#Kina-Crushback

338 12 0
                                    

Reis' POV

Hays ililibre ko nga to si Janna baka nasaktan siya nong nalaman niyang may gf na pala si Seth.

"Hoy Janna! Tara sa canteen ililibre kita!" sabi ko sa kanya.

"Kakakain nga lang natin tapos kakain ulit?"

"Ayaw mo pa non? Free foods! Tsaka tinutulongan lang kita, alam kong nasasaktan ka dahil nalaman mong may gf na pala yung crush mo!" sabi ko sa kanya at hinili siya papuntang canteen.

Inutosan ko naman siyang maghanap ng pwesto at ako naman ay umorder ng pagkain.

"Oh kainin mo yan! Alam kong paborito mo yan." umorder ako ng spaghetti, ice cream, at french fries.

"Waaah thank you!" sabi niya at sumabsab.

Inaasahan kong iiyak siya pero parang wala lang naman sa kanya ang nangyare kanina. Baka naman nahihiya lang?

"Janna, wag mong ikimkim ang sakit na nararamdam mo ilabas mo lang." Sabi ko sa kanya.

"Pfft HAHAHAH pinagsasabi mo diyan." natatawang sabi niya at patuloy na kumain. Luh parang baliw.

Hays, kelan mo bang mamalayang gusto kita.

"Huh? Anong sabi mo?" nagtatakang tanong niya. Hala? Sinabi ko ba yun ng malakas?

"Wala naman akong sinabi ah? Tara na nga!" sabi ko at naunang lumabas, humabol naman siya.

"Hoy askal wait nga lang! Sayang yung pagkain di ko tuloy natapos! Hoy! Teka lang kasi ang bilis mo namang maglakad! Palibhasa matangkad ka ha? Nilo-look down mo na kaming maliit ha?!" sigaw niya at tumigil naman ako sa paglalakad. Nilingon ko siya sa likod at

"Pinagsasabi mo diyan, at tsaka saang parte ang maliit sayo ha? Ah! Yung dede mo! HAHAHAHAHA." pang-aasar ko. Namula naman ang mga pisngi niya. Shet ang cute!

"Gusto mo talagang dumapo 'tong kamao ko sa pagmumukha mo no?" sabi niya at pinakita sakin ang kamao niya. Tss kiss mo nalang kasi ako.

Shet ano ba 'tong pinagsasabi ko!

"Sadista ka talaga no, tara na nga." Sabi ko at hinila siya. Narinig ko namang nag 'hmph' siya.

Pagdating namin sa classroom ay umupo na kami sa mga upoan namin at tamang-tama dumating na din si Ma'am at nagsimula na ang klase.

~

"Pre sali ka? Maglalaro kami ng basketball." alok ni Paul sakin.

"Sige ba." pag tanggap ko sa alok ni Paul. Pero bago akong lumabas sa classroom pinuntahan ko muna si Janna na nagliligpit ng kanyang mga gamit.

"Janna!" tawag ko sa kanya.

"Oh?" taas kilay niyang saad, sungit.

"Maglalaro kami ng basketball."

"Ah share mo lang?" kahit kelan napaka sarcastic talaga nito.

"Ang pilosopo mo talagang kausap, eh di wag kang manood." sabi ko at aakmang aalis na ng hinablot niya ang kamay ko.

"Sungit mo naman askal, joke lang yun eh, syempre manonood ako nandoon si Seth eh hihi." kinikilig niyang sabi.

Tsk! Seth na naman?

"Siya na naman?" naiinis kong sabi.

"Bakit, problema mo?" sabi niya at tinaasan ako ng kilay.

"May gf na yun! Tumigil ka na, ikaw lang din naman ang masasaktan!" sabi ko.

"Pake mo ba ha? Hmph!"

"Pake ko? Syempre may pake ako kasi gusto kita!" sigaw ko at nanglaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko. Gulat ka no? Gulat din ako eh.

"Ha? P-pinagsasabi mo diyan! B-baliw!" umiwas naman siya ng tingin. Potek! Bahala na! Di ko na kayang ikimkim tong nararamdaman ko! (char)

"Hoy Janna! Alam mo ba na ang manhid manhid mo? Ako yung nasa tabi mo lagi pero si Seth yung pinili mo!" sigaw ko.

".... Ha? Ano?" (hakdog)

"Hays, sige kaklarohin ko... Gusto kita Janna noon pa." sabi ko.

"W-wag ka ngang mag b-biro! Di nakakatawa!" sabi niya at hinampas ang braso ko pero nakaiwas pa din ang tingin niya. Ay sus kinikilig ka lang eh. Charot.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinaharap sakin "Janna, gusto kita noon pa." seryosong sabi ko. Namula naman mga pisngi niya.

"S-seryoso ka talaga?"

"Ba't naman ako magsisinungaling?" sabi ko.

"Eh ikaw kasi nag sabi eh! Syempre kaduda-duda!" saad niya.

"Ganito lang ako Janna pero seryoso ako sa nararamdaman ko." sabi ko.

"Bitawan mo nga ako! Hmph!" sabi niya at bumitaw naman ako. Wala na tapos na. Sinira ko yung friendship namin.

"AHHHH SHET!" nagulat naman ako ng bigla siyang sumigaw. Wala na ito na talaga ang kataposan.

"Tang*na mo Reis! Akala ko unrequited love yung status ko eh gusto mo din pala ako!" Sabi ni Janna na ikinagulat ko.

"Ha?" nagugulohan ako mga ser.

"Hakdog! Gusto din kita Reis! Tae tae ang tatanga natin!" Sigaw ni Janna.

"Teka! Akala ko ba si Seth yung crush mo?" takang tanong ko. Diba sabi niya si Seth yung crush niya.

"Oo nga si Seth yung crush ko, pero crush ko lang yun! Eh ikaw, mahal kita! May pinagka-iba yun!" sabi niya.

Potek naiihi ako sa kilig!

"Tang*ina ang tatanga talaga natin!" sabi ko at hinila siya papalapit sa akin at niyakap.

Niyakap niya din ako pabalik kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap.

"Diba mag babasketball pa kayo?" tanong niya.

"Basketball ano yun? Tss, sa palagay mo ba magbabasketball pa ako pagkatapos nang nangyare!"

"HAHAHAHA!" tawa niya at nag stay lang kami sa ganong posisyon.

Hays, sarap naman sa pakiramdam!

Sana ol kina-crushback!

















A/N: mapapa sana ol nalang din ako eh! Sana ol talaga HAHAHAHA! Salamat sa pagbabasa! ≧∇≦

Sana ol kina-crushbackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon