Ikapitong Bahagi

138 0 0
                                    

Ikapitong Bahagi

Nagising ako nung maramdaman kong nakatigil na ang sasakyan. Nandito na kaya kami sa aming destinasyon?

Sumilip ako mula sa bintana ng Fortuner ni Kuya Steven at ang nakita ko..

Bukid?

Oo bukid nga. Farm sa ingles. Pero pero teka teka.. Bakit dito? Eh para namang wala yung “ Sa maraming magaganda” na pinagsasagot sa akin nina Kuya. -.-

Puro baka yung nakikita ko at preskong tanawin ang nakikita ko mula sa pagsilip ko sa bintana ng sasakyan. Eh wala namang magaganda ditto ah?!

“Bulaga!”

“AAAAAAAYYYY!”

Napasigaw ako nung may biglang sumulpot dun sa bintana. Sus. Si Kuya Patrick lang pala. Hay nako. Pinagtritripan ata ako nito.

“AHAHAHAHAHAHAHA!”

Wagas ang pagtawa ni Kuya diyan. Hay nako. Nakakainis. Tss.

Dahil nandito na nga ata kami sa “Sa maraming magaganda” na sinasabi nila, lumabas na ako mula sa sasakyan at pinagmasdan ang bukid. So cheap. Sa bukid lang naman pala.

“Ang daming magaganda ditto diba Pam?”

Si Kuya yan nilapitan ako.

“Eh nasan naman yung magagandang babae ditto? Eh puro naman mga BAKA ang nandirito. “

“Ahahahahaha! Teka lang ano bang akala mo sa “maraming magaganda”? Mga babae??”

Si Kuya sabay pagngisi.

“Ay oo! Alangan namang lalake? Eeeeww. So gay!”

“AHAHAHAHA! Talagang ang akala mo babae yung tinutukoy ko? Hahahaha!”

“Makulit Kuya? Oo nga sabi! Mayroon pa bang maganda bukod sa mga babae at mga bakla?”

May ganito palang ugali tong si Kuya Patrick. Hindi ko matake!

“Hahahahaha! Bakit, maganda din naman ang kalikasan ah. Mas marami pa ngang maganda sa environment kesa sa mga babae. Hahaha!”

Ay nako. Ano bang nangyayari kay Kuya. Nanuno ata ito. Haha. Pero sa bagay may point siya dun.

“Oo na oo na! “

Wala na akong masabi ditto kay Kuya. Wooh. Grabe lang ah.

Naglakad na siya pabalik sa sasakyan at tumulong sa pagbababa ng gamit. Kina Kuya Charles pala ang bukid na ito, I mean hacienda. Ang yaman ah! At dun daw kami mag sstay sa BAHAY BUKID nila. Grabe ang mga term, breath taking!

Habang busy sila sa pagdadala ng gamit dun sa BAHAY BUKID napagpasyahan kong magmasid masid. (nosebleed)

Maganda naman pala kahit papaano itong Bukid nina Kuya Charles. Fresh ang simoy ng hangin, tahimik, green na green at maraming Baka  seryoso sa pagkain ng damo or kung di man kumakain ay busy sa pag “MOOOO!” or “lowing. “ Napagaralan ko yan sa English subject namin!

Samu’t saring Baka  ang nandirito. At medyo kaya ko silang idescribe by means of their itsuras. Medyo marami kasi akong natutunan tungkol sa mga Baka . Merong Heifer o young cow , kasi mukhang bata pa yung Baka. Meron ding mukhang Calf o mas batang Baka sa heifer. Meron din dun sa kabilang side naman na Herd, grupo ng mas nakararaming Baka. Haha!

O diba? Ang dami kong alam! Nakikinig kasi ako nun sa teacher namin nung nagdidiscuss. Do you know that a Cow is a female and a Bull is a male? And a calf is a young heifer or bull. And the mother of a calf is called a Dam and the father, a Sire. Ang dami ko talagang alam! Kaso kung ipapapin point niyo sila sakin, hindi ko ata kakayanin. Hahaha!

Kamag-anak Pala Kita (Ama, Kuya, Kapatid)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon