Chapter 9

2.2K 67 5
                                    

"Excuse me, Miss, Saan ka pupunta?"

Nilingon ni Claire ang babae na nasa kaniyang luikuran, ito ang babae na kanina niyang nakita sa reception desk. "I'm here to see Mr. Vince Hendelson." Bigay imporma niya rito.

"Do you have an appointment with him po ba? Hindi po kasi allowed ang biglaang meeting with our head bosses. Kailangan niyo po muna mag-confirm ng appointment. Protocol po namin." Magalang na tugon ng babaeng receptionist.

Dahil sa ipinakita nitong paggalang ay medyo nahiya si Claire sa kaniyang inasal na dire-dretsong lakad patungo sa elevator. Ang totoo niyan ay nawala lang din talaga sa isip niya ang tungkol sa paglapit sa reception desk dala ng labis-labis na kaba. Ito kasi ang unang pagkakataon na kusa siyang lalapit at hihingi ng pabor kay Vince. 

"I don't have any appointment with him." Pag-amin niya rito.

"Please wait for a while po muna sa waiting room," turo nito sa isa sa mga silid na nasa kaliwang bahagi. Sa itsura ng sinasabing waiting room ay parang mahihiya ka na lang pumasok. Paano ba naman ay mukhang executive meeting room ang itsura noon kapag titignan palang mula sa glass wall. "Itatawag ko po muna sa office ni Mr. Vince Hendelson ang inyong pagdating. Can I have your name po?"

"Ms. Gonzales." She answered. Hindi na rin siya nag-abala pa na pumasok sa loob ng waiting room at sa halip ay naghintay na lang sa harap ng reception desk.

"I'm sorry, Ms. Gonzales. But as per his secretary, Mr. Vince Hendelson cannot accommocate you anytime today. Fully blocked daw po ang daily schedule ni Sir Vince at ayaw nitong magpaistorbo."

Tila nagpantig ang tainga niya sa sinabing iyon ng babae. Ayaw raw magpa-istorbo? Aba, ngayon na nga lang siya lalapit rito para sa isang pabor. At hindi lang basta isang simpleng pabor, it's a favor that can make or break her entire job. Nilakasan niya ang loob at sinabi sa sarili na hindi siya aalis doon hangga't hindi ito nakakausap. Ginulo ng lalaking iyon ang nananahimik niyang buhay, kaya nasa kanya ang lahat ng karapatan para bulabugin din ang buhay nito. At ngayon ay maniningil siya ng kaunti.

"Actually, Miss, sorry ha, but I don't need an appointment with him."

"Pero, Ma'am-"

"I'm his wife." Lakas-loob na paggamit niya sa term na iyon kahit ang totoo ay hiyang-hiya na siya. Pero gaya nga ng sabi niya, it's a make it or break moment kaya gagamitin niya lahat ng kailangan niya. "Kung ayaw mong maniwala, tawagan mo ulit siya at sabihin mo ang pangalan ko. Also, here, look, picture nila ng kambal ko." Ipinakita pa niya rito ang litrato nina Vince, Lucho, at Dreico na magkakasama. At sa totoo lang ay isa iyon sa mga malulupit na sekretong kaniyang itinatago. Ayaw niya na may kahit na sino man ang makaalam na siya ang babaeng nail-link kay Vince lalo at alam naman sa buong Hendelson Empire na ang babaeng ipinakilala nitong fiancé ay si Elizabeth.

"Oh my—" sabay na sabi ng dalawang receptionist na babae. Base sa mukha ng mga ito ay hindi makapaniwala ang mga ito sa kaniyang sinabi.

Hindi na hinintay ni Claire na matapos pa ang receptionist na i-confirm ang sinabi niya. With that look of surprise on their faces, sigurado siyang aabutin pa ito ng forty thousand years bago ma-absorb ang kanyang sinabi. Lihim siayng napapangiti habang naglalakad patungong elevator. "Hayaan niyo, hindi ko naman talaga papakasalan ang baliw na lalakeng yun!" sambit niya habang hinihintay bumukas ang pinto ng elevator.

"Miss?" Nilingon ni Claire ang tumawag ng kanyang pansin. "Hi, sorry if I interrupt you." Nakangiting bati ng lalakeng nakasuot ng classic blue Coat and Tie. Base sa itsura nito ay hindi naman ito mukhang simpleng empleyado lang, "I'm Johaness Soldati. But you can call me Hans."

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon