UL-1

20 0 0
                                    

Ivan'sPOV

KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIING KRIIIIIIIIIIIIIING!!

Ano ba yan ang aga aga may tumatawag na

"KUNG MANGUGULO KALANG WAG KANG TUMAWAG!"

Nak ng teteng. Ang sarap ng tulog ko eh tapos may tumatawg na ganitong oras

"HOY IVAN BA KA GUSTO MONG BUMANGON AT MALELATE NA TAYO"Sigaw naman ni Geoff sa telepono

"ANAK NG TETENG BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?"

"Kanina pa ho kami katok ng katok mahal na hari"

Pinatay ko na ang telepono at bumangon na. Dumeretso na ako sa banyo para maligo

Pagkatapos kong maligo at magbihis lumabas na ako ng kwarto at nakita ko sila sa sala

"O asan si Peter?"

"Nauna na. May pupuntahan daw eh"sagot naman ni Chevin na nangangalikot ng telepono niya.

"Eh si Paolo?"

"Ewan tignan mo sa labas baka nakikipagtitigan sa araw" aba ano nakikipag pilosopohan ba to?

"Ah ganun ba? Sige titignan ko kung sino na nanalo sa kanilang dalawa"

"Ano mag sasagutan na lang kayong dalawa diyan? 10minutes na ho tayong late"pagmamaktol naman neto ni Geoff

"Kailang ba tayo naging maaga?"

"Sus alam mo Geoff kung gusto mo na mauna, Mauna ka na kanya kanya naman tayong kotse ha bat ka pa naghihintay?" sagot ni Chevin na hanggang ngayon nangangalikot pa rin ng telepono niya

"Ano ba kasi yang kinakalikot mo ha? May balak ka na bang pakasalan yang telepono mo?"

"Naglalaro ako. Baka matalo ako pag di ako nag concentrate"

"Ano ba kasi yang nilalaro mo?"

"Subwaysurf" letche kala ko naman kung ano.

"Hoy kanina pa ako naghihintay sa labas halos nakausap ko na lahat ng dumadaang babae!" pagmamaktol naman neto ni Paolo

Unexpected loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon