"Hi everybody. I'm Rodrigo Joaquin Luna. Wax for short. I'm 17 years old. I love singing and playing guitars. Hope we'll have a great year together as a class."
First day of school. First day ko din sa college. New classmates. New surroundings. New friends? Probably, di naman ako mahilig makipag-friends eh. Sa totoo lang, wala din akong bestfriends. Barkada? Siguro yung mga ka-banda ko dati pero yung tao na mapagkakatiwalaan mo ng sikreto mo. Introduce dito. Introduce doon. Hay!!! Boring.
First day ko dito sa St. John College. Late na ako nakapag-enrol, napasarap sa bakasyon eh kaya ayun irreg yung nakuha kong schedule. Iba't-ibang klase. Iba't-ibang classmates. At ang pinaka-masaklap iba't-ibang buildings. Hay! Pagkakataon nga naman. Teka, bakit parang may nagkakagulo dun sa may gym. Lumapit ako sa may gym at tiningnan kung ano iyong pinag-kakaguluhan. May audition pala para sa artist's club. Ito yung club kung saan nagsama-sama ang mga musicians, dancers at theater actors. Syempre dun ako sa musicians category, musician kaya ako. Ako ang lead guitarist at vocals sa highschool band namin. Madami na din akong awards na nauuwi sa bawat Battle of the Bands na aming natatanggap. Kumuha ako ng application form at sinabihan na maghanda ng isang piece para sa audition bukas. Pagkakuha ko ng application form ay umuwi na ako. Natapos ang buong araw ko na to sa kakahanap ng building at mga classroom ko. Lakad dito, lakad doon.
Kakapagod. Toxic men!
Pagdating ko sa bahay, kukunin ko na sa ang gitara ko para tumugtog at mag-practice para sa audition ko bukas nang tumawag si Papa at pinabababa ako sa salas namin. Sigurado ako tatanungin niya ako kung anong course ang kinuha ko.
"So anong course ang kinuha mo sa college?" tanong ni Papa sa akin. Hindi nga ako nagkamali, iyon nga ang tinanong niya sa akin.
"Bachelor of Music po Papa" sagot ko naman. Alam ko di niya iyon magugustuhan kasi ang course talaga niya na gustong ipakuha sa akin ay Architecture. Iyon kasi ang profession ni Papa pati si kuya: Architects silang lahat, pati ata bunso kong kapatid at only girl namin ganun din ang course na kukunin. Kaya naman nagalit talaga si Papa nung nalaman niya na Bachelor of Music ang course na kinuha ko.
"Ang tigas talaga ng ulo mo, Rodrigo. Diba sabi ko Architecture ang kunin mo na course."
"Eh Papa, yun po talaga gusto ko na course eh."
Sa amin kasing tatlong magkakapatid ako lang ang musically-inclined. Wala akong hilig sa arts pero nagssketch din naman ako. Artist kasi ang buo kong family. As you know great-great-great-grandfather namin si Juan Luna kaya naman ganun na lang ang pagka-gusto ni Papa na maging isa akong architect. Madami ng buildings ang na-design ni Papa, ilan pa nga sa mga ito ay well-known buildings within the metro. Si kuya naman ay isang acrhitect na naka-based sa Singapore kaya bihira lang namin siyang makasama.
"Rey, yaan mo na yan si Wax sa gusto niyang course na kunin sa college," ani ni Mama.
"Kaya matigas ang ulo niyang si Wax kasi kinukunsinti mo," sagot ni Papa.
Tatalikod na sana ako at babalik sa kwarto ko ng biglang nag-ring ang telepono namin. Tumatawag pala si kuya.
"Hello, kuya Ryan." sagot ko sa telepono.
"Hello Wax, first day of class mo ngayon, right?"
"Oo kuya," sagot ko.
"So how'syour day?" pangungumusta niya sa akin. Kahit kasimagkaiba kami ng mga hilig ni kuya ay isa din siya sa mga no. 1 na supporter next kay Mama.
"Ok lang kuya. Ikaw, how's your work in Singapore?I heard you've got this big project na you've always dreamed of. Tell me, is it true?"
"Oo Wax, you're right." Sabi ni kuya. Matalino si kuya. Cum Laude siya nung grumaduate ng college sa St. John College. Bukod sa matalino si kuya, heartthrob pa siya at MVP player. Sobrang magkaiba kami ni kuya. Extrovert siya while I preferred to be the introvert one. Kaya no doubt na din kung siya ang favorite ni Papa.
"Congrats kuya. I know you worked hard for it. You deserved it, bro." Bibo kong sabi kay kuya. I know he really deserved it. Sa totoo lang, idol ko iyang si kuya eh. Sobrang close namin niyang si kuya kaya naman pag may problema ako siya agad ang nilalapitan ko, ganun din naman siya sa akin.
"Thanks bro. Basta remember study hard. Prove yourself to Papa and I know magiging proud din siya sa'yo. Anjan ba sila? Pwede ko ba silang makausap?" Tanong ni kuya.
Kaya ibinigay ko agad ang telepono kina Mama at umakyat na ako sa kwarto ko. Hay, buti na lang di ko na maririnig ang sermon ni Papa. What a day! Ayos ang ukas ng school year sa akin. Pagod! Sermon! Ayos! Tawa na lang ako para good vibes pa din. Pagbukas ko ng aking pinto, bumungad agad sa akin ang bestfriend/girlfriend ko na din, ang nag-iisang nakikinig sa mga problema at musikang tinatago ko. Si Jah, ang aking gitara.
(Jah-means God in hebrew word.)
"Hi, Jah. How are you?" Bati ko sa gitara ko. Agad ko siyang kinuha at tumugtog na ako.
Tumingin sa aking mata
Magtapat ng nadarama
di gustong ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka.
Kung maging tayo
'Sa'yo lang ang puso ko.'
Kumakanta ako at tumutugtog hanggang sa nakatulog na ako.
"Waaaaaahhhhhh!!" 7: 15 am na. 7:30 ang time ng audition ko. Late na ako. Tsk tsk. Asar naman o. Di ako ginising ni Mama. Ngayon pa naman yung audition dun sa club na sasalihan ko." Galit kong sabi habang nagmamadali akong nag-aayos. Naligo lang ako, nag-toothbrush at nagbihis. Hindi na nga ako kumain maka-abot lang sa audition ko ng 7:30.
BINABASA MO ANG
Finding Ms. Destiny
RomanceJust when you thought your search is over because you finally found her, will then you'll realize that opening your heart to pain has just begun.