Ikalawang Bahagi

349 0 0
                                    

Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Hindi ako sigurado sa kung anong mayroon ako para sa kanya. Ang tanging alam ko lang …

Nahulog na ako para sa kanya…

Nagsimula ang lahat nung araw na nakalaban ko si Kuya. At sa kagalingan kong taglay ay natalo ko siya…

*Flashback*

Umaga, vacation, paakyat nako ng kwarto. Galing kasi ako mula sa garden, nagtanim. Narealize ko kasi na masyadong boring kung buong araw lang ako sa loob ng bahay nanonood ng tv o kaya maglaro laro ng kung ano ano. Kaya napagpasyahan ko na magtanim ng talong, kamatis at ng rose. Nakakapagod pala magtanim. Kaya ayun nga nung natapos ako eh naisipan ko ng bumalik ng kwarto para kumuha ng mga damit para maligo. Pero nung paakyat ako, bigla bigla akong tinawag ni Kuya Patrick na noon ay  nasa living room.

“Pam! Lika nga..” at nakita kong naglalaro pala ng NBA.

“Ha? Bakit? Mamaya na lang Kuya. Maliligo muna ko..” pagsagot ko sa kanya.

“Ala. Mamaya ka na maligo. Laro muna tayo.”

“Wow ah. First time mo atang yayain akong maglaro diyan. Pero pwede mamaya na lang? Maliligo muna ako. Tingnan mo oh, ang dumi dumi ko kaya..”

“Ngayon na nga lang kita niyaya tapos ayaw mo… Ganyan ka pala..” at umaktong nagtatampo.

“Eh kasi ang dumi dumi ko nga.. Tapos.. “

“Sige kahit wag na..”

“Sige na nga..Hay nako..”

“Yan. Lika. Laro tayo NBA. OKC team ko..”

“Akin Miami!”

“Hmm.. Tingnan natin ang galing ng Miami mo. Hahaha”

“Maintindihan. Haha”

At sinimulan na namin ni Kuya yung game. Quick game lang pero naka 12 minutes every quarter. Gamit niya OKC paborito niya kasi. At ang akin eh ang Miami. Lets go Wade!

Sobrang focus ako sa paglalaro nung mapatingin ako sa paghawak ni Kuya sa joystick. Naka joystick kasi kami para nga two players. At itong si Kuya, parang paiyak na galit na hindi maintindihan ang mukha. Pano ang laki ng lamang ng Miami sa OKC. 46 – 29. 2nd quarter pa lang. Haha.

“Kuya, suko na? Haha”

“Hindi ah. Mahahabol ko pa yan.” Pasungit niyang sabi. First time niyang maging masungit sa akin. Pagdating talaga sa NBA ayaw nitong nalalamangan.

At nagpatuloy kami sa paglalaro. Sa Third Quarter almost mag tie yung score. 77-76. At ang lamang? Miami pa rin. Haha. Pero itong si Kuya, ayaw talagang magpa defeat. Focus na focus sa paglalaro. Halos natatawa na nga ako sa mga reaksyon niya sa tuwing makakaagaw na sana ng bola pero naf- foul naman. Haha.

Kung makikita niyo lang ang itsura ni Kuya. Haha.

Sa katotohanan nga eh naaawa na ako sa kanya. I mean sa joystick na hawak niya. Grabe maglaro to, halos durugin na yung joystick.

At pagkatapos ng dikit na laban sa pagitan ng OKC at MIAMI loves ko eh hindi na magkandaugaga si Kuya sa pagtalon. 102 – 97. Panalo ang MIAMI loves ko! Aba , akalain niyo ba namang ihagis yung joystick na gamit niya sa may bintana. Ayun tuloy, basag na nga yung joystick, basag pa yung bintana ng living room namin. Naku Kuya lagot ka kay Papa.

“O pano ba Kuya. Panalo ako. Wala ka pala sakin eh!.”

“Tsamba lang yan.” At gusot na gusot yung mukha. Ampanget.Haha

“Tsamba na ding binasag mo yung bintana. Lagot ka kay Papa.”

“Asus para yun. Sige na. Maligo ka na. Ambaho mo.Eew.”na umaktong diring diri. Aba!

Kamag-anak Pala Kita (Ama, Kuya, Kapatid)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon