zoe
"naku siszt pag hindi na tumawag sayo 'yang kapatid namin, may iba na 'yan" sabi ni sunhwa kaya naman binato siya ni chowon ng unan.
"boba ka talaga unnie, malay natin busy talaga sa trabaho si seungwoo oppa," ani chowon.
napabusangot ako nang marinig ang sinabi ni chowon. busy? sa ilang buwan naming magkasama, lagi naman 'yung nagbibigay panahon para sa akin. at bukas magi-isang daang araw na kami pero wala man lang akong natanggap na text o chat.
"okay okay. cheer up lil sis, baka busy lang talaga."
baka... baka busy nga lang talaga.
"o mamaya muna 'yang chikahan niyo, kainin niyo muna itong inorder ko para sa inyo."
"yeeeey pizza!" excited na sigaw ni chowon nang inilapag ni mrs. han ang pagkain sa sqaure table na nasa harapan namin.
hinampas ni sunhwa si chowon. "hoy bata! magdiet ka nga muna!"
"heh! maganda parin naman ako kahit malaman!" depensa ni chowon sabay kuha na ng piraso sa pizza.
"salamat po dito tita," sabi ko sa mama nila.
she smiled at me as response.
"ma, grabe naman ang effort mo. umorder ka lang talaga? nagluto ka nalang sana," maktol ni sunhwa.
"eh paano ba 'yan hindi kasya pera ko para bumili ng ingredients. mas tipid pag luto na agad," sabi ni tita.
"ma bakit wala kang pera? nagpapadala naman si kuya at may trabaho naman si ate ah," tanong ni chowon.
"eh kasi ginastos ko lahat para sa gluta mo! itong batang 'to!"
"EOMMA HINDI AKO NAGGLUTA HA! LAGLAGAN BA NAMAN?!"
napatawa nalang kami sa reaksiyon ni chowon. oh well, hindi naman namin siya masisisi. bata pa nga naman kasi siya at nagdadalaga.
"osige, maiwan ko muna kayo dito."
pagkatapos umalis ni tita sa sala ay nagkwentuhan kaming magkakapatidㅡteka ang advance ko na ba? okay, mga kapatid ni seungwoo at ako nalang.
sumapit na ang gabi at hindi parin dumating si seungwoo. akala ko ngayon talaga siya dadating eh, kaya nga inaya ako nina sunhwa na mag sleepover sa bahay nila.
"baka busy lang talaga 'yun," sabi ni sunhwa nang patulog na kami.
nandito ako sa kama ni sunhwa at syempre dito ako matutulog. malaki rin naman ang space. medyo feminine at lady-like nga lang 'yung kwarto niya, pero komportable naman.
"hey zoe, okay ka lang ba?"
tumango ako at dahan-dahang ipinikit ang mga mata ko.
"sure ka ba?"
"oo. baka napagod lang, ang daldal niyo naman kasi ni chowon. tsaka kung ano pang ginawa natin kanina, napagod nga siguro ako" sagot ko nalang.
sabay kaming napahikab kaya napatawa kami pareho.
"good night, lil sis."
"good night, big sis."
***
naalimpungatan ako nang maramdaman kong may gumagalaw sa tabi ko.
malikot ba talaga si sunhwa matulog? sa pagkaalala ko, hindi naman.
iminulat ko ang mga mata ko at hindi ko inaasahan na ang bumungad sa akin ay walang iba kundi ang taong kanina ko pa hinihintay.
nakaupo siya sa tabi ko at may hawak na bimpo. "may sinat ka, di ka man lang pumunta sa ospital."
"sinat lang naman pala, bakit kailangang pumunta sa ospital pa?" sarkastiko kong sagot na patanong.
bumangon ako. itinapat niya ang likod ng kamay niya sa noo ko pero agad ko itong hinawi. "bakit ngayon ka lang?"
hindi siya sumagot kaya hindi ko rin napigilan ang mapairap. "tch."
humiga ako ulit at itinaklob ang kumot sa akin. tinalikuran ko siya at hindi na siya kinibo pa.
"sorry na," panglalambing niya.
heh, di niya ako madadala sa mga ganiyan.
naramdaman kong lumubog ang gilid ng kama ko. atsaka may mabigat na bagay na pumatong sa ibabaw ng tiyan ko.
"sorry na zoe," malambing uling aniya.
hinigpitan niya ang pagyakap sa akin kaya napabangon uli ako at sinipa siya paalis sa kama. lumikha naman ng tunog ang pagkahulog niya.
"aray!" daing niya ng malakas kaya agad kong binalingan ng tingin si sunhwa na nasa kabilang gilid ko.
mahimbing pa naman ang tulog ata nito.
binalikan kong muli si seungwoo na kasalukuyang hinihimas ang likod at pwet niya.
"ang lakas mo naman, para kang walang sinat eh."
"ang kulit mo naman kasi. pumunta ka nga sa kwarto mo, nanggugulo ka ng tulog eh," naiinis kong tugon.
"ihatid mo muna ako," sabi niya.
"hindi ka naman bata eh, kaya mo na yan."
"sige na please," paglalambing niya.
ano ba naman 'yan, kay laking tao, kay tandang-tanda na, naglalambing pa na parang bata.
i sighed and nod. then i got out of bed. sinamahan ko siya hanggang sa pinto ng kwarto niya.
"o ayan, nandito na tayo. pwede na ba akong matulog muli?" tanong ko.
"teka, hindi mo pa naman ako hinahatid sa loob."
"okay okay para matapos na. gusto ko ng matulog please," sabi ko nalang.
binuksan ko ang pinto niya at nauna na akong pumasok. madilim pa kaya naisipan kong buksan ang ilaw pero bigla akong may napansin.
there was a light shaped like a number by the wall at the back of his bed.
'100'
what's this?
before i could literally find the answer to my own question, a cold breath of sound run down to my spine. "happy 100th day, my keeper."
after he whispered that, the lights were on and i was welcomed with a room full of more than a hundred roses.
i can't help but tear up as i eyed stolen pictures of me on the wall. i wanted to complain how ugly i was in these shots but i melted as a big caption beneath them says:
'even when you feel like the ugliest human being in the world, you will always be the loveliest and the most beautiful lady that han seungwoo has ever kept and will still keep forever.'
i was out of words for a second.
hindi ko mahanap ang boses ko sa sobrang kilig at saya.
i am so lucky with this man.
napatingin ako sa wall clock na nasa kwarto niya at napansin kong kaka- alas dose lang pala.
so, this moment really marked the dawn of our 100th day.
"happy 100th day han seungwoo. i thought you forgot about it."
"why would i forget? every single detail about us is worth remembering," he answered as he stared deep into my eyes.
"thanks for coming into my life, zoe. i love you."
he pulled me into a hug and kissed my forehead. then i wrapped my arms on his waist as i rested my head on his face as he swayed me into sweet motions.
"i love you too keeper."
BINABASA MO ANG
keeper (✔)
Short Story❝if i was not taken, would you have kept me?❞ ➶ ʜᴀɴ sᴇᴜɴɢᴡᴏᴏ x ʀᴇᴀᴅᴇʀ ᴇᴘɪsᴛᴏʟᴀʀʏ ➶ x1-ʀᴀᴜʟᴏ sᴇʀɪᴇs: sᴇᴄᴏɴᴅ ᴄʀᴀᴢᴇ started: 092119 ended: 111919 credits to @seungwooed for the book cover