40

268 9 0
                                    

3 years ago

seungwoo

"lei i'm sorryㅡ"

("that's it seungwoo, i had enough! pinaghintay mo ako rito sa restaurant for an hour pero sasabihin mong hindi ka makakapunta?!")

nailayo ko ang cellphone ko sa tenga nang marinig ko ang boses ng girlfriend ko. hindi ko rin naman siya masisi, it's our fifth anniversary today at hindi ko siya sinipot sa date namin.

("sana naman hindi ka nalang nag-aya ng date ngayon kasi alam mo namang busy ako sa pag-aaral diba?")

hindi ako nakasagot sa tanong niya. nakokonsensiya kasi ako. she cleared up her schedule for me at sinayang ko lang 'yun. napakalaking gago ko.

pero there was an emergency too.

"lei can you hear me out for a sec? nagkaemergencyㅡ"

"you and your stupid reasons!"

napaupo ako sa semento habang iniisip ang mga pangyayari kanina. biglang nagcollapse si mama at sobrang kinabahan ako kaya agad ko siyang dinala sa pinakamalapit na ospital. ni hindi ko pa nga nasuot ang isa kong sapatos sa sobrang pagmamadali at tanging sando at boxer lang din ang suot ko.

"leira si mama kasi."

("dinamay mo pa si tita sa excuses mo.")

leira si mama kasi...

hanggang ngayon ay hinhintay ko pa ang resulta mula sa mga doktor na kasalukuyang nagchecheck kay mama sa loob. pero mukhang hindi maganda ang resulta.

"lei..."

gusto ko sanang humingi ng yakap. hindi ko kayang maiwan kami ng mama ko.

("bahala ka, hindi tayo bati.")

binabaan ako ni lei ng tawag kaya naibulsa ko nalang ang cellphone ko.

i buried my face on my palms.

nababaliw na nga ako sa kakaisip kay mama, pati pa kay leira.

nagulat ako nang may pumatong ng isang ballpen at notebook sa mga paa ko. tinaasan ko ng kilay ang isang babae na hindi nakatingin sa akin pero nakaturo yung kamay niya sa mga salitang nakasulat sa likod na pahina ng notebook.

'hi stranger, i won't tell you my real name but you can call me toothless'

hindi ko siya pinansin at itinabi ang notebook at ballpen pero agad niya itong ibinalik sa akin.

"pwede ba miss, wag kang feeling close? kita mong may problema yung tao eh."

hindi siya sumagot at nanatiling nakaharap parin ang pagmumukha niya sa kabilang side ng kalsada pero gumagalaw naman yung mga mata niya para matignan ako.

'sige na reply ka na, bawal iseen'

'it's bad to talk to strangers pero hindi naman siguro masama ang write to strangers diba haha'

'you seem uhm...'

'hopeless and sad'

'spill, i have been there too'


ano bang alam ng babaeng 'to?!

gusto ko sana siyang sigawan pero baka pipe at binge pala siya.

kinuha ko ang ballpen at notebook tsaka siya sinagot.

'you don't need to know. please get away from me, i'm a stranger'

nairita ako nang makita ko siyang ngumiti at lihim na pumalakpak.


'nagreply ka haha'

'ang gwapo ng penmanship mo stranger'

teka sino nga ulit 'to?

toothless? kapangalan niya yung paboritong dragon ng ate ko

'maganda yung may pagsasabihan ka keysa ikimkim mo lahat ng yan diyan sa loob'

'tsaka di ko naman to ipagkakalat eh


nung una medyo hesitant pa ako sa pagkwento pero tama, wala naman siyang ichismis na ikakalat kasi di naman kami magkakilala.

hindi ko nalang namamalayan na susumusulat ako pabalik. nang tinanong ko siya tungkol sa pangalan niya ay may bigalang boses sa malayo na tumawag sa kaniya.

"anak!" napalingon ako sa babae sa may pintuan ng ospital.

"nay!"

"zoe anak kilala mo ba 'yun?" rinig kong tanong ng mama.

"h-ha? hindi nay. s-stranger kaya 'yun."

hindi ko alam kung anong nakain ko pero napangiti ako habang nakatingin sa bulto ng mag-ina na papasok sa loob. kinuha ko ang naiwan niyang ballpen at notebook tsaka may isinulat.


'zoe pala ang pangalan mo.'


keeper (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon