CHAPTER 1

18 1 8
                                    

Kasley's POV

"Kasley! halika dito! tama na 'yang kaka-laptop mo!"

"Sige na Anne tinatawag na 'ko ni mom" pagpapaalam ko sa kaibigan ko.

'Ok, bye Kasy!'

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan para puntahan si mommy.

"Anak lika dito turuan mo 'yung kapatid mo, exam na nila bukas at may aasikasuhin pa kami ng dad niyo"

tumango lang ako bilang tugon sa utos niya. Umupo ako sa tabi ng kapatid ko na naglalaro sa ipad niya.

"Hey sandy that's enough" at kinuha ang ipad niya.

"Wait ate! I'm not yet done playing! I need to kill all those monsters! Rawrr"

"Shhh Sander Dane Velasquez! you have to study first before you kill all those monsters"

"No ate! I have to kill them first before I study!" sabay takbo.

So yun, tinakasan na naman niya ako. Napa-facepalm na lang ako dahil talagang wala ako sa mood magturo tapos tinakasan pa ako ng kapatid ko.

"Sandy! pumili ka! papaluin kita o ikukulong kita sa kwarto mo without gadgets?" pagbabanta ko.

"Chill ate I will study okay?" nilapitan na niya ako at naupo sa tabi ko. Natakot ata siya sa pagbabanta ko, nice.

Tinuruan ko na siya sa lahat ng subjects niya and after that, I gave his ipad back. Sandy is on the fourth grade, matalino kami ng kapatid ko na minana namin mula sa mga magulang namin at hindi ko iyon ikinakahiya, eight years ang agwat namin which means na sa 12th grade na ako. Wala pa akong plano para sa college kahit na dapat ay meron na. I'm studying in a top elite university dito sa bansa kaya hindi siya basta-basta. Students there is ranked from 1-500 out of 10,000 students and I'm on the top 20. Mga mararangyang pamilya lang ang nakakapasok doon dahil hindi tumatanggap ng scholarship ang university.

Ang entrance exam ay binubuo ng 100 students per year at ang top 10 lang na makakakuha ng mataas na marka ang makakapasok. In short, you should have money and brain to study there. Fortunately, nakapasa ang isang Kasley Rose Velasquez at nag top 1 sa exam last year. Hindi sa pagmamayabang pero ang suwerte ko talaga sa utak na meron ako.

***

"Kasy!" rinig kong tawag ni Anne. Hinintay ko muna siyang makarating sa pinaroroonan ko bago ako maglakad ulit.

"Bakit ka umabsent kahapon?"

"Wala lang, nagkausap naman tayo kahapon hindi ba?" tinignan ko siya at naunawaan naman niya ang ibig sabihin ng tingin kong iyon.

"Kumusta ka naman ayos ka na ba ngayon?" tanong ulit niya.

"Yeah, I'm fine."

"Are you sure about that?" tinignan ko siya na para bang sinasabing 'seriously Anne?'. Napabuntong hininga na lang siya at mukhang may balak pang magsalita.

"Bakit kasi-" tinakpan ko na ang bibig niya, she's so talkative. That's the only thing I hate 'pag kasama ko siya.

"Please Anne? not now okay?" tumango naman siya kaya inalis ko na ang kamay ko sa bibig niya.

In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon