Naglalakad ako papunta sa building ng highschool department. Fourth year highschool pa lang kasi ako at malapit na maka-graduate.
"Jac. Jac. Jac." Narinig kong may tumatawag sa akin kaya naman tumalikod agad ako at nilingon kung sino yun.
"Ui Berns, bakit?" Tanong ko sa kanya. Siya si Berns isa sa mga kaklase ko at kasamahan ko din sa Ballet Class kung saan member ko.
"Jac, pinapatawag ka kasi ni Ma'am Tiongco. May ipapagawa daw sayo. Naku Jac, baka ikaw na ang ipapalit sa President natin. Wow, Congratulations." Tuwang-tuwa na sabi ni Berns. Mas excited pa sa akin. Ano yun?!
"Teka lang Berns, baka naman hindi. Ikaw talaga. Excited na excited ka eh. Mas excited ka pa sa akin." Natatawa ko na lang sabi.
"Hay, basta kung anoman yun, ako ang una na nag-congratulate sayo ha. Sige, una na ako, may gagawin pa kasi ako." At naglakad na palayo si Berns. Pumunta na ako agad sa ballet room namin para puntahan si Ma'am Tiongco. Nandun na nga siya. Ano kaya sasabihin niya sa akin?
Na-eexcite na kinakabahan ako."Ma'am pinatawag niyo daw po ako? Ano po meron?" Tanong ko agad kay Ma'am Tiongco.
"Maupo ka Ms. Bonifacio." Sumobra na ang kaba ko. Ano kaya sasabihin ni ma'am? Baka naman aalisin na niya ako sa ballet group namin.
"Kaya kita pinatawag Ms. Bonifacio kasi...." Naputol yung sasabihin ni Ma'am may tumawag kasi sa kanya sa phone. Lumabas muna si Ma'am Tiongco. Lalo naman akong kinabahan. Pusang-gala naman o! Sobra na ang kabog sa dibdib ko. Paano pag tanggalin na niya ako? Di kasi ako naka-attend ng two meetings namin plus di po ako naka-attend ng last rehearsal namin. Paano nga? Paano pag last day ko na ngayon sa ballet club? Paano na ang pangarap kong maging Prima Ballerina Assoluta? Hay! Ang dami-dami kong iniisip. Dami-daming tumatakbo sa isipan ko. Sana pumasok na si Ma'am para matapos na ang kaba ko. Tumayo muna ako sa upuan at pumunta sa may bintana para magmuni-muni at magrelax.
"Lord ayoko po maalis sa ballet club. Please, aattend na po ako sa lahat ng rehearsals at meetings namin. Di na po ako aabsent, promise!" Nagdadasal na ako kay Lord ng biglang pumasok si Ma'am Tiongco. Narinig ata niya ang dasal ko at mukhang natawa pa siya.
"Ms. Bonifacio, don't worry, di kita aalisin sa ballet club. In fact, I have a good news for you. Something that would make you proud of yourself. I believe you heard about the 10th year anniversary of our school, right? Well, the president asked our club to be a part of the major production in which tayo din ang mag-oorganize. And the title of our play is Swan Lake. I know familiar ka sa ballet na yan so I Ms. Bonifacio, I want you to play the lead role of Odette. I guess, that's a good news right, Ms. Bonifacio?" Tuwang-tuwa naman itong binalita ni Ma'am Tiongco sa akin.
"Huwaaaaaaaaaaatttttttttttt Ma'am???? Di ka ba nag-jojoke?? Ako? Ako talaga? Ma'am pwede po bang pasampal? Ako, magiging lead performer? Kaygaling naman!" Tawa ng tawa si Ma'am sa reaksyon ng mukha ko. Masayang-masaya kasi ako na skeptic na ewan. Kung pwede nga lang na mag-split at mag-tumbling ako sa harap ni Ma'am nagawa ko na. Para akong nasa Dreamland. Para akong nililipad sa air dinadala sa cloud 9. Ang saya-saya ng feeling ko. Naalala ko tuloy yung kabataan ko kung saan ayaw na ayaw ko mag-ballet.
---------------------------------------------------------FLASHBACK------------------------------------------------------------
"Mommy, ayoko nga kasi mag-ballet, ayoko please......." Umiiyak ako na nagsasabi at nakikiusap kay Mommy na wag na akong ipasok sa ballet class na yun. 8 years old lang ako at ang gusto ko talagang gawin ay mag-skateboard. Pangarap kong maging si Eliana Sosco. Maganda na, sexy pa at ito ang matindi magaling mag-skate. Grabe! Siya talaga idol ko hindi di Lisa Macuja no?
"Pag nag-ballet ka ibibili kita ng bagong skateboard." Si Mommy talaga alam na alam niya makakapag-pasaya sa akin.
"Promise, Mommy?" The skeptic Jac strikes again. Here we go doubting Jac!
"Yes anak, promise!" Promise ni mommy sabay taas ng right hand niya. At doon na nagsimula ang pagsasayaw ko ng ballet pero hindi pa din ako napigilan ni Mommy na magskate at tinupad niya ang pangako niya na ibibili niya ako ng skateboard. At hindi lang basta skateboard, brand Zero, one of the best brands ever ng skateboard at may autographed pa ni Tommy Sandoval.
-----------------------------------------------------------BACK TO REALITY--------------------------------------------------
Tuwang-tuwa akong lumabas ng room ni Ma'am Tiongco. Didiretso muna ako sa gym para tingnan si ate kung ok na siya. Habang naglalakad nakita ko ang bestfriend ko na si Thor.
"Payatttttttttttttt!!!!!!!!!!!! May sasabihin ako sa'yo." Sigaw ko kay Thor. Kahit ganyan ang pangalan ng bestfriend ko, machong-macho eh payatot talaga yan.
"Di mo kailangan sumigaw, Jac. Ano ka ba?" Mahinahong sabi sa akin ni Thor.
"May ibabalita ako sa'yo payatottttt!" Excited na akong sabihin sa kanya yung good news ko. Bukod kasi sa parents at ate ko, isa siya sa mga binabalitaan ko ng masasayang balita at yung isa pa ay si Jim, kaso wala na siya.
"Anong ibabalita mo? Bilisan mo at may gagawin pa ako. Pupunta pa ako ng library, tatapusin ko pa research paper natin sa English tapos may kailangan pa akong tapusin sa aming drama club. Ano na? Anong sasabihin mo?" Tuloy-tuloy niyang sagot. Eh paano ko ba naman masasabi sa kanya ang gusto kong sabihin eh ang haba-haba na ng sasabihin niya.
"Hay, mamaya na lang. Punta ka sa bahay ha. Magpapa-pizza ako. We need to celebrate,payatot! Bye!" At naglakad na ako na ako palabas ng hallway. Kakatamad magkwento. Makauwi na nga lang mukha namang tapos na din ang audition ni ate. Di ko na din siya makikita at mapapanood. Naglalakad na ako palabas ng school ng bigla ba namang bumuhos ang malakas na ulan. Pag minamalas ka nga naman. Tumakbo na ako palabas ng school at nagmadali papuntang shed. Duon na lang ako maghihintay ng sasakyan pauwi. Habang naghihintay, napansin kong may katabi na ako. Si kuya pala, na kasabay ni ate sa audition. Babatiin ko sana siya kaso napansin ko na may luhang tumulo sa mata niya. Umiiyak si kuya.
BINABASA MO ANG
Finding Ms. Destiny
RomanceJust when you thought your search is over because you finally found her, will then you'll realize that opening your heart to pain has just begun.