Kasley's POVHalos isang linggo na ang lumipas at nag-iisip pa rin ako ng plano kung paano ko maitatakas si Anne mula sa mga hampas lupang dumukot sa kaniya. I didn't tell this to my parents dahil alam kong madadagdagan lang ang sakit ng ulo nila, pero alam ni Zenith ang nangyari.
*FLASHBACK*
nakaupo pa rin ako sa sahig habang umiiyak nang maramdaman kong may lumapit sa 'kin. Hindi siya kumikibo pero alam kong nasa likod ko lang siya.
"Bakit ka pa nandito? Iwanan mo muna 'ko please" sabi ko. I'm trying my best na hindi niya mahalatang umiiyak ako dahil sa boses ko.
"Sa tingin mo ba iiwanan kita sa lagay mong 'yan." Said his deep voice. This is such an embarrassment in front of him, I don't want this to happen but I can't escape from it.
Hindi na 'ko sumagot at nanatili na lang akong nakayuko. I felt him sat in front of me.
"It's okay, I can help you out. Kung ano mang problema 'yan tutulungan kita." Hindi ko siya tinignan dahil sobrang awkward nito para sa akin at nakatingin pa siya habang umiiyak ako.
"Hey, buhay ka pa ba? You know, you can call me Hespero as long as you want basta sabihin mo sa 'kin 'yung problema mo." pinunasan ko muna ang luha ko bago agad-agad tumayo. Nagulat ata siya sa ginawa ko dahil nanlaki ang mata niya.
"I'm fine you know." tawa ko ng medyo pilit. Tumayo siya sa pagkakaupo kaya ako naman ngayon ang napatingala sa kaniya.
"I'm just waiting for you to tell me, I know what's happening kahit hindi mo sabihin and I'm ready to help you." seryoso niyang sambit. Naglakad na siya palayo pero tumigil siya at nagsalita ulit.
"Just approach me if you want my help, ikaw na ang bahala kung ayaw mo, ikaw din ang mahihirapan." at umalis na ng tuluyan. Napatulala na lang ako sa kawalan sa bilis ng mga pangyayari at sa change of mood niya.
'Ganoon ba talaga 'yon or malakas lang 'yung sapak niya?'
*END OF FLASHBACK*
I'm too worried dahil halos isang linggo na rin si Anne doon and I feel so guilty about it. Tinawagan na rin ako ng parents ni Anne and I just made an excuse na nasa bahay namin siya at gustong mag-overnight for a week. Sinabi ko rin na makikitext na lang si Anne sa phone ko kasi walang signal 'yung gamit niyang sim sa bahay namin, also the reason why I'm pretending to be her everytime na magtetext ako sa parents niya. Buti na lang at hindi sila tumatawag dahil hindi ko kaboses si Anne and I don't know what to say or to excuse.
I must get her back as soon as possible. Kung hindi ay marami ang mapapahamak, I need to be quick and precise to every desision I will make.
Only me and Zenith knew everything that happened and he's helping me out. I don't know kung pa'no niya nalaman ang tungkol dito nang hindi ko sinasabi and it's pretty weird. Nag-iimbestiga siya kung saan ang maaaring hideout nila at ako naman ang naghahack sa mga maaaring accounts ng mga kasabwat ng gang nila.
I know who their mastermind is at may clue na ako sa mga pwedeng maging kakampi niya.
Just like what he said, I approached him earlier dahil mababaliw na 'ko kakaisip kung ano ang pwedeng gawin. It's almost been a week at wala akong maisip na paraan, I can't do this on my own without asking for any help to someone. Binabaan ko na ang pride ko at humingi ng tulong sa kaniya kahit na labag sa kalooban ko dahil baka isipin niyang feeling close ako..
BINABASA MO ANG
In Love Again
RomanceHindi inaasahan ni Kasley Rose na mapapalapit siya sa kaniyang ultimate crush at pinakamatalino sa school nila. Ngunit ano nga ba ang magiging kapalit sa pagiging malapit niya rito?