Chapter 2

14 0 0
                                    

Sarah's POV

Kasalukuyan kaming nasa sasakyan at tinatahak ang madilim na lugar. Pasado alas otso na nang tumingin ako sa aking orasan.Hindi ko alam kung saan ba talaga kami papunta,at hindi ko na rin matandaan kung saan kami galing basta ang natatandaan ko lang ay pumasok kami sa isang lumang gate."dapat di nalang kasi ako sumama dito ei,kung di lang ako pinilit ni Sam ay di ako sasama" sabi niya sa sarili.

Sinilip ko ang bintana sa aking gilid at natanaw ko ang malawak na damuhan at palayan,ngunit laking gulat ko nang may mapansin akong kakaiba. Isang matandang lalaking nakatayo sa tabi ng puno at napansin kong matalim ang tingin nito sa amin.
"guys nakita niyo ba yon?" tanong ko sa aking mga kasama."ang alin" tanong naman ni Sam. "yung matandang lalaki,nakatayo siya dun sa tabi ng puno at nakatingin sa atin" saad ko."seriously? Eh wala ngang katao tao dito ei" ani Chesca."alam mo baka guniguni mo lang yan,matulog ka kaya muna at magpahinga baka pagod lang yan" may pag aalalang sabi ni Sam."wow,concerned" biro naman ni Carlo. Naisip ko na baka nga guni guni ko nga lamang ang aking nakita at tumahimik na lamang.

Binasag ni Sarah ang matinding katahimikang bumabalot sa kanila.

"uhmm,gaiz hindi paba tayo babalik? Kasi mukhang naliligaw na tayo" sambit ko sa aking mga kasama. "edi mas masaya" puno nang kalokohang sabi ni Carlo na ngayon ay mabilis na pinahaharurot ang aming sasakyan habang umiinom ng beer. "tigilan mo nga yang pag inom Carlo,mag focus ka sa pagmamaneho." inis na sabi ko."Sarah kumalma ka nga,alam ni Carlo ang ginagawa niya" sabat naman ni Chesca."nag aalala lang naman ako baka kasi mabangga tayo" sagot ko naman sakanya.

Napatingin na lamang ako sa aking katabing si William na ngayon ay mahimbing na natutulog.Kanina pa raw kasi masama ang pakiramdam niya. Kanina ko pa din napapansin na may iba sa mga ikinikilos niya na hindi ko mawari.

Naging mapayapa ang aming paglalakbay ng bigla na lang...




The RoadTrip | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon