A Mother's love is patient and forgiving when all others are forsaking, it never fails or falters, even though the heart is breaking
-Helen Steiner RiceHappy Mother's Day to all the Mothers out there!
---
"Oh, anak! Kain ka muna!"
Ngumiti siya sa'kin habang pinupunas ang dalawang kamay sa apron niya. I rolled my eyes at her and I lazily went upstairs.
I hated it. Sa tuwing uuwi ako, nakaabang na siya sa'kin at pinipilit na kumain ako. Dahil pagod raw ako at baka mag-kasakit dahil sa gutom. Duh. Hindi ako uuwi nang gutom.
Humiga ako sa kama at nag-basa ng libro. Nasa kalagitnaan na ako ng pag-babasa at nag-e-enjoy na talaga ako nang marinig ang katok mula sa pinto.
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Maricris. "Anak, heto oh. Dinala ko na pagkain mo para 'di ka maistorbo sa pag-aaral mo. Kainin mo na habang mainit pa."
I rolled my eyes again before closing the book. Nagtalukbong ako ng kumot at humiga patalikod sa kanya.
"Anak, kain ka na baka mamaya mawalan ka ng-"
"Kumain na ako."
"Pero, anak baka mamaya-"
"Fuck, just leave it there!"
Why can't she shut her mouth?
"Renzo, nanay mo 'ko. Respetuhin mo naman ako."
Napabangon ako sa sinabi niya. "Me? Respect you? Asa!"
Padabog akong umalis at iniwan siya. Baka nakakalimutan niya ang ginawa niya dati?
My father left us. Walang pasabi. Walang paalam. Basta basta niya nalang kaming iniwan. At masakit 'yon para sa'kin kasi mahal na mahal ko ang tatay ko. Everything has to do with my Mom.
Hindi ako umuwi nang gabing 'yon. Nakitulog nalang ako sa barkada ko dahil hindi ko kayang umuwi at baka kung ano pa ang masabi ko. I'm fucking tired of her shit whenever she cries, kasi sinisigawan ko daw siya. She's such a hypocrite.
It was three o'clock in the afternoon when our prof dismissed the class. Diretso locker kami ni Alex para mag-palit ng jersey.
"Pre, liligawan ko si Jen. May advice ka ba?"
Nanlalaki ang mata ni Alex sa tanong ko.
"Aha, gago! Ikaw manliligaw? Akala ko ikaw nililigawan?!"
"Pano ko magiging jowa si Jen kung 'di ko siya liligawan?"
He smirked. "Edi ikaw ang magpali-"
"Hindi nga ako gusto tas siya manliligaw?" Ngumiwi ako at tinapik siya sa balikat. "Lalaki tayo. Dapat ang mga lalaki ang nanliligaw."
He scoffed. "'Di mo ko basher, fafi. Pero coming from you?" Siya naman ngayon ang tumapik sa balikat ko. "I think you should respect your Mom."
I didn't say a word. Malungkot siyang ngumiti at iniwan na ako. Oh, this guy. Nangengealam na naman, amputa.
Hindi ko kinibo si Alex buong training. And also, Alex is my cousin. Kaya alam niya ang problema ng pamilya ko. He's always like that. Palagi nalang akong tinatama sa mga kamalian ko. Edi siya na mabait. Edi siya na perpekto.
When I got home, my Mom welcomed me again with a smile. Hindi ko ulit siya kinibo at umakyat nalang sa kwarto ko. Pano niya nagagawang ngumiti? Pano niya nagagawang maging masaya?
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories: Chaotic Universe
RandomA so chaotic compilation of one-shot stories The cover is not mine, credits to the rightful owner.