Kaibahan ng "Ng at Nang"

132 1 0
                                    


Isa ka rin ba sa mga madalas naguguluhan kung alin sa salitang "Ng at Nang" ang dapat gamitin sa pangungusap?

Halina't alamin ang mga kaibahan at wastong paggamit ng "Ng at Nang" sa pangungusap.

"NG"

1. Ginagamit ang “ng” kasunod ng mga pang-uring pamilang.

Mga Halimbawa:

🔹Bumili si Rex ng apat na tinapay
     para sa anak niya.

🔹Naglabas ang nanay ng walong
     baso ng tubig para sa mga bata.

(Ang salitang ng ang ginamit dahil ang kasunod na salita ay ang salitang apat at walo na siyang pang-uring pamilang. Bumili si Rex            apat na tinapay. Dapat tingnan mabuti kung ano ang salita na dapat makasunod.)

2. Ginagamit ang “ng” sa mga
pangngalan .

Mga Halimbawa:

🔹Pumunta ng paaralan ang guro.

🔹Kinuha ng bumbero ang balde sa
     kusina.

(Ang salitang ng ang magagamit kung ang kasunod na salita ay pangngalan. Ang pangngalan ay ngalan ng tao, hayop, pook, o pangyayari.)

3. Ginagamit ang “ng” upang magsaad ng pagmamay-ari.

Mga Halimbawa:

🔹Ang tiwala ng tao ay mahirap
     makuha kaya ingatan mo ito.

🔹Ang silid-aralan ng mga bata ay
     binaha.

(Ang salitang ng ay ginagamit sa pagsasaad ng pagmamay-ari. Tiwala ng tao. Ang 'tiwala' ay pag-aari ng 'tao' kaya dapat itong gamitan ng salitang ng upang mapaghiwalay ang tiwala at tao para mas lalo itong maunawaan kesa sa sabihing: ❌Ang 'tiwala tao'. Ganun din sa ikalawang pangungusap. Silid-aralan ng mga bata ang 'silid-aralan' ay pag-aari ng 'mga bata'. Ito ay nagsasaad ng pagmamay-ari kaya dapat na gamitin ang ng.)

4. Ginagamit ang “ng” kapag ang sinusundan na salita ay pang-uri .

Mga Halimbawa:

🔹Bumili ng magandang damit ang
     tatay para ibigay kay nanay.

🔹Kinuha ng masunuring bata ang
     basura at iniligay sa nararapat
     nitong kalagyan.

(Ginagamit ang ng kapag ang sinusundan na salita ay pang-uri. Pang-uri ay mga salitang nagpapaliwanag/naglalarawan sa anyo, hugis, o sukat ng tao, bagay, hayop at pangyayari. Ang salitang 'maganda' ay naglalarawan sa 'damit' at ang salitang 'masunurin' ay naglalarawan sa 'bata'.)

5. Ginagamit ang “ng” upang pananda sa gumaganap ng pandiwa sa pangungusap.

Mga Halimbawa:

🔹Binigay ng guro ang mga libro sa
     mga mag-aaral niya sa ikaapat na
     baitang.

🔹Inalis ng matanda ang mga
     nakaharang na bakod sa daan.

(Ginagamit ang ng bilang pananda sa gumagawa ng pandiwa. Ang pandiwa ay salitang kilos o galaw. 'Binigay' ng  'guro' ang mga libro. Ang salitang 'binigay' ay salitang kilos o galaw. Sino ang gumanap sa pandiwa? Ang 'guro'. 'Inalis' ng 'matanda'. Ang salitang 'inalis' ay salitang kilos o galaw at ang gumanap sa kilos ay ang 'matanda'.)

"NANG"

1. Ginagamit ang “nang” sa gitna ng mga pandiwang inuulit.

Mga halimbawa:

🔹Takbo nang takbo ang bata sa
     parke sa sobrang kaligayahang
     naramdaman niya.

🔹Madalas nauubusan ng pera si
     Demetrio sapagkat siya ay yung
     tipong bigay nang bigay sa ibang
     tao.

2. Ginagamit ang “nang” pampalit sa “na at ang”, “na at ng”, at “na at na” sa pangungusap.

Mga Halimbawa:

🔹Umaga nang dumating si Jose sa
     bahay nila. (Umaga na ng dumating
     si Jose sa bahay nila.)

🔹Sobra nang pagkamasungit ni
     Alysa. (Sobra na ang
     pagkamasungit ni Alysa.)

🔹 Hayaan mo nang kunin niya yung
      mga gamit niya. (Hayaan mo na na
      kunin niya yung mga gamit niya.)

3. Ginagamit ang “nang” para magsaad ng dahilan o kilos ng galaw.

Mga Halimbawa:

🔹Nag-aral nang tahimik ang
     magkapatid.

🔹Umalis ka nang maaga upang iyong
     maabutan ang tatay mo sa bahay.





Take note: Dapat lamang suriin ng mabuti ang mga pangungusap na ginagawa o babasahin bago gamitin ang salitang ng at nang.

LET Reviewer (General Education & Professional Education) Where stories live. Discover now