Ang "Kung At Kong"

92 1 0
                                    

KUNG at KONG

Ang tumpak na paggamit ng dalawang salitang ito ay mahalaga sa pagsulat at di gaano sa pagsasalita sapagka’t halos magkatulad ang kanilang bigkas. Ngunit sa pagsulat ay kinakailangang malaman ng isang sumusulat kung alin sa dalawa ang dapat gamitin. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at pag-aralan ang gamit ng mga salitang naiiba ang titik:


KUNG

👉Ang kung ay ginagamit na pangatnig sa mga 'sugnay na di makapag-isa' sa mga pangungusap na hugnayan.

(Ang 'sugnay na di-makapag iisa' ay may paksa at panag-uri subalit hindi buo ang diwang ipinahahayag.)

1. Kung siya’y narito, tayo’s magiging masaya.

2. Sumama ka sa kanila kung ibig mo.

3. Kung hindi umulan, marahil ay naparito ako.

4. kung magbabago ang iyong mga paniniwala sa buhay.


KONG

👉Ang kong naman ay buhat sa panghalip na 'ko' at nilalagyan lamang ng pang-angkop na 'ng' sa pakikiugnay sa salitang sumusunod.

1. Ang aklat kong bago ay nawala.

2. Isasalaysay kong lahat ang nangyari.

3. Nakita kong malubha ang kanyang sakit.

Sa mga halimbawang pangungusap, ang 'ko' ay inaangkupan ng 'ng' sa pakikiugnay sa pang-uring bago, at gayon din sa pang-abay na lahat.

Samakatuwid ang 'ko' ay nagiging kong dahilan sa pang-angkop, samantalang ang kung ay talagang iisang salita at ito ay isang pangatnig ng hugnayang pangungusap.





TANDAAN!

Ang kong ay pinagsamang panghalip na 'ko' at pang-angkop na 'ng'.

Ang kung ay iisang salita na isang pangatnig ng hugnayang pangungusap.



Author's Note:

Goodluck and Godbless everyone. Feel free to ask. 😊😇

LET Reviewer (General Education & Professional Education) Where stories live. Discover now