Nagmamadali na akong maglakad papunta sa gym. 7:25 na. Sana maka-abot ako sa audition ko. Tsk tsk. Si Mama kasi di ako ginising. Dala ko si Jah pero pagka-tinamaan ka naman ng kamalasan o, nakalimutan ko yung piece na kakantahin ko. Hay! Paano kaya to? Anong kakantahin ko? Isip-isip-isip. Nasa ganito akong kalagayan ng mapadaan ako sa may hallway malapit sa hagdan. May tumutugtog ng gitara plus kumakanta. Ganda ng boses. Heaven! Kumakanta siya ng Tadhana by Up Dharma Down. Lumapit pa ako ng konti para mas mapakinggan siya ng maayos. Ang ganda talaga ng boses niya. Parang anghel ang kumakanta. Di ko talaga mapigilan ang sarili ko kaya lumapit na ako. Napansin ko na tumigil siya sa pagtugtog. Napansin niya ata ako kaya siya tumigil. Saglit akong napahiya kaya tumuloy na lang ako sa pupuntahan ko. Kainis. Sa ganda ng boses niya nakalimutan ko na late na ako. Kaya tumakbo na ako papunta sa gym. Pagdating dun ang dami ng nakapila. Pupunta na ako sa booth kung saan ipapasa ko ang application form ko. Pipila na sana ako nang may sumingit na babae sa harap ko.
"Kuya, kuya, ito po ang application form ng ate ko." Sabi nung babae na naka-Bob Marley sa kuya na nag-a-assist sa mga applicants.
Hay! Wala na ako nagawa. Nauna na siya. Gentleman kaya to, kaya kahit ako yung una sa pila pina-una ko na siya. Mga babae nga naman. Napalakas yata yung sabi ko kaya napa-tingin niya sa akin.
"Pasensya na po kuyang may gitara, naunahan ko po kayo, nagmamadali lang po kasi ako talaga,papasok pa po kasi ako. Pasensya na po ulit."
"Ah...hehe...wala yun" AWKWARD!!!
"Jac, bakit ka nandito?" narinig kong tanong sa kanya ng isang babae. Lumingon ako at nagulat nung makita ko kung sino yung nagtanong. Yung babaeng kumakanta ng Tadhana.
"Ay ate, ako na nagpasa nung application form mo. Bilisan mo na, ayun na o." Masayang sabi nung babaeng naka-Bob Marley na shirt.
"Diba sabi ko sa'yo ayokong sumali." Inis na sabi nung ate niya.
"Eh ate, sayang naman boses mo kung ako lang makakarinig diba?" Mukhang natutuwa pa ito kahit alam niya na naiinis na ate niya. Mga batang babae nga naman, makukulit.
Iniwan ko na yung mag-ate at lumakad papuntang registration booth para magpasa ng application form ko. Nakita ko yung mag-ate na nagtatalo pa rin. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Para silang mag-nanay, na mag-bestfriend, na ewan! Basta, nakakatuwa sila.
Pumunta na ako sa may upuan at hinintay magsimula ang audition. Hindi na ako masyado kinakabahan, professional na eh. Haha, yabang. Pero siguro sa dami na din ng nasalihan ko na contests eh hindi na bago ito sa akin. Kailangan ko lang mag-relax, alalahanin yung piece ko. Hindi ko nga pala dala yung notebook ko kung saan nandun ang kopya ko ng kakantahin ko. Sana maalala ko. Wag sana ako ma-mental block.
Nagsimula na ang audition. Pang no. 10 pa ako kaya umalis muna ako at bumili ng pagkain, gutom na kasi ako. Habang naglalakad ako ay nakita ko na ulit yung astig na babae na mala-anghel ang boses. Lumapit ako sa kanya. Hindi siya tumutugtog o kumakanta. Basta lang siya nakaupo, nakamasid sa kawalan at parang ang lalim ng iniisip.
"Anong ginagawa mo dito? Diba may audition ka dun sa loob, pumasok ka na baka malate ka pa." Sabi nung babae sa akin. Mala-psychic tong babaeng to. Hindi ako nililingon pero alam niya na ako yun. Hanep!
"Ah kasi, ano pang-10 pa naman ako kaya naisip ko lumabas muna at magmuni-muni." Sagot ko sa kanya.
"Joey nga pala. Ikaw, ano pangalan mo?"
"Ah, ah, Rodrigo Joaquin Luna. Wax, for short." Ewan ko kung bakit nauutal ako pag kausap siya eh hindi naman ako dati ganun pag may kausap na babae.
"Nice nickname dude. Sige, I gotta go. Pang no. 4 ako sa performers baka susunod na ako dun. Pasok na ako. See you soon dude." Astig niyang sabi sabay apir sa akin. Di ko mawari yung nararamdaman ko, nung naghawak ang kamay namin parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko. Tumigil ang mundo ko. Parang naka-pause lahat ng tao. Tapos biglaang lumitaw ang madaming ilaw, may fireworks at parang nagtransform sa isang malawak na paraiso ang paligid ko. Hay! Ano ba tong nararamdaman ko? Naguguluhan ako pero masaya ako. Makapasok na nga at baka kung saan pa ako dalhin ng pag-iimagine ko.
"Hi, kuya!"
Nagulat ako sa bumati sa akin. Akala ko kung sino. Si babaeng naka-bob marley pala na shirt. Saan ba to nanggaling? Parang kabute na pasulpot-sulpot.
"He-he-hello." Nauutal kong sabi.
"Masyado ka naman magugulatin. Goodluck kuya. Aja!" Sabi niya habang naglalakad na siya papalayo. Para siyang bata, tumakbo pa. Nakakatawa.
Naglakad na din ako papasok sa gym at inihanda ang sarili para sa aking kakantahin.
BINABASA MO ANG
Finding Ms. Destiny
RomanceJust when you thought your search is over because you finally found her, will then you'll realize that opening your heart to pain has just begun.