapon ng magkita kita ang magkakaibigan sa tapat ng Campus nila.
kasalukuyang nag aaral ang magkakaibigan ay este mag jowa na pala yung dalawa sa Tresilla High School. isang sikat na Skwelahan at natatanging mayayaman at Scholar lang ang nakakapasok dito.