Read!!

10 0 0
                                    

Nakikita ko po na marami na pong mga tao ang nagpapakamatay dahil siguro sa bigat ng problemang dinadala nila. I hope makatulong ito sa kanila.

-------------

Gumagawa ako ngayon ng homework. Nakagawian ko nang gawin ito pagkatapos kong maglinis ng bahay at magsaing. Hindi ako nakatira sa puder ng pamilya ko. Andito ako ngayon sa puder ng lola ko.

"Ano ba naman tong sinaing!Mukhang valenciana.." rinig kong sabi ng tito ko,anak ni lola.

Gusto kong sabihin na "Edi sana kayo ang nagsaing para hindi kayo dyan magreklamo. Kakain lang naman kayo, magrereklamo pa!" pero hindi ko kaya .


Sino ba naman ako para sabihin yan! Nakikitira lang naman ako rito. Dito ako nakatira dahil yun ang sabi  ng magulang ko. Malayo ang sakayan ng jeep sa baryo kaya dito ako sa bayan nakatira.


Nakasanayan ko ng marinig ang mga pinagsasabi nila sakin. Pero okay lang. Iniiyak ko na lang ito sa banyo.


Minsan nakita ng lola kong nakabukas ang lagayan ng mga toothbrush. Pinaparinggan nya ko dahil akala nya ako ang nag-iwan nun.


Gusto kong sabihin na "Si tito po ang nag-iwan nyan dahil hindi pa naman ako nakakakain at nakasipilyo. Huwag nyo na po akong paringgan!Diretsuhin nyo na po ako" pero hindi ko na naman kaya.


Oo na,hindi ko kaya. Sabihin na nilang takot ako pero may dahilan ako kaya hindi ako lumalaban. Marahil may bagay akong dapat protektahan.


Mas pipiliin ko na lang manahimik at itago ang sakit kesa makarinig ng masasakit na salita at lumabas na parang ako pa ang may sala.

Minsan umiiyak ako sa loob ng banyo namin.Nakarinig na naman ako ng masasakit na salita galing sa kanila. Okay lang makarinig ng masakit na salita pero kung mismo galing ito sa sarili mong kadugo, ang sakit.

Yung may ginawa kang maganda,wala silang pakielam pero pag mali,may time sila para pagsabihan ka. Yung mali mo na naman ang nakikita nila!


Kaya sa mga taong nakararanas ng ganiyan,tibayan nyo po ang loob nyo. Ipakita nyo na matatag kayo . Ipakita nyo na kaya nyo ang mga bagay na akala nila hindi nyo kaya. Hindi po kayo nag-iisa.


Pagsubok lang po ito. Makakaya nyo po itong lagpasan. Marami pa pong nagmamahal sa inyo.

Please! huwag po kayo gumawa ng bagay na ikapapahamak nyo. Hindi po nalulutas ng isang problema ang isang problema. Nakakadagdag lang po ito ng sugat sa isang kagagaling lang na sugat.


Pray lang po!👧 Mahal po kayo ni Lord♡

-Shania

AKDA ( ON-GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon