Nanatiling akong tulala habang tinitignan ang mga nurse na binubuhat ang babae papalayo. Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng luha ko.
She's real. I can clearly remember everything.
Naramdaman ko ang paghawak sa'kin ni Mama sa kamay ko.
"Kilala mo ba siya?" Kimi akong tumango dahilan para manlaki ang mata nito.
"How?" tanong nito.
"It's a long story Ma." sagot ko sa mahinang boses. As much as I want to tell it to them, I know they won't believe me.
Sinubukan kong bumangon pero napahiyaw ako sa sakit dahil ramdam kong ang kirot ng mga sugat ko.
"Doc!" agad na tawag ng pamilya ko sa doktor. Pero sinubukan ko pa ding bumangon, kaya kong indain ang sakit.
"Edward, ano ba?!" naiiyak na sigaw sa'kin ni Mama pero natigilan siya nang makita ang pag-iyak ko.
"I want to see her, Ma. Please." pakiusap ko. Nakita ko ang awa sa mata niya pero bago pa siya magsalita ay dumating na ang mga nurse at doktor.
Agad nila akong tinurukan dahilan para makatulog ako.
-----
DONT STEAL MY WORKS UNLESS YOU HAVE MY PERMISSION.
-paalala lang po ang writer ng storyang ito ay ako lamang po.
-i hope u enjoy reading this story