1

7 0 0
                                    

"Pssst"

"Oh. Maka-pssst ka naman!"

"Hehe. Eh ano tatawag ko sayo."

"Hmmm."

"Psssst"

"Teka. Nag-iisip ako."

"Hmmmm. Mmmm. Aaah."

"Pinag-iisipan ba talaga iyan? Wala ka bang pangalan...dati?"

"Ssshhh"

"Mmmm. Angel na nga lang. Hirap mag-isip."

"Labo mo. Pero teka, nasaan ba ako? Patay na ba ako? Pero hindi ikaw si San Pedro eh. Ibig sabihin hindi ito langit. Hmmm. Purgatoryo ba ito?"

"Medyo"

"Ha. Anong medyo? Wala ka namang sinagot sa mga tanong ko eh."

"Medyo patay ka na. Pero hindi pa naman talaga."

"Ang labo mo talaga. Para kang ilog sa amin."

"Yuck"

"Ano nga? Ito na ba iyong paglilitis? Sa empyerno ako ano?"

"Naks alam na alam mo ah. Ang tibay"

"Narito ka sa Emetia."

"Emetia ano 'yon. Wala namang ganoon eh. Loko ka ba? Bakit ako nandito? Bakit ka nandito? Mag-isa ka ba dito? Diwata ka ba rito?"

"Hmmm...you can call me like that"

"Naks. English yun. Tao ka ba dati? Anong lahi mo? Teka nagtatalog ka, Pinoy ka rin?"

"Hindi ko na alam eh. Hehe. Pero naiintindihan ko lahat ng salita. Nakakatatlong kaso na ang nahawakan ko. Iyong una ay Espanyol at iyong sumunod naman ay Japanese"

"Oh? Nasaan na sila ngayon? May mga kasama ka ba dito? Teka sabi mo hindi mo na maalala ang buhay mo sa mundo ng tao?"

"Nandiyan din sila sa paligid. May mga kausap din na katulad mo. Nakikita namin ang isa't isa pero kayo ang mga taga-gabay niyo lang ang makikita niyo..."

"...Oo ganoon talaga. Pag nandito ka na. Makakalimutan mo na lahat. Wala nang emosyon. Tsaka hindi ka na rin magugutom. Pero kumakain kami ha. Ayan oh madaming tsokolate. Oh my bake mac din! Pero nakalimutan ko na kung anong paborito ko. Pare-pareho lang naman ang lasa..hahaha"

"Huh! Ganun? Nasaan ang baked mac at tsokolate diyan? Niloloko mo lang talaga ako eh....aray! Ouch! Ano yun? May bato ba? May tumama sa ulo ko"

"Ooops. Huwag kang malikot. Nabangga mo iyong brunette diyan sa kanan mo. Medyo masungit. Pinapagalitan iyong gabay niya. Teka. Ang astig niya mag englis. Haha"

"Teka sabi mo wala kayong emosyon. Bakit ka tumatawa. Tsaka kasalanan mo kung bakit ako nauntog. Sabi mo may pagkain, asaan?"

"Naks nagsungit din. Gaya- gaya talaga ang mga Pinoy...hahaha"

"Aba't..."

"Oooops awat muna. Kasi pag tumatawa kami katumbas din naman noon ay malungkot, natatakot, nagulat. Ganoon. Nage-gets mo ba? Pare- pareho pa rin ang nararamdaman namin kahit na anong emosyon ang ipakita namin..."

"...tungkol naman sa pagkain. Isipin mo kasi. Ganoon iyon. Iniisip lang namin lahat. Kung gusto ko ng Ice cream iisipin ko lang. Ganun. Kaso ganun naman ang lasa parang tubig, parang hotdog, parang pandesal, parang... aah basta lahat. Pero hindi naman kami nagsasawa. Nasabi ko na sa 'yong pare- pareho pa rin ang damdamin na no matter what di ba? Naks english yon. Nakakahawa kasi iyang katabi mo. Haha"

"Teka. Ang hirap naman nun. Masaya ka naman ba- aaay teka mali pala. Hmmm teka, bakit hindi ko alam ang pangalan ko? Magpapakilala na dapat sana ako sa'yo eh. Bakit nationality ko lang at ilog na madumi ang natatandaan ko?"

"Haha. Eh trademark ata iyon ng bansa mo eh"

"Hoy di ah. Madami din kaya ang magagandang lugar doon."

"Oo na nga lang. Tungkol sa pangalan mo. Kasama iyon sa magiging misyon mo."

"Misyon? Anong misyon? Bakit ako may misyon?"

"Kanina ka pa umaarangkada ng tanong. Di ko tuloy masagot lahat. Dami eh. Oo nga may misyon ka kasi po may nalabag kang batas ng oras. Ang mga nangyari ay hindi dapat nangyari pero nangyari na. Di ba nga God's always in control? Pero sa mga ganitong kaso, masyadong nakakagimbal, masyadong malungkot. Alam mo iyong nakagawa ka ng maraming kasalan sa iisang galaw mo lang pero hindi mo naman sinasadya ganoon? Parang domino effect lang sa oras..."

"Hindi ka naman maaaring mapunta na lang sa impyerno pero hindi rin sa purgatoryo, lalo na sa langit."

"Huh? Pano. Teka...saglit mag- iisip ako. Bakit ganoon wala talaga akong maalala!"

"Hay naku ang kulit mo kasi. Sabi nang kasama iyon sa misyon mo."

"Teka masyado ba akong malapit sa brunette? Ilayo mo ko kunti. Ok na? Yung brunette."

"Bakit yung brunette? Malayo ka na nga. Di ka na mauuntog dun."

"Tinanggap ba niya iyong misyon?"

"As if naman may choice siya"

"Ganun wala kaming choice? Madami ba kami? Eh kayo?"

"Hmmm medyo madami ngayon. Lima kayo eh. Kami. Medyo dumami rin. Nasa pito na."

"Huh! Madami na iyon? Eh nabibilang lang naman sa daliri eh. Labo mo!"

"Ito na nga iyong pinakamadami eh. Rare cases lang naman kasi kayo. Nariyan naman si Papa God eh. Kaso iyong sa inyo kasi. Aahhh basta hindi ko ma- explain!"

"Oh eh di nasubaybayan mo ang nangyari sa akin? Alam mo ang totoong pangalan ko? Sabihin mo na lang para wala nang misyon misyon"

"Sa tingin mo iyon lang ang dahilan kaya ka may misyon? Hindi uy!"

"Ha? Hindi ba. Eh ano naman?"

"Iyong mga nangyari. Marami kang choices kung ano ang gusto mong maging outcome...kung...mapagtatagumapayan mo ang misyon mo."

"Huh? Ganoon ba iyon. Teka diba kaya naman ni Papa God ibalik ang oras. Oh di ganun na lang."

"Hindi naman kasi ganoon yun eh. Maiintindihan mo rin ang lahat."

"Hindi ba pwedeng ngayon na? Eh ikaw, ayaw mi na bang maalala ang nakaraan mo. Ang mga tao sa loon nito at ang mga nangyari?"

"Mahalaga pa ba iyon? Hindi ba ang mahalaga ay ang ngayon. Bakit ko pa kailangan mabuhay sa nakaraan eh nadito na ako. At tsaka bumalik lang ako sa totoong nagmamay- ari sa akin, sa iyo, sa ating lahat."

"Ganoon ba talaga. Ganyan ka ba talaga? O baka sinasabi mo lang iyan dahil yan ang gustong iparamdam ng sarili sa iyo pero hindi naman talaga iyan ang totoong nararamdaman mo?"

"Hindi na mahalaga iyan. Hindi mo na ako katulad. Wala na akong nararamdaman, remember? Ay teka, mayroon pala, hindi ko nga lamang alam kung ano iyon."

"Lets say pinatulan ko iyang misyon misyon na 'yan. Paano naman pag hindi ako nagtagumpay. Dito na rin ba ako forever?"

"Change topic agad? Depende. Ikaw kung gusto mo dito. Oh kung paano mo ni- handle ang misyon mo, iyon ang basis kung saan ka mapupunta. Ganoon iyon."

"Ibig sabihin pupwede pa rin akong bumagsak sa empyerno?"

"Uhhuh. Pwede rin sa Langit. Pero iba pa rin pag nagtagumpay ka."

"Kasi ako ang may control kung ano ang gusto kong mangyari?"

"You can say that"

"Teka lang nadi- distract ako sa kaka- english mo eh"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Place in the WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon