❝I Fall In Love With My Gay Bestfriend❞
"Hoy lokarets! Ba't ka naman tulaley?" Bigla naman ako natauhan nung narinig ko yung Boses ni Zach.
"Ha? Ah wala wala" pagtatanggi ko at nilalaro laro nalang yung tinidor sa hapag kainan ko.
"Nako sisteret wag aketch, echosin mo pa aketch parang wala naman tayong pinagsamahan dai hahaha! Hula ko si Fafa Basti pa 'rin noh" Napabuntong hininga naman ako bago sumagot.
"Bakit ganun Beshy, pinipilit kong kalimutan siya pero bakit ganun talaga nasasaktan pa rin ako sa tuwing nakikita ko siyang masaya kay Ella dapat ako yon eh, dapat ako anh andun! Hmp" pagdadabog ko sa sobrang init at selos.
"Ay dai! Hahaha waley ka ng magagawa 'di na ikaw yung mahal eh magpapakatanga ka pa ba na magstay kay fafa Sebastian kung 'di naman ikaw yung mahal niya, lokarets ka sis ma iistress lang yang beauty mo" sabi niya habang busy pa rin sa paglalagay ng mga make at kung ano ano sa pagmumukha niya.
"Sabagay tama ka naman, tara nalang nga may klase pa tayo tama na munang ka echosan mo Jusmiyo kagwapong tao mas makapal pang make up kesa sakin" Tumayo nako at hinawakan kamay niya saka hinila siya.
"Hoy dai, wag ka nga iws pinagsasabi mo sa ganda kong 'to tatawagin mo lang akong gwapo nahiya ganda ko sayo sis myghAd" pagdadaldal niya habang naglalakad kami papuntang room.
Nung naglalakad kaming hallway nakasalubong namin sina Ella at Sebastian, nagkatitigan kami ni Basti at ewan nararamdaman ko pang mahal niya pa 'ko. Nung malagpasan na sila namin at nakarating sa room.
"Beshy?! Nakita mo yon?" Excited na sabi ko sa kanya.
"Yung alin te? Yung hotness ni Fafa Basti or yung kalokang Ella the sulutera?" Tawang tawa niya sa nickname na ginawa niya kay Ella, paano ba naman Ella the sulutera kasi we used to be a sister na talaga bestfriend na sobrang close siya yung always nandiyan kapag may problema kami ni Basti taga advice taga pagbati samin tapos magugulat ako nung nagbreak kami ni Sebastian 3days after sila na sinong 'di mang gigil nun, Actually Hindi naman ako pumayag makipag break siya yung pwersahang nakipag break kahit ilang beses akong nagmakaawa sa kanya at ang reason nun study first! Ayos lang sana talaga kung may klase ng mga panahon yun valid pero pusangina! Seriously like duh?! Study first summer na summer ghAd! Sarap k—hampasin kung 'di ko lang mahal yon.
"Nagkatitigan kaya kami ni Basti! Feeling ko talaga beshy mahal pa 'ako nun baka may ibang reason lang talaga siya bakit nakipag break" ayan nanaman yung luha ko, naiiyak nanaman ako.
"Uy! Sisteret lokaret kang babae ka wag kang umiyak myghAd Khalila like seriously?! Wag mong iyakan yon 'di niya deserve I know fafa basti is hot but tsk tsk he doesn't have the right para saktan ka ng ganyan" Mas naiyak pa ako lalo sa sinabi ni Zach kaya 'di ko na napigilang yakapin siya ng sobrang higpit.
"P-pano ba 'to, naguguluhan na ako asang asa ako kahit wala akong k-kasiguraduhan kung may pag asa ba ako" halos 'di na ako makapag salita ng maayos dahil sa pag iyak ko.
"Soo sige kaloka ka dai, heto gagawin ko 'to for the sake of mahal kita but iws 'di tayo talo I mean magpapanggap akong boyfriend mo at titignan natin kapag magseselos si Fafa bastii oh diba pak na pak pak ganern talino ng braincells ko sis" imbes na maiyak pa 'ko natatawa nalang ako kay Zach at napag isipan na 'rin yung offer niya, why not hindi naman masyadong alam ni Basti na bakla si Zach I mean ewan nga lang kung gagana ba.
"Sure ka beshy? Hahaha kaya mo?" Punas ko ng luha ko at tinitigan siya.
"Oo naman sis lokaret ka, Mahal kita eh kaya para sayo gagawin ko ang lahat maging masaya kalang para bongga! Gusto mo yon? hahaha kasi ako gusto ko yon" Hindi ko alam pero biglang uminit yung pisnge sa sinabi ni Zach minsan niya lang kasing banggitin na mahal niya ako, 'di kaya naninibago lang ako hayy siguro nga.

BINABASA MO ANG
I Fall In Love With My Gay Bestfriend
FanfictionSinong mag aakala na magmamahal ka ng binabae sinong mag aakala na yung akala mong panghabay buhay mo ng sisteret eh panghabang buhay mo palang mamahalin