Chapter 4

22 0 0
                                    

"kanina pa tayo lakad ng lakad sumasakit na yung paa ko,san ba talaga tayo papunta? Can't you see walang tao dito." pambasag sa katahimikang wika ni Chesca. "wait,shush... guys tignan niyo" sabat naman ni William. "what?" tanong naman ni Sam. "diba bahay yon? Pero mukhang walang tao" sagot ni William. Sabay turo sa isang bahay di kalayuan sa kanilang kinatatayuan.
"oh,ano pang hinihintay niyo? Tara na at gusto ko nang umuwi" ani Carlo.

William's POV

Habang tahimik kaming naglalakad,bigla na lamang akong kinalabit ni Sarah "bakit? Anong problema?" tanong ko sakanya. "hindi kaba nagtataka? Sobrang lawak ng lugar na toh tapos isa lang yung bahay na nandito" halos pabulong na sabi ni Sarah."i mean kanina pa tayo naglalakad and nakapag tataka lang na isa lang ang bahay dito" pag papatuloy niya."malay mo naman maraming bahay dito talagang magkakalayo lang. Basta ang mahalaga may mahihingian tayo ng tulong at makakauwi na tayo" sagot ko naman sa kanya.

Nang makarating kami doon tumambad saamin ang isang malaki at lumang bahay,sa harap ay makikita ang isang malawak na bakod ngunit mapapansin din na medyo sira sira na ang bahay at mukhang inabandona na."sure ba kayong may tao na nakatira jan?" tanong ni Sarah."kaya nga natin kakatukin para malaman kung may tao sa loob" sagot naman ni Carlo.
*knock *knock *knock "tao po!" "tao po!" sigaw ni Carlo."Feeling ko walang tao sa loob,tara pasok na lang tayo" suhestiyon ni Sam na sinangayunan naman ni Carlo."i don't think that's a good idea,pano kung dumating yung may ari ng house? And feeling ko wala rin naman sila ng kailangan natin" sabat naman ni Chesca."tama si Chesca,atsaka di naman tama na pumasok tayo ng bahay ng hindi nag papaalam sa may ari" sabi ko naman."eh wala naman yung may ari eh,atsaka magpapalipas lang naman tayo ng gabi tapos bukas aalis na rin tayo if ever dumating yung may ari edi i will explain na kailangan natin ng tulong and I'm sure maiintindihan naman nila yon" sagot ni Sam."pero kung ayaw niyong sumama fine,kayong bahala. Basta kami ni Sam dito kami magpapalipas ng gabi" ani Carlo.

Wala na kaming nagawa kundi sumama nalang din,hindi kasi maganda kung maghihiwa-hiwalay kaming lima.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The RoadTrip | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon