Sa panahon natin ngayon, usong uso na ang technology. Weak shit ka kapag wala kang cellphone na touch screen o cellphone na walang camera. Pati nga personalidad ng isang tao eh binabase na kung gaano kaganda ang gamit na cellphone.
Dahil uso ang technology, uso din ang internet at social media. Nako! Social media ba kamo? Samo't saring mga tao ang makikilala niyo dito. Kung tutuusin ang dami ng naloloko dito sa social media. Dahil sa mga taong mabilis magtiwala sa mga balat kayo.
Actually, hindi naman lahat ng makikilala mo thru internet eh masama. Hindi rin lahat predator na manghihingi ng pera o kung ano mang mala demonyong pakay.
Exactly three years and six months ago. I met this girl named "Jaja" sa internet. Meron kasing isang site na talaga namang sobrang na curious ako.
Ang kabilin bilinan ng mga magulang natin noong bata pa tayo eh, "Don't talk to strangers." Pero etong site na 'to, "talk to strangers" ang motto.Kung sakaling naiisip mo na kung anong site, oo tama ka. Omegele nga. Na bored lang naman kasi ako and at the same time na curious gawa ng mga barkada kong manyak na naghahanap lagi ng fubu dito, kaya sinubukan ko wala naman sigurong mawawala?
Madami akong nakasalamuhang tao. Pwedeng taga ibang bansa, pwedeng pilipino.
Nag lagay ako ng interest don. I typed, "Filipino, Pilipino" Ang bubungad lagi sayo, 'Hello' o kaya naman ay, 'ASL?'
Kapag binigay mo naman yung age at location mo lalong lalo na yung sex mo. Malaki yung chance na i-disconnect nila yung conversation niyo.
Bakit?
Kasi ang hanap nila opposite gender. Alam mo na *wink wink*
Well ayun nga. After so many tries, kahit may kausap na ako, ang boring nila. Especially girls. Hindi sila gumagawa ng paraan para ituloy tuloy yung conversation namin, nagmumukha na akong tanga kaka bring up ng topic pero yung mga sagot nila yung tumatapos sa usapan namin. So I have no other choice, dini-disconnect ko sila.
Pero for the nth time clicking the "new" button, there was a 19 year old female from Makati ang talaga namang nagbigay aliw saakin.
We talked for hours!
Buti nalang strong ang internet connection namin pareho at hindi na di-disconnect. Sa conversation namin na yon proved me that you can like someone without checking their physical appearance. Kahit sabihin mong non-sense pinag-uusapan namin. She's answering my topics with another topic kaya hindi kami nauubusan ng pinag-uusapan at hindi rin ako nauubusan ng tawa kada reply niya.
I asked her, "Anong pwedeng itawag ko sayo? Kahit nickname lang po. :)"
She answered me, "Jaja. I don't trust strangers like you. Sorry. Hahahahahahahaha. Ikaw?"
"Matt nalang hahahahaha. Stranger ka din naman ah. Echosera ka." I replied.
Humaba pa ng humaba yung usapan namin unknowingly na pasado alas-onse na ng gabi.
Miski siya nagulat dahil gabi na daw at maaga pa ang pasok niya bukas. Ako naman ito, nalungkot, parang kinurot ng kaunti ang puso ng nalamang kailangan niya ng mag disconnect. I had a lot of fun talking with her and I must admit na never pa ako naging ganito kasaya kausap ang isang taong hindi ko naman talaga kilala.
Nung sinabi niyang matutulog na siya, nataranta ako. I asked her kung ano yung pangalan niya sa facebook but she insists na it was too fast for her na kukunin ko agad full name niya. Sabagay, wala pa naman kaming isang araw magka-usap.
Hindi mabilis makuha tiwala ng babaeng ito.

BINABASA MO ANG
Omegle (ONE SHOT)
Teen FictionIsang love story na nagsimula sa omegle, may true love nga ba sa tambayan ng mga manyak?