Audrey's POV
Andito ako ngayon sa school at sinisilayan ang crush ko sa kabilang section. " Shet ang pogi niya talaga " sabi ko sa aking isip.. Gustong gusto ko ang taong toh at hindi ko alam kung bakit? inasar lang naman kasi talaga ako ng mga kaibigan ko dito at ayun natuluyan na akong mahulog.
kasama si Daniel ( crush ko ) sa aming magtro tropa pero saklap di kami close... New student lang siya dito sa Stanford University.." ARAY! " sigaw ko sa canteen ng hampasin ako ng kaibigan ko na si Zeinlan Lara Ford " Bat mo ginawa yun? " Sabi ko sakanya " Di ka naman kasi nakikinig sa kwento ko boset! " Sigaw niya saken " Ay sorry ganun ba? " Di niya ako pinansin at nagbell na at tapos na ang recess. Bumalik na kami sa classroom at ako ay lutang lang kakaisip sakanya.. Medyo inaantok na ko dito sa English class namin kaya natulog muna ako...
" AUDREY JANELLE " nagising at nagulat ako dahil sa sigaw ng aming guro " Gising na! At mag qu quiz na! " Sigaw uli niyo saken.. Sobra ako nag panic ako kasi natulog lang ako habang nag di discuss si Ms.. Binigay na ng teacher namin ang quiz paper at buti nalang nag a advance study ako kaya alam ko na Ito.. Binalik na namin ang aming papel sa guro at pinalabas na rin kami. Para mag lunch..
Natapos ang lunch at nag si balikan na kami sa aming classroom uwian na namin dahil half day lang kami ngayon.. Sabay kami umuwi ni Zein at tumambay muna kami sa bahay niya.
Nakahiga ako ngayon sa kama ni Zein at sumigaw ng " JOWANG JOWA NA KO TEH BAT KASI ANG TAGAL AKO JOWAIN NI DANIEL " Busy lang si Zein kaka text sa Jowa niya na si Joshua " HAHAHAHA kawawa ka naman , nabalitaan ko nga pala na si Daniel mahal padin ang ex niya sa dati niyang school si ano ba yun si klare ata pangalan nung babae " Nagulat ako at nagmadali I search yung klare nakita ko ito sa Friends ni Daniel kaya nakita ko Agad " ANG PANGET! Mas maganda pa ako dito! May dede lang yan! " Sigaw ko at umirap " HAHA oo nga eh kawawa ka talaga wala ka kasi dede HAHAHAHAHAHA " Pinagtawanan ako ni Zein dahil inaamin ko sa sarili ko na flat ako. Nagkwentuhan lang kami ni Zein at 6pm na rin kailangan ko ng umuwi.
Habang naglalakad ako pauwi may nakita ako " Tigilan mo na ko please. Ayoko na. " boses ito ng isang babae hindi ko makita kung sino ito dahil medyo madilim ang paligid " Ikaw parin talaga ang mahal ko bumalik kana sakin " Sagot ng boses ng lalaki " Pero di na kita mahal kaya, palayain mo na ako " Sabi ng boses ng babae " Pero Klare. Bigyan mo ako ng pagkakataon " Boses ba yun ni Daniel?? " KLAREEEE! " Sigaw nito na parang umiiyak.. nakita ko ang anino ng babae na tumatakbo.
Umupo si Daniel sa gilid at nakatakip ang muka. Lumapit ako dito na parang di alam ang nangyayari " Uy daniel ikaw pala? Ok ka lang ba " Di ako pinansin nito " Danieeeel si Audrey toh, ok ka lang ba?? Kung kailangan mo ng kausap andito lang ako " Tumingin ito sakin at niyakap ako , grabe yung tibok ng puso ko.. " Audrey.. " Nanghihinang sambit ng Pangalan ko " Tara labas muna tayo ice cream lang dali may alam ako ice cream shop para naman maging ok ka " Buti nalang at may natira pa akong pera kaya dinala ko ito sa favorite ice cream shop namin ni Zein " Pili ka nalang diyan at ako nalang ang magbabayad " Tumango siya at binili ko na iyon at umupo muna kami at nagkwentuhan,, na kwento niya rin kung ano nangyari.. Sa kalagitnaan ng aming kwentuhan may tumatawag sa aking phone 5 missed calls. Nainis ako pero ng nakita ko kung sino ang tumatawag si mama pala. SHIT! DI PALA AKO NAGPAALAM! Nakita ko ang orasan 9 na pala. Sinagot ko ang tawag ni mama at Sigaw agad ang bungad sakin. Nag sabi ako na pauwi na ako kaya nagpaalam na ako kay Daniel. " Hatid na kita " Offer ni Daniel sakin " Hindi na mag tri tricycle na lang ako " Pag tanggi ko. " Ihahatid na kita, tatawagan ko na ang driver " Sabi ni Daniel " Hala wag na nakakahiya " Sabi ko. " Please. " Wala ako na gawa at umoo nalang.. Nakadating ako sa bahay at nagpasalamat kay Daniel pumasok na din ako sa loob.
BINABASA MO ANG
Im so Inlove with the stranger
Fanficpossible ba na mainlove ka sa taong di mo kilala? possible ba na ma baliw ka sa taong di mo pa nakikita? Meet, Audrey Janelle Buenida ang taong sobrang nainlove sa isang Stranger na si Prince Bryan Sarmiento. magkakatuluyan kaya sila?