Maligayang Pasko

11 2 0
                                    

Isa sa pinaka inaabangan ko taon-taon ang pasko. Isa rin ito sa pinakamasayang araw sa buong taon. Unexpected gifts. Unexpected happiness, plus sandamakmak na pera. Ngunit nagbago ang lahat simula nang lumaki ako.

Pagkarating ko sa edad na labing-dalawang taon. Nagsimula nag magbago ang lahat. Onti onti nang lumulungkot ang pasko. Wala nang mga regalong natatanggap. Pati mga ninong at ninang ko, tinataguan na ako. Pero, bakit nga ba mas masaya dati? Bakit hindi nalang ito nanatili?

Naalala ko dati, kasalo pa namin ang aming kapitbahay mag diwang ng pasko. Ipagdidikit namin ang mga lamesa para kasya kaming lahat. Nag iimbita pa kami ng iba't ibang tao at saka rin namin sila pakakainin. Mayroon ding mga palaro at bunutan. Pagkatapos no'n ay inuman. Kaso, sparkling lang pinapainom sa'kin.

Gusto ko sana redhorse.

Tahimik kong pinapanood ang aming kisame habang payapa akong nakahiga sa malambot na kama. Tulog pa silang lahat. Dati, ganitong oras ay nagigising ako sa malakas nilang tawanan. May mga bisita kami na nagsisidatingan. Ngunit ngayon, wala na, tahimik na.

Bahagya akong napabangon sa pagkakahiga. Pinagmasdan ko ang kapatid kong mahimbing na natutulog, akap-akap ang paborito niyang unan.

If only I can do something else, just to stop this sadness.

Gaya nga ng aking ginagawa tuwing umaga'y dumiretso na ako sa kusina at pinuno ng tubig ang takore. Malamig ang tubig at wala naman kaming heater kaya tamang init lang ng tubig.

Pumunta ako sa kwarto nila nanay upang tingnan kung gising na sila.

Himala... ang aga ko atang nagising ngayon?

Masyado atang napasarap ang tulog nila, ah?

Bumalik na ako sa kusina nang marinig na sumipol na ang takore hudyat na kumukulo na ang tubig. Kinuha ko na ang takore at dumeretso na sa cr isalin ito sa balde. Ang natira naman ay isinalin ko sa termos para mamaya kapag naisipan kong magtimpla ng kape.

Ngayon na ba talaga ang araw ng pasko? Bakit hindi ko man lang maramdaman? Parang isang normal na araw ko lamang ito.

Naligo na ako. Habang naliligo'y hindi ko mapigilang mapaiyak kasabay ng pagbuhos ko ng maligamgam na tubig sa aking katawan. Please be happy, self.

Pagkalabas ko ng cr ay bumungad sa akin ang nanay kong nagkukusot pa ng mata. Nagtataka siyang napatingin sa akin.

"Oh, ang aga mo ata? Anong ganap, aalis ka?" patuloy pa rin sa pagkusot ng mata.

Ma, pasko na mamaya. Hindi niyo ba alam?

"Nanlalagkit na po ako." tumango lamang siya.

Hindi ba man lang namin ipagdidiwang ang pasko? Kung kailan kompleto kami at wala silang trabaho? Kung kailan ngayon nalang kami nagsama sama. Akala ko masaya na.

Agad akong nagbihis at nag paalam na kay mama na aalis. Kakayod ako ngayon para sa pamilya ko, para may pang bili naman ako ng pagkain at ma-ipagdiwang namin ang pasko.

Maligayang pasko. Kailan ba liligaya ang aming pasko?

Akala ko masaya na ang nakaraang pasko. Umaga pa lang ay may mga ngiti na sa kanilang labi, at masaya silang nag luluto para sa aming lahat. Mapagbigay ang aking mga magulang kaya nag iimbita pa sila ng mga kapitbahay sa'min tuwing pasko at saka pinapakain. Binibigyan niya rin ang mga nasa squater's area.

Ngunit saktong pasko, biglang inatake sa puso ang lola ko. Isinugod namin siya sa ospital, ngunit hindi na niya kinaya. Binawian na siya ng buhay.

Kaya naiintindihan ko kung bakit malungkot sila ngayon. Pero, hindi ba mas masaya kapag ipinagdiwang ang pasko at tanggapin nalang lahat ng nangyari? Dahil kung nandito si lola, hindi niya hahayaan na maging malungkot ang araw na ito.

Ngumiti ako habang binabati ang mga customer na pumapasok. Sinuklian din nila ako ng ngiti at masayang nag order kasama ang buong pamilya. Ang saya nila.

Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho hanggang sa nag gabi. Parami na ng parami ang mga masasaya at buong pamilya. May umalis na at nagpaalam sa 'kin dahil kailangan pa daw niya tulungan ang nanay niya mag luto para sa pasko.

Nilagay ko na sa locker ang gamit ko nang natapos na ang shift ko.

"Sa'n kayo mamaya?" nakangiting tanong ng katrabaho kong si Aria.

"Sa bahay lang."

"Maganda sa bahay mag pasko lalo na pag kompleto ang pamilya. Merry Christmas!"

Nginitian ko lang siya.

"Sige na, alis na ako sa Tagaytay kasi kami mag papasko, e."

Napagtanto ko kung gaano siya kaswerte. Kasama ang pamilya niya, masaya, at sa Tagaytay pa sila mag papasko. Samantalang kami, hindi ko na alam. Pero, pipilitin ko nalang ang sarili kong sumaya. Kahit onti lang ang aming handa, basta kasama ko ang pamilya ko, masaya na ako.

Mapait akong napangiti habang naglalakad pauwi, bitbit ang mga pinamili kong pagkain para sa aking pamilya. Buti nalang at may pa-christmas bonus na ibinigay sa amin, kaya marami rami na din ang nabili ko. Pu-pwede ko ring bigyan ang kapitbahay namin.

Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang gate ng bahay namin. Bakit parang madilim ata?

"Ma? Pa? Gab? Bakit 'di niyo binuksan ang ilaw? Nakakahiya sa kapitbahay nating may christmas lights."

Pinihit ko ang doorknob at binuksan na ang ilaw. Malinis ang buong sala at wala nang mga kalat. Naglinis si Mama?

Inisa isa ko ang bawat kwarto pati na rin ang palikuran ngunit ni-anino nila'y wala akong nakita. Nasaan na sila?

Iniwan nila ako? Nagpasko ba sila sa Tagaytay? Batangas? Sa Maynila? Nagpunta ba sila sa magagarang restaurant tapos nakalimutan nilang anak nila ako kaya hindi nila ako inintay? Anak ba talaga nila ako? Baka ampon lang ako?

Madaming pumapasok sa isip ko. Bigla kong naramdaman ang pagbalot ng kalungkutan sa aking katawan. Nangingilid na ang luha sa aking mata nang buksan ko ang ref. Walang kalaman laman.

Nilagay ko ang cake at ice cream na binili ko. Bumili din ako ng pansit at balak ko pa sana magluto ng carbonara. Ako ba ang uubos ng lahat ng 'to? One week supply ko na ba 'to?

Hindi ko mapigilang isipin na baka nagpunta sila sa magarang hotel o park. Na baka doon nila naisipang ipagdiwang ang pasko nang hindi ako kasama. Baka may hinanakit sila sa akin? Napulot lang ako sa tae ng kalabaw at bigla silang nagsisi na kinupkop nila ako kaya nila ako iniwan.

Lumabas ako ng bahay at nagpahangin. Kasabay ng pagpikit ko, tumula na ang kanina ko pa pinipigilan na luha.

Mahal na mahal ko kayo kahit na ayaw niyo sa akin.

Dumilat na ako. Nanlaki ang aking mga mata ng napagtanto kong pinapalibutan ng ilaw ang bahay namin. Kumpara sa christmas lights ng kapitbahay namin, ay walang wala ito sa bahay namin.

May christmas lights ang bahay namin?

Muli akong pumasok ng bahay. Tuluyan na akong napaiyak ng sinalubong ako ng ngiti ng aking pamilya.

"Merry Christmas, anak."

Niyakap ako ng kapatid kong si Gab hanggang sa niyakap na din ako ng buong pamilya.

Si Kuya Kai, Ate Kim, ang bunso naming si Gab, si Papa, at si Mama.

"Ma, akala ko iniwan niyo na ako," naiiyak kong saad.

"Ikaw, iiwan namin? Baka ikaw ang nang iwan sa 'min?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mama.

"Masyado ka kasing madrama. Paalis alis ka ng bahay, hindi mo kami tinulungan maghanda. Jusko kang bata ka!"

Overthinking sucks.

"Osiya, tara na sa loob at kakain na!"

Nakangiti kaming pumasok sa loob ng bahay. Napapikit ako at dinama ang gabing ito. Akala ko malungkot na pero may isasaya pa pala. Kung ano ano kasi ang naiisip ko.

Dumilat na ako. Nagulat ako ng bumungad sa akin ang kisame ng kwarto.

---


One-Shot Stories: Chaotic UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon