CHAPTER 3

6 1 4
                                    


Kasley's POV

"So we're not really going back there?" I asked Zenith for the 5th time around..

Sinasadya kong mairita siya para balikan namin 'yung bodega, pero tanging pag-iling lang ang sinasagot niya at hindi man lang naiinis.

Bakit kanina ang bilis niyang magalit kay Marco ta's 'pag ako ang nang-iinis sa kaniya, wala siya ng pake? Why is he unfair?!

Grabe talaga kanina, pakiramdam ko ay sumabog ang utak ko at nagkandagulo-gulo na lahat. Dumagdag pa 'yang Alkina na 'yan, unang dinig ko nga Alkaline eh. Kasalanan ko bang hindi ako familliar sa pangalan na 'yon?

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Alkina."

Pagkasabi niya 'non, medyo nag-buffer pa 'yung utak ko. Ano daw? Alkaline? Akin na? Akin na ang alin?

"Zenith, I think he can't see the screenshot properly, pahawak mo muna sa kaniya saglit. Bantayan mo ah, baka biglang tangayin phone ko!" Sabi ko at sinadyang kami lang ang makakarinig.

"You dum-dum, ang sabi niya Alkina. When was the last time you cleaned your ears?" ay ang harsh! aminado naman akong hindi ko naintindihan ang sinabi ni Marco. Pero, naglilinis naman ako ng tenga araw-araw!

"It's clear that you're pertaining to that Alkina that made this chatroom." tango ni Zenith at mukhang sigurado na sa sinasabi niya kahit na wala pa namang paliwanag si Marco.

Sa pagkakatanda ko, hindi Alkina ang pangalan ng mastermind na dumukot kay Anne. So does that mean there's a new character for another episode of "Finding Anne"?

"Are you sure about tha--"

"Tama ka, siya lang ang kilala kong may ganiyan na stratehiya pagdating sa mga text-text na ganiyan." Tinignan naman ako ni Zenith at sinasampal sa mukha kong tama siya, inirapan ko na lang siya sa kayabangan niya. Mukhang naging kalmado na si Marco ngayon kesa sa reaksiyon niya kanina.

"If it's really her, then who is she at pa'no mo siya nakilala?" Lapit ko habang nakahalukipkip. Tinignan ko siya ng diretso sa mata para malaman ko agad kung magsasabi siya ng totoo.

"Nakilala ko siya dati dahil tinulungan niya ako noong panahong wala akong malapitan. Siya ang naghikayat sa 'kin na maging leader ng gang na 'to. Naalala ko pang tinuruan niya kami kung pa'no 'yan gamitin at intindihin (referring to the chat room). Pagkatapos nang lahat ng iyon, nawala na lang siya na parang bula. Matagal na namin kinalimutan ng gang ang pinagsamahan namin. Kung sakaling makasalubong namin siya, tuturingin namin siya bilang kalaban dahil pinabayaan niya kami. Hindi na namin nagamit ang chat room na 'yan pagkatapos ng ilang taon kaya hindi ko alam kung sino ang mga nag-uusap diyan" malungkot at may halong inis na pagkukuwento niya.

Pagkatapos 'non tila may dumaang anghel dahil sa katahimikang namayani sa 'min. Tinignan ko si Zenith pero mukhang walang siyang gana sa mga nangyayari at parang inaantok pa.

"Hindi kaya codename lang niya ang Alkina?" Pagbabasag ko sa katahimikan. "Maaari kasing hindi Alkina ang totoo niyang pangalan. Gaya ng sinabi mo, naglaho na lang siya na parang bula. Ang tanong ko sa 'yo, hinanap niyo ba siya o hindi?"

In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon