Tula#4

18 1 0
                                    

                  Hanggang Kaibigan

Araw-araw ika'y nasa puso't isip
Gabi-gabing laman ng aking panaginip.
Hindi makatulog dahil mukha mo ang nakaukit
Paulit-ulit kong naririnig,tinig mong kaysarap sa pandinig.

Sa unang araw sa pagpasok ko sa paaralan,
Isang panibagong yugto na naman.
Bakasyong hindi kumulang dalawang buwan.
Tulog at pahinga ay ang naging laman.

Una kong nakita,kislap ng yong mga mata.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng sadya.
Walang pakundangan ikaw ay nilapitan.
Nakipagpakilala-- tinanong ang iyong pangalan.

Naging malapit tayo sa isa't isa,
Tipong sikretong ko hindi nakasalba.
Naging sandalan kita sa oras ng problema,
Na naging dahilan ng pagkahulog ko sa iyo ng sobra.

Sa tuwing may kasama kang iba,naikuyom ko ang aking kamao.
Mahirap mang intindihin ngunit naninibugho ako.
Masakit tingnan dahil  masaya kayong nagtatawanan.
Ng ngayo'y sinasabi mong iyong sintang pangwalang-hanggan.

Marahil hanggang dito na lang ang paghuhumaling ko sa'yo.
Ayoko ng masaktan,madurog ulit ang puso.
Ngunit salamat dahil may aral akong natuklasan.
Na huwag ng umasa sa taong turing  sayo ay kaibigan lang.

-Shania

A/N:

(So na friend zone ka na ba?Hahaha bahala ka!)

AKDA ( ON-GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon