Tula#6

13 0 0
                                    

Tanga

Tanga ba ang taong nagmahal ng walang dahilan?
Tanga ba ang tawag sa taong nagmahal pero di sinuklian?
Tanga ba ang tawag sa taong nagmahal ng lubusan?
Kung oo, TANGA ako,nagmahal lang naman.

Hindi ko ninais na mahulog sayo.
Pinaparamdam mo kasi na importante ako sa buhay mo.
Hindi ko naman siguro kasalanang mahulog sa maling tao.
Kaya huwag mong isisi ang kasalanang hindi namin ginusto.

Pasensya na kung pinilit ko ang sarili ko.
Tao lang ako!may mata at may pagtingin sayo.
Nakakatawa kasi na laro lang pala ang tawag dito.
Edi sana naghanda ako ng p.e uniform para di matalo.

-Shania

A/N:

(●_●*)

AKDA ( ON-GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon