Janna's POV
Shet nakakainlab talaga si Seth! Nasa kanya na ata lahat eh!
Ma! Tangkad
Ma! Talino
Ma! Sipag
Ma! PagmahalSiguro nga ang kulang nalang sa kanya eh ako HAHAHAHA dejoke lang alam ko namang wala akong pag asa diyan eh, ang pangit pangit ko nga daw sabi nila kuya, hmph! Palibhasa kasi may jowa na sila!
Siguro ayaw ni Seth sakin kasi may pagka boyish ako? Nako ang choosy pasalamat nga siya nagustohan ko siya! Taas taas nga ng standards ko eh, hindi niya mapapantayan yung BTS! HAHAHAHAHA!
"Hoy Janna lika nga dito!" tawag ni Reis sakin.
"Ano na naman ba? Kita mo ngang busy ako eh!" sabi ko.
"Anong busy eh nakatunganga ka na naman diyan kay Seth eh!"
"Shh wag ka nga! Oh ano ba kasi problema mo?" tanong ko.
"Ano kasi... tulongan moko sa assignment natin hehe. Diba tapos ka na? Eh ako hindi pa." aba kapal ng mukha.
"Tae tae ka naman eh! Ba't ako pa? Doon ka kay Joy oh matalino yun!" asik ko.
"Yoko don masungit!"
"Char kala mo naman hindi masungit." nakangising sabi ko.
"Wow kala mo din ikaw hindi." banat niya sakin.
"Masungit pala ha? Sige diyan ka na di kita tutulongan!" langya talagang pangit to.
"Ay ito naman joke lang eh! Sige na pa help na kasi." pagmamakaawa ni pangit.
"Sige na nga! Akin na notebook mo bilis!" taena di kita matiis.
"Yun!" dali-dali niya namang binigay sakin yung notebook niya. Kapal talaga ng pagmumukha.
Mga ilang minuto ay natapos ko na yung assignment niya at binigay na sa kanya ang notebook niya.
"Oh ayan! May bayad yan ha!" sabi ko.
"Oh sure gusto mo kiss pa kita?" nakakalokong sabi nito.
"Gusto mo bang ikiss 'tong kamao ko? Gusto mo? Sige sabihin mo lang readyng-ready 'tong dumapo sa mukha mo."
"Sadista ka talaga no? Kaya hindi ka magustohan ni Seth eh!" sabi niya. Tss walangya talaga.
Hindi ko nalang siya pinansin at bumalik na sa upoan ko.
"Oy joke lang yun." pagsusuyo niya sakin.
"Oy Janna." tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano na naman ba? Bumalik ka na sa upoan mo baka bigla pang dumating si Sir lagot ka talagang pangit ka." sabi ko.
"Hindi ka galit sakin?" tanong niya. Ba't naman ako magagalit? Dahil lang don? HAHAHA kung alam mo lang Reis.
"Luh, lagi naman akong galit sayo baliw! Alis na nga nakakasuka pagmumukha mo! Shoo alis askal!" pagtataboy ko sa kanya.
"Grabe maka askal to oh! Pero seryoso hindi ka galit? Joke lang naman yung kanina eh."
"Ano ka ba kahit joke man yun o hindi, totoo din naman kaya wala lang yun sakin tsaka sanay na ako diyan sa bunganga mong puro dada lang ang alam." sabi ko at inirapan siya. Charot! Wala naman akong pake kung magugustohan ako ni Seth o hindi kasi... HAHAHAHA!
Bumalik na si Reis sa kanyang upoan at tamang-tama dumating na si Sir at nag umpisa na ang klase.
~
"Sis! Tara kain na tayo!" sigaw ni Krista habang papalapit sakin. Paglabas namin sa classroom nandoon na lahat ng barkada kasali si Seth my labs hihi.
"Oy Janna laro tayo ML." sabi ni Seth sakin. Opkors beyb eniting por u.
"Sige ba! Pero kain muna tayo." pwede nga ikaw nalang kainin ko, rawr!
"Sige sige, maya ha?" sabi niya at ngumiti. Myghas cassie hihimatayin ako ang pogi nitong nasaharapan ko!
"Tutulo laway mo dzae pakisara." sabi ni Yzi sakin.
"Wag pahalatang inlab." asar naman ni Precious.
"Hmph! Ewan ko sa inyo!" Sabi ko at naglakad na papuntang cafeteria. Bigla namang lumapit sakin si Reis. Parte din kasi 'tong askal nato sa barkada.
"Oh ano na naman?" masungit kong sabi.
"Luh grabe bawal bang makisabay?"
"Bawal! Mahahawaan ako ng germs mo!"
"Wow kala mo naman ang linis linis niya." nakakalokong asik nito.
Sinuntok ko yung braso niya at tumakbo siya papalayo sakin. Seth ko oh! Inaaway ako! Charoooot~
Sarap namang sabihin yun tapos poprotektahan ako ni bebe ko.
"Pikon ka pala eh! HAHAHAHA!" nakakaloko na talaga 'tong askal na to! Hmph!
"Yiiieee baka kayo magkatuloyan niyan." asar ng barkada ko samin.
"Kaya nga hahaha!" asar din ni Seth. Ouch naman support pa talaga siya ha!
"Hmph!" binilisan ko nalang paglalakad ko at pumasok sa loob ng cafeteria.
Nag linya kami at kinuha yung pagkain tsaka naghanap ng bakanteng table.
"Doon tayo oh." sabi ni Princess at doon kami pumwesto.
Habang kumakain ay nagkukwentohan din kami ng kahit ano, ng biglang may sinabi si Seth na ikinaguho ng mundo ko.
Bakla daw siya. Charot lang.
"Guys may gf na pala ako." proud niya pang sabi. Eh?
Napatingin naman si Reis sakin at parang sinasabi niyang 'Ayos ka lang ba?'
Nginitian ko lang siya at nakisabay na din sa pang-aasar nila kay Seth.
Pagkatapos naming kumain ay nagsi-alisan na sila, ang iba may pupuntahan daw, ang iba naman nag-lalandian sa kanilang mga jowa. Psh! Sana ol!
"Oy Janna, maglalaro pa tayo ng ML diba?" sabi ni Seth sakin. Che! Doon ka sa jowa mo!
"Ah? hahaha wala pala akong load, sa susunod nalang siguro Seth haha. Nga pala stay strong kayo ng gf mo." sabi ko at ngumiti.
"Salamat Janna ha, tsaka sorry." nakayukong sabi niya.
"Ha? Ano ka ba wag ka mag sorry okay lang kasi! Crush lang naman kita!" Masiglang sabi ko.
"Hahaha sige aalis na ako pupuntahan ko na si Anne." sabi ni Seth at umalis. Okay bye! HAHAHAH.
Lahat ng barkada alam nilang crush ko si Seth, syempre alam din ni Seth yun. Pero wala namang awkwardness sa aming dalawa at gaya ng sinabi ko crush ko lang naman siya.
Tsaka may mahal na ako enebe.
"Hoy Janna! Tara sa canteen ililibre kita!" sabi ni Reis sa akin.
"Kakakain nga lang natin tapos kakain uulit?"
"Ayaw mo pa non? Free foods! Tsaka tinutulongan lang kita, alam kong nasasaktan ka dahil nalaman mong may gf na pala yung crush mo!" sabi niya at hinila ako.
HAHAHAHAHAHA kung alam mo lang.
A/N: ano ayos ba? HAHAHAHAHA okay proceed sa next chapter!
BINABASA MO ANG
Sana ol kina-crushback
Teen Fictionewan anong pumasok sa isip ko ba't ginawa ko to HAHAHAHA but I hope that everyone will read it :)