There's a brief moment when Claire first woke up and have no memories, just a blissful blank slate and beautiful emptiness. But it doesn't last long and reality hits her hard. She remember where she is, what she's trying to forget, and how It's hard to let go of the things she hate about the world...
But to her surprise, the man she thought was long gone, is actually beside her. Holding her hand and making a vow. Pero hindi niya alam kung panaginip ba ito o likha ng kaniyang imahinasyon.
"For better or for worse. For richer, for poorer. In sickness and in health. To love and to cherish... I love you forever and ever, Claire... Till death do us part." At isinuot ni Vince sa kaniyang daliri ang singsing na nagbubuklod ng kanilang sinumpaang pangako ng walang hanggan na pagmamahalan.
Sinubukan ni Claire na igalaw ang kaniyang katawan ngunit kahit anong gawin niya ay hindi iyon sumusunod sa iniuutos ng kaniyang isipan. Pakiramdam niya ay para siyang nakatali o nakapako sa kinahihigan at nadadaganan ng mabibigat na bloke ng naglalakihang mga bato.
Pero hindi siya basta sumuko. Not now. Not anymore. Gusto niya maramdaman na totoo ang lahat ng ito. Na totoo ang lalaking nasa harap niya. At hanggang sa magtagumpay siya na mahawakan ng bahagya ang kamay ng binata at maramdaman na hindi panaginip lang ang lahat ng ito. And when she heard him say her name and that very surprised look all over his face, sa pagkakataon na ito ay alam niya na hindi na siya basta nananaginip na lang. This man in front of her is real and not just a another product of her messed up imagination and hallucination.
Kaya naman naiyak siya. Gustuhin man niya magsalita ay hindi niya mahanap ang sapat na lakas para gawin iyon. Kaya naman isang ngiti na lamang ang kaniyang naibigay rito. And that's the last thing she can remember before unconciousness crawled into her body system once again.
The second time she opened her eyes ay unang hinanap ng kaniyang mga mata si Vince. Sinuyod ng kaniyang mga mata ang paligid ng silid ngunit wala ni anino nito doon. Inisip niya na baka nga nagdedelusyon lang siya na nakita si Vince pero nang magawa ang tingin niya sa kamay ay doon niya nakita ang wedding ring nilang mag-asawa.
"Vince..." She said tearfully habang may ngiti ng pasasalamat sa kaniyang mga labi. Buhay ka. Buhay ka nga... Diyos ko. Panginoon. Maraming salamat po at iniligtas niyo ang asawa ko.
Kung noong una ay mas hirap siyang kumilos at magsalita, ngayon kahit papaano ay mas ayos na ang kaniyang pakiramdam. Bagamat masakit pa rin ang kaniyang katawan dala ng mga sugat na natamo at medyo nahihilo pa rin siya. Pero sa pagkakataon na ito ay mas nagiging malinaw na at mas siguro na si Claire kung nasaaan siya, kung anong nangyari sa kaniya, at kung ano ang naging sanhi niyon.
Wala rin siyang kamalay-malay kung ilang oras na siyang tulog o kung gaano na ba siya katagal na naroron sa hospital. Hindi pa man ganoon kalinaw ang lahat ng mga nangyari ay tanda ng dalaga ang huling memorya nang mabangga ang kotse niya sa kasalubong na sasakyan hanggang sa nalalaglag siya sa kung saan at bumangga sa mga puno.
Kaya ng muling ipikit ni Claire ang kaniyang mga mata ay hindi na siya nangangamba pa. Alam niya na buhay si Vince, buhay ang mahal niya. So she went to sleep with high hopes na muli silang magkikita nito. And she prayed na sana ay sa susunod na pagbukas ng mata niya ay ang pinakamamahal na lalaki na ang masisilayan ng kaniyang mga mata. Sana.
Lord, hindi ko na alam kung papaano pa po ako magpapasalamat sa inyo sa lahat ng kabutihan na ginagawa niyo. Pero ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat para makabawi sa lahat ng pagkukulang at pagkakamali ko... Pangako ko po na mas pahahalagahan ko pa at iingatan ang pangalawang buhay na ibinigay niyo sa akin, sa amin. Maraming, maraming salamat po, Lord.
The moment she woke up again, it was finally the time she waited the most. Nasa tabi na niya si Vince. Nasa tabi niya ang dahilan kung bakit gusto pa niyang mabuhay at lumaban.
BINABASA MO ANG
Unbreak My Heart (Playboy Series #6)
Romance(Tragic Romance) Vince and Claire are finally together. Pero sa pagkakataong ito ay mas nagiging mahirap para sa kanila ang magsama sa iisang bubong dahil sa dami ng mga hinanakit nila sa isa't isa. Pero paano kung sa likod ng inaasahan na muling p...