Kinaumagahan ay maagang nagising si Claire, kahit pa nga medyo inabot na rin sila ni Clara ng maghahating-gabi sa pagkukwentuhan, hindi na nga rin niya namalayan na sa sobrang sarap ng kanilang kwentuhan ay naparami na rin pala siya ng inom kaya tuloy paghiga ng sa kama ay bagsak na agad siya. Ngunit dahil nga siguro nasanay na ang kaniyang katawan sa paggising ng maaga ay kusang nagising ang kaniyang diwa sa kabila ng puyat at kalasingan. Mabuti na lamang din talaga at wala ang kambal niyang anak dahil doon natulog ang mga ito sa bagong gawang silid na sinadya pa para sa mga ito bilang regalo sa pag
Pagbangon sa kama ay agad niyang tinungo ang balcony, doon ay nasilayan niya ang nagsisimula pa lang na pagsibol ng araw, at kahit pa nga anong sakit ng kaniyang ulo ay napalitan iyon ng kakaibang gaan ng pakiramdam na para bang ibinubulong sa kaniya ng malamig na simoy ng hangin na magiging maganda ang simula ng araw na ito.
Habang nagmamasid sa paligid ay saka lang niya napansin na naroon pala sa tabi ng swimming pool si Vince, nakasuot ito ng sandong puti at itim na shorts, at halatang busy sa pag-eexecise kaya hindi rin siya napapansin nito. Nakakuha tuloy siya ng pagkakataon na pagmasdan ito ng hindi nito namamalayan. At sa kung anong dahilan ay bigla na lamang siyang napangiti habang pinagmamasdan ang binata.
Naputol na nga lang ang kaniyang palihim na pagmamasid ng biglang lumitaw si Manang Merced, isa sa mga matatandang katiwala sa bahay, bitbit nito ang tray ng pagkain at inilapag iyon sa table malapit kay Vince.
"Thank you po, Nang." narinig niyang sambit ni Vince ng nakangiting pasalamatan nito ang katiwala. Nakangiting tumugon rin naman ang matanda rito.
Nang mapansin siya ni Vince mula sa balkonahe ay tila biglang tumalon ang kaniyang puso at naramadaman niya ang pagkahiya. Naisip niyang baka isipin ng mokong na ito na sinasamantala niya ang panunuod rito ng di nito nalalalaman.
"What are you doing there?" kunot-noong tanong nito habang nginnunguya ang hawak na sandwich.
"Hindi kita pinapanood!" mabilis niyang tanggi saka ito inirapan.
"Wala akong sinabing ganyan." kibit-balikat na tugon nito na halatang patay-malisya lang sa sinasabi niya.
"Ewan sayo!"
"Come down here, join me." alok ng binata ng maupo na ito sa isa sa mga bakanteng silya. "Nakakawalang gana kumain ng mag-isa. Sayang naman tong pagkain." tinuro nito sa pagkain.
"Ayaw ko, busog pa ako tsaka aya---"
Ngunit hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng sumabat si Vince, "Bumaba ka na rito dahil gusto rin kitang makausap tungkol sa mga bata. Something really important."
Kahit ayaw pa man sana ni Claire ay napilitan siya dala ng labis na kuryosidad. Anything that involves her child is something that she considers really important. Kaya naman kahit ayaw sana niyang saluhan ito sa agahan ay pinili na rin niyang bumaba at tugunin ang hiling nito.
"Anong pag-uusapan natin tungkol sa mga bata?" diretsahang tanong ni Claire ng makababa sa garden at ukupahin ang bakanteng silya na katapat ng kay Vince.
"Eat."
"Wala akong gana."
"Eat."
"Ang kulit mo naman, wala nga akong---"
Bigla siyang natigil sa pagsasalita ng biglang isubo ni Vince sa kaniyang bibig ang sandwich na kinakain nito.
"Ang daldal mo sa umaga. Kumain ka muna." mapang-asar na sabi nito at saka binitawan ang sandwich kaya nanatiling nakasubo iyon sa kaniyang bibig.
BINABASA MO ANG
Unbreak My Heart (Playboy Series #6)
Romance(Tragic Romance) Vince and Claire are finally together. Pero sa pagkakataong ito ay mas nagiging mahirap para sa kanila ang magsama sa iisang bubong dahil sa dami ng mga hinanakit nila sa isa't isa. Pero paano kung sa likod ng inaasahan na muling p...