PART 6

1.8K 28 1
                                    

PART 6

KEVIN’S POV

Magaalas sais pa lang ata ng umaga ay umalis na ako para sunduin si Elaine. Tanong pa nga ng tanong kung ano raw ang paboritong pagkain ni Elaine bago ako umalis. Eh malay ko naman diba? Ano nga ba ang paborito ng babaeng yon?? Kape pa lang naman kasi ang napagsaluhan naming dalawa.

Nasa sasakyan ako, at nasa tabi ko ang regalo ko para sa kanya. Dress at shoes. Hindi naman sa hindi  ko gusto ang pananamit niya ( sort of), gusto ko lang makita ang itsura niya kung iba ang suot niya. Sus, eh minahal ko nga yon kahit ang haba ng palda eh.

Actually tinulungan ako ni Isabela sa pagpili ng damit at sapatos na ito, syempre ang kapatid kong iyon ang expert sa mga ganitong bagay.

After two hours ay narating ko na rin ang bahay nila.

Nagdoor bell ako ng konti at nakita ko na siyang lumabas. Nakangiti.

Hi Ma’am.. good morning “ sabi ko.

Good morning…tuloy ka muna” sabi niya at pumasok na kami sa loob. “Nagbibihis na si Ced” sabi niya.

Elaine” tawag ko sa kanya. Muli siyang humarap sa akin. “Yes?” tanong niya.

Here…Christmas gift ko sayo” sabi ko. Medyo nagulat pa siya. “Tanggapin mo na” sabi ko at umiwas ako ng tingin.

Thank you….pero diba may gift ka na sa akin?” sabi niya.

Don’t worry marami akong pambili” sabi ko. Tumawa siya. Malamang ay nasanay na lang sa akin. Binuksan niya ang paper bag at nakita ang laman.

Ito ba yung gusto mong isuot ko?” tanong niya.

Kaw bahala….wala namang dress code sa amin, pwede yung palda mo” sabi ko.

Yabang mo talaga..sige ito na lang ang susuutin ko” sabi niya at umakyat na para magpalit.

 Pagakyat ni Elaine ay saktong pagbaba naman ni Cedric. “Hi Kuya Kevin” bati niya. “Hi Ced, pormang porma tayo huh” sabi ko sa kanya.

Syempre….” Sabi niya at dumirecho na sa may kusina.

Nang magstay si Ced sa kusina ay kinuha ko na muna ang phone ko at tiningnan ang mga text message. Nagtext na si Kuya Matt na naroon na raw sila Dj. Pareply ako ng may marinig akong kaluskos. Madali kong tiningnan ang kinaroroonan ng kaluskos, akala ko kasi ay si Cedric iyon pero hindi.

I saw a woman standing at the top of the stairs. Napatayo ako ng hindi ko namamalayan at napatitig sa kanya. She wears the cream dress that I bought at ang black high heels. Bagay na bagay ang damit sa kanya dahil lumabas ang kaputian niya. Wala siyang eye glasses……at nakalugay lang ang mahaba niyang buhok. Hindi siya mukhang teacher sa public school…

She’s beautiful…..sobra. I fall inlove to her even more.

Ahem” biglang singit ni Ced. Napansin siguro niyang kanina pa ako nakatitig sa Ate niya.

Ba- bagay sa’yo” sabi ko.

Salamat” sabi naman niya.

Parang nafefeel kong naninikip ang lalamunan ko. Hindi ko naman aakalaing ganito siya kaganda sa kabila ng mahaba niyang palda at ang salamin niyang pang lola.

YOU HEAL ME - KEVIN'S REASON, TRIY PLUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon