PART 1

4.2K 54 1
                                    

PART 1                

KEVIN’S POV

Pagkaalis nila DJ at Kath papuntang honeymoon nila ay nagpaalam na rin akong umalis. Ayaw pa nga nila Kuya Rj at Kuya Matt pero gusto ko na talagang umuwi. Masakit sakin na makita na ang ultimate crush mo ay nagpakasal na at sa sarili mo pang pinsan. Parang torture yung makikita mong masayang masaya siya sa piling ng taong mahal niya. Hindi naman ako pwedeng hindi pumunta sa kasal, kilala ko si DJ, gigyerahin ako non.

 Hindi ako masyadong uminom dahil balak ko na talagang umuwi ng maaga. Nagtatrabaho ako sa isang advertising company bilang Creative Director. Hindi naman ako ganoon ka workaholic pero dahil sa trabaho ay nakakalimutan ko ang sakit ng puso ko. Oo, corny at siguro kung may makakarinig sa sinasabi ko ngayon ay baka hindi maniwala at baka mapaghinalaang nagdudrugs pa ako. Marami ang enjoy sa pagbabasa ng romantic books at panonood ng romantic movies, pati readers at viewers ay naiinlove sa dalawang primary characters pero inisip ba nila kung ano ang pakiramdam nung pangatlong tauhan sa kwento? Inalala na ba nila yung feelings nung the other guy? Gaya ko sa kwento ni Kath at DJ.

Matagal ko ng crush si Kath, mula pa yata first year kami sa GPM. Hindi lang ako nagkaron ng chance na lapitan siya dahil si Kathryn kasi ang reyna ng GPM. Sikat at maraming nagmamahal at siguro hindi ko pa ramdam noon na gwapo ako, cute pa lang.

Masama man pero nakuha kong mainggit sa pinsan ko. Kasi siya, bago lang sa school pero nakuha agad ang attention ni Kathryn tapos ako…..ayun……..nganga.

Alam kong maraming magagalit sa aaminin ko pero yung pagpunta ni Zharm sa birthday ni Lolo ay ako rin ang may kagagawan. I ask her to come, kasi alam kong malaki ang effect niya kay DJ. Pero wala eh, inlove na ang pinsan ko. Last but not the least, ako rin pala ang nagsabi kay Zharm na may gusto pa si DJ sa kanya. Sorry pero masisisi niyo ba ako? In love lang ako….aminin naman natin o hindi, may nagagawa talaga tayong mga mali pag nagmamahal tayo.

Inamin ko na, wala naman na akong magagawa eh, kasal na silang dalawa at gagawa na ng sariling pamilya, and obviously….mahal na mahal nila ang isa’t isa.

Malalim na rin ang gabi kaya medyo mabilis na ang takbo ko, Wala na rin kasing masyadong kotse sa kalsada at medyo umuulan na.

Ilang oras lang ay nakarating na ako sa Paranaque. Itetext ko sana si Mommy na malapit na ako sa bahay, ng bigalng mahulog ang phone ko. Haist!! Medyo binagalan ko ang pagpapaandar para mas safe.

Yumuko ako para kunin. Kinakapa ko pa kasi medyo sumuot na sa ilalm ng upuan. Ng mahawakan ko ay madali kong pinulot ng pagtingin kong muli sa daan ay nakita kong nakared na pala ang stoplight. Madali kong tinapakan ang brake at inihintoang kotse.

I am typing a message for mom ng biglang may malakas na katok akong narinig mula sa labas ng bintana. Pulubi? O nagtitrip?..parang gustong sirain ang salamin ng kotse ko. Tumingin ako sa labas at nakita ang isang pamilyar na mukha.

ELAINE’S POV

Kakatapos lang ng klase ko. I am taking my masters degree sa course na B.S. Educ. Medyo gabing gabi na natapos dahil napasarap ang pagtuturo ng instructor ko. Umaambon na rin.

Elaine baka gusto mong sumabay na sa akin?” tanong ng teacher kong si Mr. Perillo.

Naku Sir hindi na po” sabi ko. Ayoko naman talagang sumabay sa kanya dahil mamaya kung ano pang isipin ng mga kaklase ko. Ayokong maging  tampulan ng chismis, baka ikamatay pa yon ng Nanay kong nasa probinsiya.

Ilang taon na rin akong hindi nakakauwi sa probinsya, medyo namimiss ko na nga si Tatay at Nanay. Si Cedric lang ang kasama ko rito dahil nagaaral siya ng kolehiyo.

YOU HEAL ME - KEVIN'S REASON, TRIY PLUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon