Unang Bahagi

528 0 0
                                    

Kasalanan ba ang magmahal? Kung kasalanan man, siguro ay matagal nakong nasasakdal.

Matagal na rin ang nakakaraan simula noong makilala ko siya. Medyo bata pa ko nun, mga 13 years old, asa stage ng tinatawag nilang pagdadalaga.Siya naman 16. Madalas siyang nagpupunta sa bahay. Hindi para dalawin ako dahil hindi po kami close nun kundi dahil isinasama siya ni Kuya Patrick kasama ang iba pa niyang mga friends. Barkada kasi sila. At ang bahay naming ang paborito nilang puntahan. Wala namang ibang pwedeng gawin samin kundi kumain at mag NBA. Yun ang dahilan kung bakit sila laging nasa amin.

Laging may pustahan. At kung sinong manalo ay mag papa pizza. At kapag present sila ay absent naman ako, sa labas ng kwarto. Oo nasa loob ako ng kwarto parati dahil.. eh kasi nakakahiya naman kung makikipaglaro ako no. Puro kaya lalaki ang mga kaibigan ni Kuya. Sa katunayan ay lima sila. Si Kuya Patrick ang una, si Kuya Steven, si Kuya Charles si Kuya Brant, at siya. Lahat sila Kuya ang tawag ko maliban lang sa kanya. Eh kasi bukod sa alam niyo na (crush ) ay siya yung pinakabata. Sina Kuya kasi eh 18 years old na at yung iba eh 19 at 20.

Siguro sobra na ang pagtataka niyo kung sino ba “siya” dahil kanina pa akong banggit ng banggit ng “siya” pero di niyo naman kilala. Ang “siya” na tinutukoy ko ay walang iba kundi ….

si Pomelo.

Kamag-anak Pala Kita (Ama, Kuya, Kapatid)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon