Knowing each other / >.<

36 0 0
                                    

''Eto naaah '', paanas na sabi ni Lyca.

''Alam mo? para tayong timang'', iritang sabi ko.

''Huwag ka ngang mag-ingay diyan! mapansin pa tayo niyan ih >.<'', sabi niya kasabay ng pag-gulong ng kanyang malalaki ngunit bagay na mga mata.

''Tsss, eh ikaw nga diyan walang tigil sa kadadaldal'', pairap kong ganti.

Ang pinagkakaabalahan lang naman po namin ngayon... ay ang pagmasid sa halimaa... este gwapong halos ika-baliw namin ni Lyca... ay teka, wait, sinali ko ba sarili ko? Hmmm *nag-iisip* kyaaaah!!! hindee!!!... hindi ko sinali ha ? Wala kang nabasa. *pout*

''Aaah!!!, bespren... aray ko yung feys ko!'' sabi niya.

Oo, kaibigan at best of friends ko yan. Napakaingay, madaldal, pero siyempre mabait. Ngayon nga lang medyo tahimik, may pinagmamasdan kasi, ngunit hindi pa din niya maiwasan ang pagka may ADHD niyang behavior, kaya yan nangyari, nadapa HAHA.

''Bleeh buti nga sayo'' sabay lapit sa kanya.

Nandito kami sa may tabi ng daan na may malalagong halaman na siyang aming pinagkukublihan.

''Tulungan na nga kita, makita ka pa niyang HEAVEN BY YOUR SIDE mo!'', tatawa tawa kong sabi.

Nagpunta na ako sa harap niya at inaalalayan ko na siyang itayo, ngunit bumibigat siya.

''Hay naku bespren mag-diet kana kaya? ambigaa... ay ampuuu...'', nagulat ako dahil sa malamig at nakaka aliw na boses galing sa may likuran ko, hindi ko namalayan na may tao na pala... pag lingon ko o_O, mhay Ghad... sugo mo ba siya panginoon para tulungan si Lyca na makatayo?, ako na lang sana nadapa kung magkagayon. Gudness anghel!!!

''Hi, need help?'' tanong niya na parang sinusuri ako.

''Pa-ingle-ingles pa! Psh '', murmured ko.

''Ano ka ba?!, ito na yung pagkakataon na mapansin ako... tayo! e in-apply mo nanaman yang pagka-suplada mo'', bulong niya sabay kurot sa tagiliran ko.

May pagka sungit talaga ako kung minsan, aywan ko ba kung bakit, pero madaling mapahiya even in a small matter.

Lumapit nga siya nang lumapit sa amin. May napapansin lang talaga ako, kanina pa siyang parang scientist dahil sa mga titig niya sa akin na animo'y isa akong experiment. Ngunit biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

''What?!'',masungit na tanong niya habang nakasalubong ang mga kilay.

Nag iba pati tono ng boses na kanina lamang ay tila musikang umaaliw sa pandinig.

''I said, what!!!'', madiin at medyo pagalit niyang tanong.

Nakanganga si Lyca at mataman pa ding minamasdan ang mukha ng masungit na nilalang na 'to, at ako nama'y parang magkakasugat na ang aking katawan sa talim ng titig niya na dahilan ng hindi kaagad pag response sa stimuli na nanggagaling sa alien na 'to, kaya ni isa sa aming dalawa ay walang nakasagot sa kanya.

''WTH!!!, are the two of you were an Embicile?!'', he asked in a sarcastic voice.

Napatayo ako bigla na dahilan ng pagka tumba ni Lyca, dahil nalimutan ko na nasa kandungan ko siya upang alalayan ko sanang tumayo at hinarap ko ang halimaw na 'to ng matuwid. Tutulungan ko pa sana si Lyca pero mas nangibabaw ang inis ko, tinawag kaming imbisil na kahit pipi ay hindi ako pinagsabihan, aba! aba! samantalang 'tong taga pluto, na kaya siya nandito'y naglaho na ang planetang kinabibilangan niya at may balak pa yatang maghasik ng kasungitan. Nangangatog na ang mga tuhod ko at tila umuusok sa inis ang lahat ng butas sa ulo ko, ngunit tila nagbikig ang lalamunan ko at 'di ako makapagsalita.


False Candid  (REVENGE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon