zoe
"nasaan si seungwoo?!" bungad ko sa dorm nilang magkabarkada.
mukhang nagulantang pa sila sa biglaan kong pagpasok kasi nga naman hindi rin ako kumatok. napatingin ako kina wooseok at hangyul na walang suot na pang-itaas. kung hindi lang siguro magulo ang isip ko, pinag-appreciate ko pa ng lubos ang mga abs nilang kumakaway sa akin pero isang abs este isang tao lang naman ang pakay ko dito.
"nasaan si seungwoo?" ulit ko.
"sabi niya nasa dance practice daw siya eh," sagot ni dongpyo.
"ganitong oras?" tanong ni junho.
"aba malay ko dun kaninang alas singko pa nga nagpaalam yun," sabi pa ni dongpyo.
"narinig ko may kakausapin daw siya eh," dagdag ni hyeongjun.
oh shoot.
napasapo ako sa noo ko.
sabi niya nga pala hihintayin niya ako doon para magpaliwanag sa break up nila ni leira. pero bakit niya naman ako hinintay? isang oras na ata ang lumipas pagkatapos ng last subject ko.
lumabas ako sa dorm nila. si yohan naman nanatiling nakabuntot sa akin ng hindi parin nagsasalita na siya namang nakakapanibago. napipe na ba ang baklang 'to? o baka nag lq sila ni yuvin kasi sina yuvin at kookheon na madalas magkasama.
tumakbo ako papunta sa direksiyon ng dance practice room. naiwan ko naman si yohan na mabagal na naglalakad.
"zoe!"
nahinto ako ng tinawag ni yohan ang pangalan ko.
akala ko napipe na to eh. "oh?"
"bakit mo ba hinahanap si seungwoo hyung?"
last na talaga to lei.
"gusto kong magconfess sa kaniya na gusto ko siya."
"that's not you," sabi ni yohan.
natahimik ako ng ilang segundo pero pagkatapos nun ay tinalikuran ko siya at muling tinahak ang daan papuntang practice room. i was about to open the door when i felt a force on my hand.
hinila ako ni yohan paharap sa kaniya. "at ano namang sasabihin mo sa kaniya ha?"
"sasabihin ko na, hoi alam kong gago ka pero gusto kita! alam ko kaibigan lang talaga ang turing mo sa akin pero gusto kita. noong una pa crush na kita noong sumayaw ka. maharot na kung maharot ang sexy mo nung sumayaw ka eh. noong una akala ko crush lang talaga pero ikaw eh palapit ka ng palapit sa akin kaya yung puso ko laging nagkakarera sa sobrang kaba at kilig."
ang kaninang mukha ni yohan na seryoso ay napalitan naman ng nakakapang-insultong smirk.
"yan ang sasabihin mo?"
hindi ako agad na nakasagot kasi una sa lahat, tama. nakakadiri yung sinabi ko kanina. atsaka, bakit babae ba dapat nagconfess?
tama ba yung iniisip ko na magconfess nalang?
pero gusto ko ring malaman kung bakit ako binigyan ng hairpin na yun.
"pwede namang simpleng gusto kita nalang," suggest niya habang nakatingin sa likod ko.
tignan niyo ang lalaking 'to ako kausap pero di naman nakatingin sa akin.
"edi sige, gusto kita nalang. o ano? pwede mo na bang pakawalan ang kamay ko at magmomoment pa kami?"
magcoconfess pa ako eh, gago to panira ng moment.
pinakawalan ni yohan ang kamay ko na kaninang hawak niya. tumalikod ako para buksan yung pinto pero iba ang sumalubong sa akin.
"nagkaaminan na pala kayo."
"s-seungwoo..."
"huli na pala ako."
BINABASA MO ANG
keeper (✔)
Historia Corta❝if i was not taken, would you have kept me?❞ ➶ ʜᴀɴ sᴇᴜɴɢᴡᴏᴏ x ʀᴇᴀᴅᴇʀ ᴇᴘɪsᴛᴏʟᴀʀʏ ➶ x1-ʀᴀᴜʟᴏ sᴇʀɪᴇs: sᴇᴄᴏɴᴅ ᴄʀᴀᴢᴇ started: 092119 ended: 111919 credits to @seungwooed for the book cover